Chapter 17 : Medical Mission

133 9 0
                                    

--

Mga 3 ng umaga ng nagising ako nag almusal lang ako ng tinapay tsaka ko rineady mga dadalin ko susunsuin kasi ako ng mga kasamahan ko

Nag suot lang ako ng white polo blouse tinuck in ko lang toh sa highwaist wide leg pants ko dinouble check ko rin mga gamit sa bag at maleta ko 

Matapos ng ilang oras na byahe sa mabatong daan kailangan pa namin tumawid sa ilog na toh bawal naman namin tawarin masyado malakas kasi yung alon baka tangayin kami

Binaba nila zake yung hawak nilang storage na naglalaman ng mga grocery na ipapamahagi mamaya. "Kaya ba natin tawirin yan eh kung mag bangka na lang tayo?" usal ni zake

"Oo nga sabi ni manong meron daw bangka hindi kalayuan dito kaso problema paano tong mga storage baka tumubog tayo" ani naman ni leslie

I sighed. "Kami na ni jerick sa storage dyan kami dadaan sa hanging bridge kita kita na lang tayo doon"

Agad naman lumapit sa akin si jerick tsaka pinalipot kamay nya sa braso ko. "Bakla ka sigurado ka ba kaya natin yan baka naman hindi pa tayo nakakarating doon hulas na make up ko!" reklamo nito

"Tumigil ka nga! Kaya natin yan sa laki ba naman ng katawan mo" daing ko

Bali hinati namin grupo namin may iba pa kasing susunod sila doctora maye at iba pang medic team so bali sila zake, leslie at yung iba pang employee doon sasakay sa bangka dala dala yung ibang gamit hindi rin kasi magkakasya if sasakay kami lahat doon baka mamaya lumubog pa kami

Sumama naman sa amin sila lira, john, lexi, jared tsaka kaming dalawa ni jerick nag tulung tulungan lang kami magbuhat ng apat malalaking storage na toh

"Mauna na kayo dahan dahan lang ha magalaw baka tumuwad tayo dito" bilin ko dito

Solo ko yung isang storage habang sila by partner eh kung by partner pala kailangan dito dapat sinama ko si keith pero kaya ko naman yuny bigat kaya ayos lang

"Hoy yanna ano pa ginagawa mo dyan tara na bilis kaya mo ba?"

I nodded. "Oo kaya ko sige mauna kayo susunod ako"

Sa totoo lang takot ako sa matataas bakit pa kasi ako nah volunteer nito eto kasing bunganga ko pasmado bigla na lang nagsasalita

Hinawakan ko na sa magkabilang handle yung storage box tsaka ko binuhat hinakbang ko yung isa kong paa sa simula ng hanging bridge medyo umuuga pa kaya doble kaba ko

Napapikit tuloy ako. "Ma pa please ayoko pa mamatay" bulong ko sa sarili ko

Huminga ako ng malalim bago tuluyang humakbang ulit kaso hahakbang palang ako ng may umalalay agad sa akin mula sa likod ko liningon ko agad toh

My eyes widened. "Bakit ka andito akala ko ba may gagawin ka?"

Ngumisi ito. "Ayaw mo ba ako kasama tsaka bilisan mo nga maiiwanan tayo"

"Bakit ka nga andito?" pag uulit ko.

"Sige na nga oo na pinadala ako ni paps dito kasama ko si atty carmela pero susunod na lang daw sya may dinaanan lang" ani nito napatango naman ako

"Paano si nath? Alam ba ni nath na sumama ka ngayon?" tanong ko ulit

Tumango sya. "So ano okay ka na ba wala ka na bang tanong?" umiling naman ako

Kinuha nya yung storage box tsaka nya toh mag isang binuhat pinauna naman nya ako maglakad nakahawak ako sa mga tali na nagsisilbing harang sa gilid namin habang unti unti ako naglalakad bawat lakad ko syang galaw nitong hanging bridge

"Bilisan mo maglakad baka abutin tayo ng gabi dito huwag ka mag alala nasa likod mo lang ako" rinig kong sabi ni simon hindi ko na nagawang lumingon pa dumere deretso na ako

More Than Friends (COMPLETE) Where stories live. Discover now