01

4.5K 147 325
                                    

3RD PERSON







Umaga na naman at malayo pa lang maririnig na agad ang ingay ng 4th year Section 1. It's been 1 month since the class started at komportable na agad sila sa isa't isa. I mean, paanong hindi magiging komportable kung magkakaklase lang ulit sila.

Magkakaibigan na rin sila simula noong elementary kaya ganto kagaan ang pakiramdam nila sa isa't isa.


They're each other's kakampi.


May iba't ibang breed ng mga tao dito, syempre. May mga jejemon mapalalake man yan o babae, may mga maaasim, may mga mahaharot tipong lahat ng mga gwapong lalaki sa 4th year highschool ay crush nila.



Section 1 din ang suki sa guidance lalo na sila Baji, Chifuyu, Kazutora at Hanma. Paano ba naman kasi umagang umaga mababalitaan mong may sinapak sa hallway kasi raw maangas. Minsan pa nga ay may ingasan silang estudyante dahil lang sa paglalakad nito. Sila rin yung panay patugtog ng mga ExB songs lalo na tuwing recess. Silang apat din yung tipo ng mga estudyante na laging nagco-cross over sa harapan mo sarap sipain sa private part.


Si Mikey naman yung classmate mo na pumasok lang para mambwiset ng mga classroom officers pero matalino yan tamad nga lang. Si Draken, Mitsuya, Smiley, and Angry naman mga goodboi 'tong bata ko, lods. Legit. Mas malinaw pa sa relasyon niyo, char.


Si Peh-yan tas Pah-chin naman yung classmate mo na kakalbitin ka every quiz para mangopya tas pag nahuli kayo, sisisihin ka pa. Suki rin sila ng guidance.


May classmate rin na pabida katulad ni Kisaki. Yung usapan niyo wag magpasa ng mga gawain kasi hindi pa tapos yung iba niyong classmates pero siya bida bida kaya nagpasa siya on time.


Sila Hina, Senju at Emma naman yung mga good girls na palaban. Sila yung nag uumpisa ng mga parlor sa room. Pag may bumangga sa bff nila, magtago na kayo. Tatrashtalkin agad kayo ni Emma. Minsan pa nga may pen knife na dala si Senju babalatan niya raw mga kaaway nila samantalang si Hina naman ready daw ang kamay niya para manampal.


May classmate rin kayo syempre na magpapaalam magcr pero pagbalik may dala na silang turon at 'yon ay si Mucho, Mochi at Shion. Sila yung mga nanonood ng bold sa likuran, de joke lang. Sila yung mga classmate niyo na parang bouncer sa bar dahil sa tangkad nila.


"Mga beh, nanjan na sila!" Sigaw ng classmate nila Emma at alam na agad nila yung sign na 'yon.


Bigla namang pumasok sila Ran, Rindou, Koko, Kakucho at Sanzu. Sila yung mga tinitilian ng mga estudyante, campus crushes daw. Sila yung mga famous na students at kasali sa mga school clubs.


Si Ran and Rindou yung magkapatid na makikita mong nagbabardagulan kahit saan. Sila rin yung nag aaya ng mga shot sessions nila every weekend. EVERY WEEKEND. Hindi ko alam kung healthy pa ba kidney nila or what. Sila rin yung mga nag e-excel sa acads kahit hindi halata sa itsura nila, char. Marunong din sila magDJ lalo na si Rindou. These two are part of the Paraluman Band.


Si Rindou yung drummer while his brother naman ay Bassist.


Si Koko at Kakucho naman yung medyo good boy. Si Koko na laging nasa math club kasi nandon yung crush niya na si Sei. Si Kakucho yung goods lang sa buhay.


Si Koko naman yung keyboardist sa banda habang si Kakucho yung lead guitarist.


Si Sanzu naman yung estudyante na ang goal lang sa buong school year ay maghanap ng chicks. Oo, tama yung nababasa niyo. MAGHANAP NG CHICKS. Siguro, sa buong taon niya sa highschool marami na siyang napaiyak. Siya rin yung may motto na "okay lang na bagsak, at least pogi." Si Sanzu yung rhythm guitarist.


Paper Rings | K. IzanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon