[PANAGINIP]
NAGTATAKBUHAN ang mga tao. May nag-iiyakan, sumisigaw at ang iba ay walang tigil na binibigkas ang paghingi ng tulong. Kasabay no'n ay ang nakakapangilabot na ungol ng kung anong mga halimaw sa buong kapaligiran. Bilog na bilog ang maliwanag na buwan at nababalot ng manipis na hamog ang nagtataasang mga puno na ang lamig ay tila tumatagos sa kailaliman ng balat. Nakatayo lamang si Luke, hindi siya makagalaw at tila ang sitwasyon ay nanonood ng sine ngunit, makatotohanan. Nagtataka siya at pilitin mang ihakbang ang mga paa'y hindi magawa sapagkat may kung anong puwersa ang pumipigil sa kaniya.
Isang matanda ang dahan-dahang lumapit habang nakatitig nang diretso sa kaniyang mukha. Napalunok ng laway si Luke dahil ang mga mata ng matanda ay pulang-pula at tila galit na galit. Sa kanang kamay nito ay hawak ang isang mahaba at matalim na itak.
"Nagbalik ka na pala. Handa ka na bang mamatay?" Nakakapangilabot na bigkas ng matanda habang patuloy sa paghakbang.
"Siya na ba ang hinihintay natin? Sa wakas, matatapos na ang ating paghihirap."
Napatingin si Luke sa sunod na nagsalita, isang babae ang puno ng dugo sa katawan at naglalakad papunta sa kaniya. Sa gawing kaliwa ay nabaling ang kaniyang paningin sa isa pang lalaki na papalapit.
"Isa kang salot, dapat ka nang mamatay!" sigaw nito, naaagnas ang balat sa buong mukha at makikita pa ang paglabas ng buhay at naglalakihang mga uod.
Nanginig ang mga tuhod ni Luke. Gustuhin man niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Gusto man niyang tumakbo ngunit nagmistulang poste siyang nakatayo at naninigas.
Isa pang lalaki ang lumapit, hubo't hubad din at nakahawak sa ari nito habang nilalaro iyon.
"Magbabayad ka!" sigaw nito.
Ngunit mas nangilabot si Luke nang mapagmasdan nito mula sa kalangitan ang pagbaba ng itim na usok patungo sa kaniyang direskyon. Ilang sandali ay nabago ang hulma nito at naging imahe ng isang demonyo- may pulang mga mata, mga matatalim na ngipin at mahahabang sungay na hugis kurba.
Tumagaktak ang pawis ni Luke. Ang panginginig ng tuhod ay umabot sa kaniyang buong katawan. Gusto niyang sumigaw o ipikit na lamang ang mga mata ngunit tila dinadala ang paningin upang pagmasdan ang demonyong nasa kaniyang harapan.
"Akin lang ang buhay mo!" Iniangat ng demonyo ang umuusok na kaliwang kamay at sinakal nang mahigpit ang binata.
"M-maawa ka..." sa wakas, nakapagbigkas ng mga salita si Luke ngunit bago niya pa marinig ang susunod na sasabihin ng demonyong nasa harap ay naramdaman na nito ang pagsikip ng kaniyang paghinga.
"Luke!"
Bago tuluyang mapapikit ay napasulyap siya sa gawing kanan at napagmasdan ang isang lalaki na patakbong lumalapit sa kaniya. Nanginginig at pilit iniaabot ni Luke ang kanang kamay sa lalaki ngunit bago mangyari iyon ay napahinto ito. Ilang sandali, lumabas sa bibig ng lalaki ang sariwang dugo. Kasabay no'n ay ang nakapangingilabot na halakhak ng demonyo.
"Hindi..."
NAPABALIKWAS ng bangon si Luke. Tagaktak ang kaniyang pawis at ang panginginig ng katawan ay nagpatuloy. Marahan siyang napatingin sa bilog na orasan, 12:30 na nang madaling araw. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tumulo ang kaniyang mga luha. Muli siyang napapikit at inalala ang mga senaryong napanaginipan. Kakaiba. Parang totoong-totoo niya iyong narananasan. Bawat iyakan, sigawan at mga salitang kaniyang narinig ay tumatak, tila totoong kaganapan ang mga nasaksihan.
Nagpasiya ang binatang tumayo at tumungo ng kusina. Nasa ikalawang palapag ang kaniyang kuwarto, katabi no'n ay silid ng kaniyang nakababatang kapatid na si Analiza. Sa may baba naman, magkasama sa iisang kuwarto ang kaniyang ina na si Elizabeth at stepdad na si Arthur. Simple lang naman ang kanilang tahanan pati na ang pamumuhay ng kaniyang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Midnight's Curse (Soon to be publish)
Mystery / Thriller[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Baryo Danayon. Kasalukuyan din noong nasa bisig ng kan'yang ina si Luke De Vera upang itakas sa panganib...