“NASA ‘yo lang pala ‘yan. Maaari ko na bang makuha ang pagmamay-ari ko?” buo at nakakatakot na tinig ni Santorio.
“Malas mo lang dahil alam ko ang kasaysayan kung bakit ka nakulong at ang mga sumpa sa baryong ‘to.” Ngiting saad ni Juanito at nagpasiyang ibaba ang hawak na kuwintas.
“Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ano ang gusto mong malaman? O, hilingin?”
Napalunok ng laway si Juanito. Totoo nga ang kuwento sa kaniya ng kaibigang si Nardo. Pero, alam niya rin ang magiging kapalit kapag nagkamali siya ng desisyon.
“Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng anak. Maibibigay mo ba ‘yon?”
“Oo, basta’t ibibigay mo sa akin ang itim na kuwintas.”
“Kung gano’n, tuparin mo ang hiling ko at ibibigay ko ‘to.” Muling itinaas ang kuwintas.
Mula naman sa isang malaking puno, naroon si Nardo at nagmamasid. Gusto niyang masiguro na magagawa ni Juanito ang plano nila. Na bago matapos ang midnight's curse ay mapaslang niya si Santorio.
“Kung gano’n.” Ibinuklat ng demonyo ang mga kamay na may mahahabang kuko at nagwika. “Sampung taon mula ngayon, magsisilang ang asawa mo ng isang makisig, mahusay, matapang at matalinong bata.” Bumuga ito ng maitim na usok na kumalat sa buong kapaligiran.
Matapos iyon, bumababa ito mula sa itaas at humarap kay Juanito. Inilapat nito ang mga kamay upang kunin ang magiging kapalit ng kaniyang kahilingan.
“Maaari ko na bang makuha?”
“Pasensya na, hindi ko hahayaang magkalat ka pa ng kasamaan sa buong mundo!” Mula sa likuran, hinugot ni Juanito ang patalim na ginawa ni Nardo at malakas na isinaksak sa Libro ng Shawika. May kung ano pang puwersa ang lumabas doon dahilan upang mapatalsik ang lalaki.
“Walang hiya ka!” Bago higupin ng nabutas na libro si Santorio, ginamit nito ang buong lakas at kapangyarihan upang matamaan si Juanito.
Ngunit bago mangyari iyon, mabilis na sumulpot si Nardo at sinagang ang kapangyarihan ng demonyo. Ilang sandali pa, nanginig ito at unti-unting nawalan ng hininga. Si Santorio naman, tuluyan nang hinigop ng libro at doon, inakala ni Juanito na nagtapos na ang midnight’s curse.
Dinala ni Juanito ang wala nang buhay na si Nardo sa tahanan nito. Kasabay no’n, ibinigay niya rin sa ama nito, si Leo ang Libro ng Shawika na halos mawasak na dahil sa ginawang pagsaksak.
“Ano’ng ginawa mo sa anak ko?” galit na tanong pa noon ni Pandora.
“Ginawa lang po namin ang lahat at ang tama. Ngayon, wala ng kahit anong sumpa ang kakalat pa sa baryong ito,” paliwanag pa ni Juanito.
“Nagkakamali ka!”
Ngunit, hindi na pinakinggan ng lalaki ang sasabihin ng matanda at piniling lisanin ang tahanang iyon. Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Laging tulala si Juanito habang hawak ang kuwintas. Noong mga panahong iyon, nilalamon na siya ng konsensya mula sa pagkamatay ng matalik na kaibigan dahil sa kaniya. Lagi niya ring kinakamusta si Elizabeth upang makumpirma kung nagdadalang-tao na ba ito o hindi. Sa lumipas na mga taon, inisip niya na lang na hindi natupad ang kaniyang hiling dahil sa winasak at tinapos niya si Santorio. Subalit makalipas ang maraming taon, nabuntis si Elizabeth. Doon, malakas ang naging kutob ni Juanito na hindi talaga tuluyang natapos ang sumpa. Oo, bahagya itong natigil pero hindi tuluyang nagtapos.
Taong 2020, muli na ngang sumiklab ang midnight’s curse at no’ng araw ring mismong iyon, nilisan nina Elizabeth at sanggol na si Luke ang Baryo ng Danayon habang bitbit ang naturang kuwintas na nagsilbi nilang susi upang makalabas sa lugar na iyon. Kasabay rin noon ay ang pag-alis ni Leo sa poder ni Pandora sapagkat tila nawala ito sa sarili dahil sa mga nangyari.
BINABASA MO ANG
The Midnight's Curse (Soon to be publish)
Mystery / Thriller[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Baryo Danayon. Kasalukuyan din noong nasa bisig ng kan'yang ina si Luke De Vera upang itakas sa panganib...