KABANATA III

142 11 0
                                    

[THE PAST]

IKA-22 NG AGOSTO, dalawang araw makalipas managinip si Luke tungkol sa isang babae at lalaking may hawak na sanggol. Tumatak sa kaniya ang bilin nito, mag-ingat sa gano'ng oras- sa hatinggabi. Ang ginawa niya, hindi siya natutulog habang hindi pa lumalagpas ang oras sa pagitan ng alas dose at ala una nang madaling araw. Upang hindi antukin, madalas tumawag ang best friend na si David at pinag-uusapan nila ang balak na pag-alis at pagluwas ng binata patungo sa Baryo ng Danayon. Hindi pa ito binabanggit ni Luke sa ina, kumukuha pa siya ng buwelo at lakas ng loob. Upang lalong maging handa, mabilis na tinatapos ng binata ang pag-uusap at paggawa nila sa thesis dahil sa oras na hindi nila magawa iyon, maaaring hindi sila maka-graduate.

Kasalukuyang nasa mansyon ng mga magulang ni David ang dalawa. Nandoon sila sa malawak na field kung saan nila ginagawa ang shooting range bilang pag-eensayo sa tamang paghawak at pagpapaputok ng baril. Matapos ang sunod-sunod na putok mula sa pagbaril ni David, si Luke naman ang sumalang. Bago iyon, isinuot niya hearing protection at protective eyewear. Matapos, ipinaslak nito ang magazine sa hawak-hawak na pistol at ikinasa. Seryoso itong tumitig sa target at marahang inaangat ang baril.

"Ready?" tanong ni Don Miguel, ama ni David.

"Yes, tito." Ipinosisyon ni Luke ang sarili.

Naglakad palayo si Don Miguel at lumapit sa anak. "Ba't ang serious ng friend mo ngayon?"

Naninibago kasi ito sa kinikilos ng binata. Kapag nandoon kasi sila at nag-eensayo, kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkasabik lalo na kapag hawak ng mga palad ang baril. Welcome na welcome si Luke sa tahanan niya. Bukod kasi sa matalik itong kaibigan ng kaisa-isang anak, malaki rin ang utang na loob nila rito dahil noong panahong mapahamak ang anak na si David mula sa isang kidnapping incident, si Luke ang dahilan ng pagkakaligtas nito. Napapangiti na lamang siya kapag naaalala ang kabutihan ng binata at ipinangako ritong tutulong sa kahit anong paraan kapag si Luke naman ang nangailangan.

"Dahil sa papa niya, dad. Hindi ko alam kung pinagbubutihan niya lang ba ang paghawak ng baril o, baka may iba pa siyang plano kung bakit."

"I see. Maiwan ko muna kayo, I have something to do."

"Sige, dad."

Umalingawngaw ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril. Nang lapitan ng dalawa ang target, lahat ng bala ay sa gitna tumama. Napangiti nang lihim si Luke, mukhang handa na siya sa papasuking sitwasyon.

"Mukhang nalagpasan mo na 'yong rank at score ko, ha. Good job!" Tinapik siya ni David sa balikat.

"Hindi naman. Syempre mas magaling pa rin ang may-ari nito." Inabot niya kay David ang ginamit na pistol upang ibalik na rito.

"No! Ikaw na ang may-ari niyan." Sinenyasan ni David ang kaniyang bodyguard at isa rin sa nag-a-assist sa kanila na lumapit.

"Wait, akin na lang 'to?" pagtataka ni Luke.

"Yup!"

Bitbit ng bodyguard ang isang itim na briefcase at nang makalapit sa magkaibigan, binuksan iyon. Tumambad sa harap nila ang kahon-kahon ng mga bala, extra magazines at iba pang mga equipment.

"Wow, pati 'to?" Napatitig si Luke sa kaibigan, hindi niya alam kung dapat na ba siyang magtatalon sa tuwa o hihintayin ang kondisyon nito? Kilala niya si David dahil bukod sa natural ang pagiging matulungin nito, madalas ay may hinihingi itong pabor kapalit ng ibinigay. Ngunit, hindi naman iyon gano'n kahirap o kabigat.

"Yes, it's all yours, Luke." Kinuha ni David ang briefcase at inabot sa kaibigan upang maniwala ito. Baka kasi isipin ng isa na nagbibiro siya.

Labis ang pasasalamat ng isa. Hindi maiwasan ng binata na mapayakap sa napakabuting kaibigan. Simula't sapul kasi ay lagi niya itong nasasandalan. Madalas sabihin man niyang nahihiya na siya, laging pinapaala ni David sa kaniya na kulang pa iyon sa nakaraang nagawa nito kaya pa siya nandito sa mundo- ang pagkakaligtas niya sa isang kidnapping incident. Hinding-hindi iyon makakalimutan ni David at doon din mas napatunayan niyang iba si Luke sa lahat. Totoo ito at handa kang tulungan kahit sa pinakamadilim na sitwasyong mararanasan mo. Habang pinagmamasdan niya si Luke na sinusuri ang mga natanggap na gamit, muling nanumbalik sa kaniya ang nakaraan.

The Midnight's Curse (Soon to be publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon