[DARK TIMELINE]
"MAGNANAKAW ang ama mo!" Muling ulit ng matanda at nagpasya itong humarap sa nagtatanong na si Luke.
"Papaanong ninakaw? Ano ang hindi ko alam sa nakaraan?" sandaling napaisip si Luke, mukhang hindi ito nabanggit ng kaniyang ina o ng mga magulang ng kaniyang ama.
"Tatlongpung taon na ang nakararaan nang gawin niya ang pagnanakaw sa sagradong kuwintas mula kay Lucia, ang matalik kong kaibigan," at isinalaysay nito ang sinasabing pangyayari.
Taong 1950, sumulpot sa kung saan ang isang babaeng nagngangalang Lucia ang pinaniniwalaang anak ng makapangyarihang mangkukulam sa kasaysayan, si Sanora- ang pinakaunang tagapangalaga ng naturang kuwintas. Noong mamatay ang matanda, ipinama nito sa anak na si Lucia ang kuwintas upang protektahan sa lahat ng magtatangkang nakawin o kunin ito. Bukod sa kuwintas, kasabay ring ipinama rito ang sinasabing sagradong Libro ng Shawika- ang pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan ng mga mangkukulam sa mundo.
"Ano ang ikinamatay ni Sanora? At nasaan na si Lucia ngayon?" hindi maiwasan ng binata ang magtanong upang masiguro ang kabuuan ng nakaraan.
Hindi matukoy kung ano ang ikinamatay ni Sanora dahil ang alam lang ng mga tao, nilisan nito ang mundo dahil na rin sa katandaan. Nagkaroon ng anak si Lucia mula sa asawang si Leo, ito ay si Nardo na naging matalik na kaibigan ni Juanito- ama ni Luke. Nagkaroon din noon ng anak si Nardo pero hindi matukoy kung nasaan na ito.
"Wait, to make it short dahil medyo mahaba ang naging timeline ni Lucia. Si Sanora, may anak at 'yon ay si Lucia? Si Lucia nagkaroon ng anak at 'yon ay si Nardo? Na kaibigan ng ama ng best friend ko, tama?" napatanong si David, medyo hindi kasi nito na-gets noong una.
"Oo," tipid na tugon ng matanda.
"So, nagkaroon din ng anak si Nardo, which is walang may alam kung nasaan siya ngayon gaya nga nang sabi mo. Ang tanong, nasaan ngayon sina Lucia, Leo, Nardo at paano napunta kay tito Juanito 'yang kuwintas?" Turo pa ni David sa suot-suot ni Luke.
Napangiti ang matanda, muli itong nagsalaysay.
January, 1990 nang dalhin ni Juanito si Elizabeth sa Baryo ng Danayon at ipakilala sa mga magulang nito bilang asawa niya. Noong mga panahong iyon, laganap na talaga ang naturang sumpa ngunit inakala ni Juanito noon na wala na ito at tuluyang nagtapos. Ngunit, nagkamali siya at inilihim na lamang sa asawa ang katotohanan tungkol sa sumpa ng kanilang lugar. Ilang taon na ring nagsasama ang dalawa ngunit hindi pa rin biniyayaan ng anak. Hanggang sa makilala nito si Nardo, anak ni Lucia at Leo. Noong mga panahong iyon, walang alam ang mga tao kung ano o sino sina Lucia at ang pamilya nito.
Naging matalik na magkaibigan sina Nardo at Juanito. Maski ang lihim na pinakatatago ng pamilya ni Lucia ay isinalaysay kay Juanito bilang sa katiwa-tiwala ito. Noong una, natakot siya ngunit nang banggitin ni Nardo ang tungkol sa sumpa, Libro ng Shawika at ang kuwintas, naging interesado siya at ipinagpatuloy na itago ang lihim ng pamilya.
"Paano mo nasabing ninakaw ng ama ko ang kuwintas kay Lucia kung alam niya pala ang totoo tungkol dito?" medyo nagtaas ng boses si Luke.
"Dahil ninakaw niya talaga 'yon, iho."
October, 1990 nang nakawin ni Juanito ang kuwintas mula kay Nardo dahil nasa kamay na noon ng kaibigan ang kuwintas at Libro bilang sunod na tagapagmana matapos kay Lucia at asawa nito. Nang sumapit ang huling araw sa buwan ng Oktubre, taong 1990 ay muling nagpakita ang limang sumpa at doon, may hiniling si Juanito.
"'Yon na 'yon? Ano'ng hiniling niya?" tanong ni Luke.
"Walang may nakakaalam pero nang gawin daw iyon ng 'yong ama, namatay ang anak ni Lucia na si Nardo. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at galit sa mga mata ng kaibigan ko dahil sa ginawa ng ama mo. Bukod sa pinagnakawan sila, namatay pa ang pinakamamahal niyang anak." Nanduduro ang matanda at kahit medyo paos na ang boses nito, ramdam sa tinig nito ang galit mula sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Midnight's Curse (Soon to be publish)
Mystery / Thriller[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Baryo Danayon. Kasalukuyan din noong nasa bisig ng kan'yang ina si Luke De Vera upang itakas sa panganib...