CHAPTER 2

225 8 8
                                    

Vanish POV



"HOI MGA KUPAL BILISAN NINYO! WALANG TAONG NAGBABANTAY DOON NGAYON!" rinig kong sigaw ni Yarika sa baba.


Sanay na sanay na kaming ganyan siya pero minsan ang sarap niyang tirisin.

"OO NA PUNYETA KA, KITANG MAY GINAGAWA PA EH!" sigaw naman ni Nevaeh.

Idagdag mo pa ang isang to, away sila ng away, murahan ng murahan, sigawan ng sigawan na animo'y napakalayo nila sa isa't-isa.



"ANG SABIHIN MO MABAGAL KA LANG TALAGA! MAS MABAGAL KA PA SA UUGOD-UGOD NA MATANDA!" sigaw pabalik ni Yarika. Napailing nalang ako sa harap ng salamin habang inaayos ang damit ko at lumabas na.


"Wag na kayong mag-away, mag-intay nalang tayo" awat ni Naomi sa kanila, gamit pa rin ang mahinhin nitong boses. Sa loob ng ilang taon naming pagsasama sa iisang bahay ay napakahinhin mag salita ni Naomi kahit na sumisigaw ay mahinhin parin pakinggan.

"Tumigil na kayo, ang ingay-ingay niyo nasa iisang bahay lang naman kayo" sita rin sa kanila ni Ezra.

"Whatever" sabay na sagot nilang dalawa.

Pagkababa ko ay may bitbit akong malaking bag na maraming laman.

Incase of emergency.


"Tara na?" Pagyaya ko sa kanila.

"Anong laman ng bag mo van?" Tanong ni Tamaira habang kinukuha sa akin ang bag. "Ako na ang magdadala."

Nagkibit-balikat naman ako sa kanya pero ibinigay ko muna sa kanya ang bag bago nagsalita. "Mga gamot sa sakit ng tyan at ulo, gamot sa lagnat,sipon,ubo. May mga towels rin diyan, mga snacks at konting damit incase" Saad ko.



"Van, paalala ko lang sa puneralya ang punta namin ha. Hindi mo kailangan ang mga yan" Saad ni Yarika.

"You'll never know Yarika, mabuti na yung handa." Sagot ko naman dito.


"Okay sabi mo eh" sagot nalang nito.

"Bakit feeling ko hindi lang yun ang laman ng bag mo?" Panunuri ni Ezra. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil tama naman siya. Hindi lang yun ang laman ng bag ko, kompleto yan no, may first aid kit, maliit na kutsilyo, gunting, extension wire, ballpen, at kung ano-ano pa.

Malay mo naman diba magamit ko, mabuti na yung may dala ako kesa mahirapan pa kami sa kakahanap. Iika-ika akong naglakad papunta sa camper van namin. Silang lahat ay nandoon na, ako nalang ang hinihintay dahil sa bagal ko maglakad. Pero ang mga gaga wala atang balak na tulungan ako.

Nakasimangot na mas binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa van. Nagpakawala naman ako ng buntong-hininga dahil sa kaginhawaan.

Finally!

"Ang laki niya nga siguro at iika-ika ka maglakad" komento ni Yarika.

"True, Hindi niya ba alam na virgin ka at all out si kuya mo girl?" Saad ni Nevaeh.

"Alam, Sabi niya nga 'I'll be gentle' " sagot ko sa kanila.

"SCAM" sabay-sabay na sabi nila.

"Yan din sabi ko, scam nga tignan mo ako ngayon. Parang binugbog ng demonyo" Saad ko habang iminuwestra ang kamay ko sa kabuohan ko.

We've read some smut books dati para hindi kami magmukhang tanga sa ganitong bagay and we've learned a lot especially that 'I'll be gentle' thingy nong highschool or college days namin, can't really remember.


The Runaway Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon