CHAPTER 5

148 7 4
                                    


Vanish POV





It's been a while since the burial of my mom and I'm still coping up but I'm feeling better now.



Ngayon ay papunta ako sa hospital, hanggang ngayon ay hindi parin na gigising si daddy pero pinagdadasal ko na sana ay magising na siya.




Ng makarating ako sa ICU ay dumeritso ako sa kwarto niya. Nagsuot muna ako ng isolation gown bago pumasok ng tuluyan sa kwarto niya. Napabuntong-hininga nalang ako sa kalagayan ni daddy bago inilapag ang mga prutas sa gilid at umupo sa tabi niya.




"Dad please wake up" nagmamakaawa kong sabi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko dad. Sa kompanya...... Sa buhay ko. Dad gumising kana please" dugtong ko habang nagsituluan ang mga luha ko.



Yumuko ako habang umiiyak na hawak ang kamay niya. "Daddy" usal ko habang umiiyak.





Humihikbi ako ng may maramdaman akong gumalaw kaya napaangat ang tingin ko.


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na unti-unting nagmulat ng mata si daddy.



"D-Dad? Daddy! Oh thank God!" Masaya at nakahingang maluwag na sabi ko bago ko siya niyakap.



"W-Wait lang po ta-tawag lang ako ng doctor" natatarantang sabi ko bago nagpunas ng luha at handa ng tumakbo palabas ng pigilan ako ni daddy.




"Dad? May kailangan po kayo? Sabihin niyo lang po" tanong ko dito. Umiling naman siya at sinenyasan akong umupo.



Kinuhanan ko muna siya ng tubig bago ako umupo sa tabi niya. "Inom po muna kayo" Sabi ko at tinulungan ko siyang uminom ng tubig.




"A-Anak" mahinang usal nito.



Napaiyak naman ako bago tumango. "Opo ako po ito"



"Sandali lang po ah, tatawag muna ako ng doctor" pagpapaalam ko pero pinigilan na naman ako ni daddy.



"W-Wag na anak, hindi na rin naman ako ma-magta-tagal" mahinang usal niya at nakita kong may tumulong isang butil ng luha sa gilid ng mata niya.



"W-What do y-you me-mean d-dad?" Nauutal at muli na namang nagsituluan ang mga luha ko. "Please don't say that" pagmamakaawa ko dito.



"Nak, sinusundo na ako ng mommy at kapatid mo." Sabi niya kaya napahagulhol na talaga ako ng iyak.




Akala ko okay na eh!






"Dad naman oh! Wag naman po kayong magbiro ng ganyan! Hindi po nakakatuwa!" Sita ko at mahinang tumawa.





"Anak, ma-makinig ka kay d-daddy. Alam ko na hi-hindi mo gusto ang business natin, kaya gusto kong ipasara mo na ito. S-Sundin mo ang gu-gusto mo a-anak, sundin mo ang nilalaman n-ng puso mo. A-Ayos lang kami ng mommy mo, susuportahan ka n-namin. A-At masaya kami p-para s-sayo. Proud kami sayo anak, k-kami ng mommy at kapatid mo. Alam n-namin na kaya mo ito, t-tandaan mo l-lang na nasa likod mo lang kami. H-Hindi ka namin iiwan, hindi mo lang kami makikita pero nandito lang kami. Mahal na mahal k-ka namin. H-Hanggang sa muli nating pagkikita." Saad ni daddy bago ako halikan sa noo.



Napapikit naman ako dahil dito. Umiiyak na tumatango ako at dinama ang yakap at halik niya sa akin.



Nagmulat lang ako ng mata ng makarinig ako ng matinis na tunog na palatandaan na wala ng heartbeat ang daddy ko. "D-Daddy?" Nagbabakasakaling tawag ko dito.



The Runaway Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon