Hello, kumusta? Good luck sa mga papasok na bukas, just enjoy your experience learning and socializing. Enjoy reading ❤️. Kaya ninyo yun, break a leg.
Vanish POV
Napamulat ako hindi dahil nasusuka ako, kundi dahil sa bulabog na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
"Yohooooo! Gising naaaaaaaaaa! VANISHHHHHHH!" tinakpan ko ang tenga ko dahil sa sigaw na iyon.
Ang sakit sa tenga, grabe.
Kumatok-katok pa ito kaya bumangon ako para buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Clementine.
"Good morning! Maghanda kana at marami pa tayong gagawin today! Nandito pala ang mga gamit niyo because you'll be staying here for the mean time" Masiglang bati nito sa akin at iniabot ang mga gamit ko.
Papikit-pikit pa akong tumango dahil wala pa ako sa wisyo at medyo nahihilo ako. Ng umalis siya ay sinara ko ulit ang pinto ng kwarto ko at bumalik sa pagkakahilata.
Mamaya pa ay naisipan ko ng bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ay naglakad-lakad pa ako dahil hindi ko sila makita. May nakita akong isang lalaki na naglalakad kaya nilapitan ko ito.
"Ahm, excuse me. Nakita mo ba si Clementine?" Tanong ko dito, pero bahagya akong napaatras dahil sa lamig ng tingin nito sa akin.
Nakakatakot! Ohhh! He's the guy from last night!
"I'm also looking for her" malamig na saad nito na ikinatayo ng balahibo ko sa likod.
Ang pogi sana pero ang cold!
"A-Ahh okay salamat" Saad ko at tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo pero napahinto ako dahil may tumawag sa akin.
"Vanish!" Tawag nito kaya nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at nakitang si Clementine pala ito. Tumakbo ito papalapit sa akin.
"Halika na! Nasa cafeteria na silang lahat ikaw nalang ang iniintay!" Hihilahin na niya sana ako ng may tumikhim sa may likod ko kaya nilingon niya ito.
"Ria" tanging saad nito.
"Ikaw pala Andrew hehehehe, halika na" Saad nito at hinila rin ang lalaking tinawag niyang Andrew.
I'm amazed to see that his cold stare doesn't affect her. And more surprised na hinahayaan lang niya si Clementine na hilahin siya! As far as I know, people like him doesn't like being touched in anyway.
Is this two a thing?
"Ayyyy hindi ko pala kayo napapakilala sa isa't-isa!" Biglang saad ni Clementine, she really doesn't have to. That man is so intimidating!
"Vanish, si Andrew pala a.k.a Blue. Andrew si Vanish" pilit na nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako at tumitig ulit kay Clementine.
Ohhhh, maybe they're couples! How cute!
"Alam mo ba Andrew, kagabi sinundo ko sila galing sa bahay nila! Napagkamalan nila akong si kamatayan. Tignan mo nga ako! Mukha ba akong si kamatayan?!" Tanong nito at hinawakan ang mukha ni Andrew, gamit ang dalawang kamay nito at hinila paharap sa kanya.
"No, you look more like a pig. No scary at all" sagot ni Andrew. Pero hindi gamit ang malamig na tono, na ginamit niya sa akin kanina!.
BINABASA MO ANG
The Runaway Playboy
Lãng mạn[ One Night Series#1 ] In a one night stand, usually when morning came,the girl is the one who would run away. But in Vanish's case, the man she slept with is the one who ran away. Unexpectedly she got pregnant, and this is where a decision making...