Messages
"Hi, Cae— galit na naman?"
"Normal expression niya 'yan, sis."
"'Di ba napapagod 'yong kilay niyang laging magkasalubong?"
I side-eyed my schoolmates as I walked to our room. Hindi ako galit at mas lalong hindi magkasalubong ang kilay—
Napacheck tuloy ako sa camera ng phone ko and I immediately relaxed my eyebrows. I even tried to smile at the camera to look friendly pero kinilabutan lang ako sa sarili ko. Geez. Tanggap ko na talagang hindi ako palangiting tao.
"Good morning sa pinakamasiyahin kong pinsan!" salubong ni Lexia, sa likod niya ay si Reiji na ngiti pa lang, alam kong may binabalak na namang kahihiyan.
"Good morning, Mr. Presi—" sinasabi na nga ba.
I slapped my hand over Reiji's mouth. Kapag ganitong hindi nakumpleto tulog ko dahil sa President na 'yan, siya ang patutulugin ko. Habambuhay.
"Dugyot," I hissed when he licked my palm. Ipinahid ko rin naman ito agad sa braso niya at sampung beses nag-spray ng alcohol sa kamay. Tatawa-tawa naman siyang lumayo sa'kin nang umamba akong iisprayan din siya sa mukha.
"OMG, ano na naman 'yan?" saway ni Everette na kasabay dumating ang kambal na Acheron at Adriel.
Yes, kambal ang dalawang ulupong na 'yon. Kaya doble din ang sakit ko sa ulo.
"Ready ka na ba sa first meeting niyo, pre?"
"Ready ka na ba mag-asikaso ng event, brobro?"
Nakakaasar talaga 'tong kambal na 'to.
I only smiled sarcastically before going to my seat. As usual, nakabuntot na naman silang lima sa'kin kahit pa ang layo-layo ng upuan nila. Kung pwede lang makipagpalit ng upuan, ginawa na nila. Buti na lang hindi.
"Tigilan niyo ako," pigil ko agad nang sabay-sabay bumuka ang bibig nila.
"HAHAHAHAHAHAHA!"
So much for trying to silence their loud nature. Bwiset.
"Serious mode na, Cae. Will you resign ba?" si Lexia.
"Huh? Bakit ako magreresign?"
"Kasi ayaw mo maging President." the five of them said in a matter-of-fact tone.
Napaisip ako. Totoong ayaw ko maging President pero... "It'll be immature of me to resign just because I don't want it in the first place,"
"And besides, more than half of our org mates voted for me, which means they trust me..."
"Ayoko lang talaga sa hassle ng pag-organize ng ganito ganyan. But since nandito na 'to, edi paninindigan ko na, 'di ba? Last year ko na rin naman dito so I say make the most out of it."
I furrowed my eyebrows when I realized how long I've been rambling. Tangina kasing 5am realizations ko kanina. Since I wasn't able to sleep again, I stared at the ceiling of my room and thoughts rushed to my mind. Nag-weigh ako ng pros and cons ng sitwasyon ko at nang mapagtanto na posibleng ma-excuse ako sa ibang klase, nagliwanag ang mundo ko.
The last time I've been an officer was during my 6th grade pa. It brought back so many memories that I never wanted to remember, dahilan kung bakit hindi na talaga ako nakabalik sa pagtulog. But oh well, that's a long time ago. Maybe this time it's different...
"Proud mother here," maarteng sambit ng pinsan ko.
"Proud father here,"
"Proud brother here,"
BINABASA MO ANG
Vengeful Contract (Criminal Series #1)
RomanceCRIMINAL SERIES #1 After all the dramatic occurrences he's been through, Caelus has been trying to live a normal life. Yep, he's trying. Y'know what else is trying? His past. It's been trying to catch up to him and become part of his present... and...