Mother
Friday na noong makabili ako ng bagong sim. Nakaligtaan ko rin kasi nitong mga nakaraang araw dahil hindi ako nakakatanggap ng weird messages.
It was also a hectic week since I have meetings here and there, together with class activities and such. Buong-puso ko na rin namang natanggap iyong pagiging President ko.
Okay. Kalahating-puso siguro.
Since I was really busy, kaunting oras lang ang nailalaan ko sa paghahanap sa batang 'yon. Kainis. Kung kailan mo hinahanap, saka hindi nagpapakita. Samantalang dati kung saan-saan kami nagkakasalubong.
Pagkauwi, tatanggalin ko na sana iyong sim ko pero may pahabol pang mensahe. Humigpit ang hawak ko sa phone, inaasahang galing na naman 'yon sa unknown number.
From: 'Ma
I'll be home tonight, munchkin :D
Good thing it's from 'Ma...
Galing kay mama?!
Napailing na lang ako sa tinawag niya sa'kin. Ilang beses ko na siyang sinabihan na tigilan na ang kakatawag sa'kin ng kung anu-ano, tsk.
Ayos lang naman sana kung sa text lang, pero kahit may ibang tao, ipinagsisigawan niya pa 'yong mga pet names niya sa akin!
'Ma calling...
I answered her call, preparing myself for her loud-
"SWEETIE!"
Hanep.
"Napatawag po kayo?"
"Ikaw talaga! Kahit kailan, wala man lang lambing sa katawan!" her dramatic voice resonated through my apartment as I put her on loud speaker.
Ang dami niya pang sinabi tungkol sa pagiging cold ko raw. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita habang busy ako sa pag-iimpake. Sa halip na damit ang iimpake, puro files 'tong dadalhin ko. Tsk. Tinambakan ba naman kami ng gawain.
Dahil uuwi siya mamaya, malamang sa malamang ay doon niya ako patutulugin sa bahay. Naisahan niya kasi ako noon. Nagpumilit akong magkaroon ng sariling apartment, at sa sobrang desperado kong umalis sa bahay ay pumayag ako sa kapalit no'n na pag-uwi ko tuwing nandito siya sa bansa.
It was fine, though. Once a year lang naman siya umuuwi. Swerte ko na lang kung twice ko siyang makita. Kalimitan ay video or regular phone calls lang din kami, pero kahit iyon ay once a month lang. Tapos hindi pa umaabot ng isang minuto. Tss.
"..."
"Oh sige na, sige na. Umuwi ka ha? See you later 'nak. Love you!"
And just like that, the call ended.
Shit. I forgot to tell her na magpapalit na ako ng sim ngayon.
Dahil doon ay hinayaan ko na lang muna na nandito 'yong sim. Dalawa naman iyong sim slots kaya't inilagay ko sa bakante 'yung bago kong binili. Sa susunod ko na lang tatanggalin iyong isa.
That also means na makikita at makikita ko talaga kung may bagong message galing sa mga siraulong 'yon.
Speaking of, wala pa ulit akong narereceive na message. Ang huli pa ay iyong you can't catch me. Isip-bata.
Alas-cuatro pa lang kaya't umidlip muna ako. Hindi naman gano'n kalayo iyong bahay mula rito sa inuupahan ko, 20 minutes away lang. Kahit mamayang alas sais na siguro ako umalis dito, dahil siguradong alas-siete pasado pa ang uwi ni mama.
As sleepiness slowly enveloped my system, I failed to notice how my phone vibrated again. And worse, the message was sent in my new number.
* * * * *
BINABASA MO ANG
Vengeful Contract (Criminal Series #1)
RomanceCRIMINAL SERIES #1 After all the dramatic occurrences he's been through, Caelus has been trying to live a normal life. Yep, he's trying. Y'know what else is trying? His past. It's been trying to catch up to him and become part of his present... and...