That high school boy
I blocked the number again.
Dumagdag lang iyon lalo sa nagpasama ng araw ko. Siguradong iisa lang 'yong number kanina pati itong bago. Tang ina, hindi na talaga ako natutuwa.
Wala naman akong kini-click na links sa kahit saan. Hindi ko rin basta-basta ipinapamigay ang number ko. Kung kailan nag-register ng sim, saka pa ako nakakatanggap ng mga ganito.
Lutang tuloy ako habang dini-discuss ni Ma'am Trini iyong mga events na gagawin namin for this year. I was deeply bothered by the messages and I kept thinking of the characters.
Hindi iyon ordinaryong tuldok at gitling, e. Ang alam ko may tawag do'n. It's a code or something. Nasa dulo na ng dila ko!
I can't even consult Google kasi wala akong load. Wala namang kwenta iyong Wifi ng university, ang bagal-bagal.
"These are the usual events na pinaghahandaan ng organization every year. As your president told you, briefing lang 'to, though I know you're familiar with these events. Next meeting, Caelus, you'll be presiding."
Nang marinig ang pangalan ay saka pa lang ulit ako nabuhayan.
"Yes, Ma'am."
"Have the first event planned out already. Next month na 'yon, mahirap ma-rush." dagdag niya pa.
"Yes po."
"Well, I guess that's it. Meeting adjourned."
"Yes po— I mean, thank you, Ma'am."
Puta. Iyong tingin niya sa'kin, parang nagsisisi na siyang inencourage niya ako maging President.
Don't worry, Ma'am. Ako rin po nagsisisi.
Pinauna ko na ang mga kasamahang officers na lumabas. Hindi ko na inisip pa ang nanghuhusga nilang tingin. Tusukin ko mata ng mga 'to, tsk tsk.
"Kumusta ang meeting— woah! Bakit ang sama agad ng tingin mo?" Reiji raised his hands when I went to our usual spot in the cafeteria.
Nabangga ko pa ulit 'yong lalaking high school student sa entrance. Tss. Ang clumsy no'n!
Padarag kong hinila ang bakanteng upuan at umupo doon. I slid my phone across the table. Sumulyap sila doon bago ibinalik ang mga mata sa akin.
Pinagkrus ko ang mga braso sa dibdib. "May pinagbibigyan ba kayo ng number ko?"
"Ha?"
"Kami?"
"Number mo?"
I frustratedly ran my fingers through my hair. "Hindi, number niyo."
"Number namin?"
"Atin pala,"
"Ano raw?"
"Fucking—" inabot ko ang bottle ng mineral water at inamba iyon sa kanila.
Nagrereklamo silang ang bilis ko magalit, e ginagalit naman nila ako! Alam naman nilang ang iksi ng pasensya ko!
Hindi ko na rin alam kung saan lulugar sa sarili ko. Dati, hindi ko magawang magalit kahit pa lagyan mo ng bato ang bag ko. Ngayon naman, kahit sa simpleng bagay naiirita na ako.
People change. And I did. It's not like I have a choice back then, anyway.
"So?" naiinip na tanong ko. "Did anyone ask for my number or did you give it to random people?"
"Wala, Caelus bro! May nanghihingi pero hindi namin binibigay, swear!" sabi ni Adriel.
Tiningnan ko 'yong apat at sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Adriel. Hanep. Kung hindi sila, sino?
BINABASA MO ANG
Vengeful Contract (Criminal Series #1)
RomanceCRIMINAL SERIES #1 After all the dramatic occurrences he's been through, Caelus has been trying to live a normal life. Yep, he's trying. Y'know what else is trying? His past. It's been trying to catch up to him and become part of his present... and...