Chapter 5
Natasha Pov.
Alas siete ng magbukas ako ng coffee shop, maganda ang panahon ngayon dahil lumisan na ang bagyo noong isang araw pa.
Today is august 25, ang daming nangyari sa mga nagdaang araw. Nanatili si shaira dito dahil na rin hindi pa sila nagkaka-ayos ni jacob, ewan ko nga lang sa lalakeng 'yon dahil ultimong si shaira ay dinamay nito sa sama ng kanyang loob.
Napabuntong hininga ako, inilalapag ko ang free flavor today dahil may promo ako kung may limang cup na makakabili, that's a small thing. Mabili naman na ang shop ko this past few weeks, maraming suki at talagang patok sa mga studyante.
Pumasok ako sa loob upang sana'y kumuha ng basahan, ngunit tanaw ko na si shaira pababa ng hagdan habang may malamyang kilos.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. ”Woo, ang aga ng gising?” malamya rin ang kanyang titig ng bumaling sa'kin, actually iyong pinto pa lang ang bukas sa shop. Balak ko pa sanang i-angat ang dalawang gatter bago punasan ang mga salamin.
”Tutulungan kita sa pagbubukas..” lumakad siya palabas, tumungo ito sa gilid at walang kahirap-hirap na ini-angat ang dalawang bakal. Napailing ako sa kanya ng pumasok ito na parang walang nangyari.
”May pasok ka ba ngayon?” i asked her, simpleng tango muli ang iginawad niya na animo'y hindi man lang ininda ang bigat ng gatter.
"Mamayang alas nuebe pa..” tumango ako, mariin ang aking titig dahil pinagmamasdan ko siya.
”Ayos ka lang ba?” i ask again, hindi ako sure kung move-on na ba ito. Hindi ko rin alam kung madali lang ba ang mag-move on sa lalake.
Wala pa kasi akong official boylet simula ng mag-legal ako.
Timeout sa mga lalake.
”Oo naman, bakit?”
”Kagagaling mo lang sa breakup, nag-aalala lang ako..”
”Hindi ko iniisip na naghiwalay kami ni jacob, wala akong oras para magmukmok sa sulok at dibdibin lahat ng nangyari..” lumikna ng pabilog ang aking labi, namamangha sa kanyang sinabi na tila'y hindi apektado.
”Idol na kita, shaira. Kung pweding lang ay dapat ipamukha mo kay jacob na parang wala man lang nangyari..”
"Iyon ang gagawin ko, kung hindi niya ako kakausapin hindi ko ito papansin, bibigyan ko siya ng sapat na oras..”
"Hays..” napairap ako ”Hindi ganon, hindi dapat ganyan..”
”Ha, paanong hindi?” nagtataka siya sa'kin, alam ko kung paano hulihin ang mga lalake sa kanilang kiliti, sabihin man nating NBSB ako ay hindi ang utak ko.
Expert 'to.
”Dapat chin up ka, dedmahin mo siya at wag pansinin kahit kinakausap ka nito, hayaan mo siyang magsisi at hayaan mong marealize na mahal ka pa nito..” kumurap siya dalawang beses, napaisip habang umiwas ng tingin.
”Pero paano kung hindi tumalab iyon sa kanya, alam mo kasi mataas ang pride ni jacob, baka hindi effective..”
”Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" nginisian ko siya, sa reaskyon nito ay malapit ko na siyang makumbinsi.
Kung ako man ang nasa paa nito ay ganun rin ang gagawin ko, lalake lang sila. Sabihin na nating kawalan ang mga babae dahil alam ko'ng tinangay na ng lalakeng iyon ang pagka-birhen ni shaira, pero sasabihin ko na malaki ang kawalan ni jacob kay shaira.
BINABASA MO ANG
Unromantic, Love COMPLETED (Adonis Series 4)
RomancePag sinabing unromantic, love marami ng pumapasok sa isip natin. Isa na doon ang walang sparks sa relasyon. Bukod tanging init ng katawan lamang ang namumutawi sa kanila. May kahahantungan ba ang isang relasyon kung ang isang tao ay nais lamang na p...