Peace and Closure

585 21 4
                                    


Chapter 49

Third Person Pov.



Umaapaw ang saya sa puso ni natasha dahil sa ginawang pagpoprose ni noah. Alam niya sa sarili kung gaano na niya katagal hinangad ang maranasan ang bagay na 'yon, at dahil si noah ang lumuhod sa kanya. Hindi siya nag-alinlangang tanggapin ang alok nito, hindi na siya nagdalawang isip pa at tuluyan na niyang kinalimutan ang nangyari sa kanila.

Siguro nga ito na ang umpisa ng panibagong buhay, bubuo na sila ng pamilya at muling gagawa ng mga bagong masasayang alaala. Wala pa man sa puntong iyon ang buhay niya ay iyon na ang kanyang iniisip.

Malaki ang ngiti niya habang nakaupo sila at nagsasalo sa mahabang mesa, kumpleto silang lahat. Naroon ang pamilya ni shaira, na si carmela at mayumi. Kasama nila si samuel monteclaro at jacob maging ang ilang tauhan nila. Hindi mawawala ang pamilya ni noah na sumaksi sa ginawang pagpoprose ng anak, kasama roon si manuel at francine na magulang ng binata. Ang kaso lang ay wala pa rin ang ate niyang si dianne, hindi pa rin nila matukoy ang lugar kung saan ba ito dinala ng kasintahan niya.


Sa kabilang gilid naman ay naroon ang pamilya ni natasha, magkatabi si helda at reynaldo na magulang ng dalaga. Naroon si chloe at brandon, kasiping nila si doreen at ang anak niyang si hasmin. Masaya ang nasa buong mesa dahil sa ipinagdiriwang nila ang matagumpay na pagpoprose ni noah, kabilang na roon ay ang muling pag gising ni brandon.

Walang ideya ang dalaga na sa huling pagdalaw nito ay nagising na ang kanyang kapatid, kung kaya't halos lumipas ang tatlong araw ay wala siyang kaaalam alam na kinausap sila ni noah upang surpresahin ang dalaga. Naging matagumpay nga ang ginawa ni noah, sobra ang galak na kanyang nararamdaman at hindi niya yata makakalimutan ang araw na ito.




”Tapos ka na?” tumango si natasha sa tanong ni noah, magkatabi sila habang hawak ni noah ang isang kamay niya kung saan naroon ang singsing. Dahil na rin matagal niyang hindi nahawakan ang dalaga, halos sinusulit nito ang araw sa tuwing magkasama sila. At nasisiguro ng binata ngayon na kailanman ay hindi na sila magkakahiwalay, hindi na siya papayag. Nakaplano sa isip nito noon pa man na itali ang dalaga sa apelyido niya.

"Busog na ako.” sagot ng dalaga habang pinupunasan ang gilid ng labi niya.

”Ang dami pang pagkain, sigurado bang busog ka na?” natawa si natasha, tumango ito habang nakatingin sa binata.

”Gusto mo bang pumutok ang tiyan ko?”

”Ofcourse not! Baka kasi gutom ka pa, ang konti lang ng kinain mo. Yung anak natin, baka gusto pa ng pagkain..” nangiting muli si natasha dahil sa concern nito sa anak nila.

"Busog na nga ako, and beside. I don't want to eat too much rice, nakakalaki daw ng bata 'yon. Baka hindi ko mailabas si baby at ma-CS ako..”

"It's okay for me if you take a CS delivery, para safe na rin kayo ni baby. May pera naman ako.”

Mariin na umiling si natasha. ”Ayoko 'non, parang ang sakit kasi. Napapanood ko iyon sa youtube, halos ilang linggo kang hindi makakakilos ng maayos. Habang sa normal delivery naman, tatlong araw lang makakagalaw ka na. Wala kang iniiwasang sugat at agad kong makakarga si baby nadia..” natigilan si noah dahil sa sinabing iyon ng dalaga, nakatitig siya sa mukha ni natasha na halos hindi niya maiwaglit ang paningin nito kahit ilang segundo.


”Do you really like her name, nadia?”

"Maganda naman, medyo hawig sa pangalan ko. And were both starting in N, ganon rin si baby.”

Unromantic, Love COMPLETED (Adonis Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon