“Hoy, bakla ka!”
Napailang ako sa sigaw ni Julia. Monday na ngayon at balik pasukan na kami. Inaantok pa 'ko kasi hindi ako nakatulog kagad kagabi.
Since free ako nung weekend, napagdesisyunan ko na bumista sa Zagitova. Kabisado ko na schedule doon kaya alam ko na hindi naman matao pag dumating ako.
Malapit na kasi competition ng team ko sa Everette kaya napagisipan kong magpractice sa rink sa Z. Namiss ko na din kasi mga kaibigan ko doon at nakakatuwa rin panuorin yung mga batang skaters.
May isa ako nakitang batang babae na di ako masyado familiar with. Yung coach nung bata ay si coach Zia, tinawag niya ko at pinakilala sa bata na pangalan ay Lana.
Siya ay nagsimula magskate nung 4 years old siya, we started at the same age. She’s been training here in Z; but she's way younger than me so our schedules didn’t clash. 8 years old na si Lana ngayon at magcocompete na for the first time.
We will be participating in the same competition except we have different categories and different teams. I used to represent Zagitova, but now I represent Everette.
Tatlo kasi inaasikaso ni coach Zia na skaters, inuuna niya yung mas nakakatanda niya na students kaya nang hingi muna siya ng tulong i-assist si Lana.
Grabe talaga bilib ng mga coach sa ‘kin. Onti nalang mahuhulog na katawan ko sa laki ng ulo ko.
Gusto ko na bumalik sa Z! Ang cute-cute kasi nung bata.
“Hoy, Di! Kwentuhan mo naman kami nung lalaking nakasayaw mo.” Nakakagulat naman 'tong bruhang 'to!
“H-ha,” gago nakita pala nila ako. Nakakahiya! Lagi kasi ako umaayaw pag may tinatry ireto sakin si Jules. Bihira lang din talaga ako mag let loose pag nag-iinom kami. Kaya nakakataka talaga kapag may nakakita sa aking nakikisayaw na may kasamang iba.
“Kitang-kita ka namin ‘no! Di ko nakita mukha pero mukhang yummy siya! Nakamomol mo na ba?”
“Julia!” Nakakahiya kong sigaw. Ang lakas-lakas namin kasi ng boses ng bruhang ‘to! Madinig pa ng mga tsismosa naming kaklase!
Pasalamat nalang ako na biglang dumating prof namin.
Nahihiya kasi akong ikwento! Una pa lang sinabihan ko na sila na magfofocus ako sa academics and sa sport ko. Wala akong time makipag landi-landi, kaya hindi nga ako masyado sumasama pag nag-aaya silang uminom.
Kaso… tangina ang pogi kasi.
Nung weekend, ilang beses kong napansin sarili kong nakatulala habang iniisip siya… crush ko na kaya siya?
Hindi yan! Ang bilis naman nun! Di ko nga kilala kung sino 'yon eh and most likely, we will never see each other again.
But what is the explanation to the rush I feel whenever I think about him?
Never pa akong nagkacrush! Kaya nahihiya akong sabihin yun sa kanila. For sure aasarin nila ako! Not only because I finally have someone na I think gusto ko, but also because nagkagusto ako kahit sabi ko sa kanila dati na never ako titingin sa iba hanggang sa di natutupad mga pangarap ko!
Bwiset na buhay ‘to! Mr. Pogi ikaw may kasalanan nito!
Nasa may field kami ng university, pinapanuod ang mga soccer players mag-drills habang kami naman ay nakaupo sa grass at kumakain. Kami lang ni Julia ang nandito since may last minute practice si Sol.
She’s eating takoyaki and I sometimes catch myself staring at it. Nakakatakam! But I can’t eat, baka di magkasya costume ko. Uminom nalang ako sa pink ko na water jug.
Patuloy lang kaming nanunuod sa harapan namin ng ayain ako ni Julia. “Sama ka samin mamaya. Manunuod ako kasama tropa ni Sol sa swim meet niya later.”
“May choice pa ba ako?” Pairap ko na saad.
“Wala,” saad naman ni bruha na may nangaasar na ngisi.
Usually tatanggi ako at pipilitin niya akong sumama. Wala ako masyadong energy para makipagbangayan sa bakla na ‘to kaya um-oo nalang ako.
Tsaka okay rin naman siguro na sumama ako, kung walang klase either nasa rink ako nagsskate o nakakulong sa bahay.
I need to go to civilization ya know! Joke!
At mukhang nakalimutan na rin ni Julia yung tungkol kay Mr. Pogi. Mas mabuting ipagpilit niya ako sumama kaysa sa ipagpilit niyang tanungin kung sino yung lalaking nakasayaw ko.
“Nakikita ko mukha mo, Di. ‘Kala mo nakalimutan ko ang tungkol diyan sa lalaki mo ha.”
Tangina.
Nandito kami ngayon sa swimming pool ng university. Majority of the competitions this year are being held in Everette. Kami ang napiling venue for the academic year.
May mga magkatapat na bleachers. Hinati-hati ito into 6 groups. Nasa iisang side ang Everette at nasa kabila naman ang mga kalaban namin. I think we have 6 teams competing with each other. Ewan! I don’t know anything about this!
Hindi pa nagsisimula ang meet pero ang ingay na. Big deal daw kasi ang swim team dito sa amin. They are who we consider on top of the school hierarchy. Sila kasi ang lagi naguuwi ng mga medals and trophies.
Edi sila na.
Tulala lang ako kasi bored na ako. Never pa ako nakanuod ng competition ng kahit anong sport besides sport ko kasi hindi naman ako interesado. Napaayos ako ng upo ng may nadinig ako na whistle at nagsilabasan ang mga teams.
Ang daming bold!
Are swimmers required to have abs?!? I haven’t noticed any of the swimmers without abs.
Shet! Ang daming gwapo at magaganda! Wala man akong balak magkajowa pero wala namang masama sa tumingin.
I guess I have to say thank you to Julia for inviting me to watch. Busog na busog na mga mata ko!
“WOOOOH GO SOL!”
“LET’S GO LOVE!”
Sigaw naming dalawa ni Julia.
Wala akong maintindihan pero sumisigaw nalang din ako. Maingay naman at madaming nagchcheer kaya hindi naman akong nagmumukhang tanga.
Patuloy lang ang competition at mukhang kami nanaman ang mananalo. Habang ang ibang teams ay may dalawa pang players na kailangan lumangoy, kami naman isa nalang.
Mas lalong lumakas ang pagcheer ng tumalon na sa pool yung last player namin.
“LUKAS!”
“LET’S GO SANTOS!”
“AHHHHH LUKAS MY LOVE!”
Grabe ang lakas ng pagcheer sa sinasabi nilang Lukas! Napansin ko ngang halos babae ang mga nag-cheer. Ang titinis din ng mga tili nila. Nabingi ata ako nung tumili katabi kong babae.
Di ko rin mapigilang hindi magcheer. Nakakataranta kaya! Last player na namin itong Santos na ‘to and holy shit...
Kitang-kita ko ang mukha niya nung umahon siya.
Siya si Mr. Pogi ??!?
YOU ARE READING
Sparks Fly (ONGOING)
RomanceDianna Amethyst Vicencio was never interested in being a teacher, lawyer, doctor, or any of the occupations the other kids her age want. It was not until she tried on a pair of figure skates for the first time did she finally know what she aspires t...