Chapter 27

246 10 1
                                        

"Hoy! Stino-stalk niyo ba kami?!" Patanong na sigaw ni Julia.

The group of boys were facing each other. Mukhang nagaasaran kaya hindi kami napansin hanggang sa sumigaw 'tong bruha na kasama ko!

Shock was evident on their faces. Mukhang hindi nila inasahan na magkikita kaming lahat!

I caught the eye of one of them. I gasped when I remembered my state. Naka two-piece lang ako! Clear 'yong tubig kaya kitang-kita ako!

I quickly swam behind Sol since she's the one near me. I hid behind her so he wouldn't see me.

"Ang dami namang shawties dito!" Dinig kong sigaw ng isa sa kanila.

"Hoy, bro! Gusto mo bang masapak ng isa dito?" Rebut naman ng katabi niya.

"What are you guys doing here?" Hindi na mapigilan ni Sol at kuryuso niya silang tinanong.

"Edi para mag-swimming," pilosopong sagot ni Nico.

Both of the guys he's with smacked him in the end. Alam kasi nilang hindi 'yon ang ibigsabihin sa tanong.

"I live here. I moved a month ago," Atlas answered.

Kaya pala never pa nakita nila Julia at Soleil sila dito sa condo kasi bagong lipat lang pala.

"What are you doing?" Sol questioned. Nakakapit kasi ako sa balikat niya at pilit na sinisiksik sarili sa likod niya. Onti nalang at itatali ko na mga hita ko sa kanya.

"Itago mo 'ko!" I hissed.

"Miss Dianna!"

I cursed under my breathe. Bakit kasi ang lakas ng boses ni Nico!

Humiwalay ako sa hawak ko kay Sol. I didn't fully let myself be shown. Ngumiti ako nang alanganin at bumati sa kanila.

"Hey," medyo mahiyain kong bati. Nakuha ko atensyon ng isa sa kanila. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin at parang padilim ng padilim 'yong ekspresyon niya.

Umahon muna kaming mga babae dahil wala pang balak mag-swimming 'yong mga lalaki. Awkward naman kung sila asa may loungers tapos kami naman ay nasa tubig habang naguusap.

I was sitting on one of the loungers and a towel is wrapped across my body. Nakapabilog kami na upo para nakikita lahat. Kanina pa sila nagkekwentuhan habang ako naman ay matahimik lang.

I kept on fidgeting since I'm not comfortable with the way I'm dressed. My friends, who are girls, seeing me in that state is one thing, but boys? Who are my boyfriend and his friends?

I can't believe this is the way Lukas will see me almost naked! Akala ko naman sa kam—

"Do you wanna borrow my shirt?" I heard a low voice near my ear.

Lumingon ako kung saan nanggaling 'yong boses and my breath got caught in my throat. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa!

Namiss ko tuloy mga halik niya!

He put a few strands of hair that fell behind my ear at tuluyan na 'kong nawalan ng hininga. I bit my lower lip and his eyes followed the movement. I saw him swallow hard and his gaze darkened at every second.

"Respeto naman sa mga single!" Dinig kong nagtatampo.

Nawala titig namin ni Lukas sa isa't isa at lumipat sa harap kung asan sila Nico at Atlas. Nico looks like a kid sulking. Mukha siyang 'di pinagbigyan ng mama niya ng lollipop. Si Atlas naman ay nakangiting mapangasar.

Hindi ko namalayan na may audience pala kami!

"You can go to my unit. 'Wag lang sa kwarto ko, bros!" Atlas joked while reaching in his pockets to get his keys. Lahat sila pati mga kaibigan ko ay nagtawanan.

Sparks Fly (ONGOING)Where stories live. Discover now