Wang! Wang! SPG alert! Pikit matang basahin XD
Chapter 5
Bedroom Buddy
Chin-up akong pumasok sa bahay nila Joana. Maingay at puno ng iba't-ibang kulay ng ilaw ang bumungad sa'kin. Luminga-linga ako para hanapin sila Eleanor.
Nahagip ng mata ko si Eleanor na nagse-selfie with Desiree and... Nikolai??. Nasa may bandang dulo sila nakapwesto. Pinuntahan ko na sila pero bago 'yon ay kumuha muna ako ng Brandy sa waiter na naglilibot.
Parang bar lang ang peg. May dance floor at mga waiter. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi mayaman sila.
Pagkarating ko sa upuan nila ay agad akong bumati at bumeso sa dalawa.
"Hi guys! Hi Nik" I said with a smile.
"Oh, Hi Aliyah! What are you doing here? Waitre-" hindi ko na siya pinatapos.
"Invited ako. Actually best friends ko 'yan dalawa." Wika ko.
"Wait! Wait! You two know each other?" Litong tanong ni Eleanor. tumango lang ako bilang tugon sa sagot niya.
"But...How?" Dagdag niya.
"Ahm, I met Aliyah at the -" pinigil ko siya. Nako! Mabubuko ako sa ginagawa neto.
"We met at the bar. Diba Nik?" Pinandilatan ko siya para makisakay sa'kin. Mamaya na ako magpapaliwanag sa kaniya.
"Ahh... Y-Yes.. We met at the bar." Buti naman at nasindak 'to! Nako kung nagkataon mabubuko ako neto.
"Eh kayo? Paano niyo nakilala si Nikolai?" Pag-iiba ko ng topic.
"Ano ka ba Aliyah! Taga bundok ka ba? Sikat na modelo 'yang si Nikolai! In fact, siya ang model ng school natin. Hindi mo ba siya nakikita sa mga posters sa walls ng school? Taga Engineering Department din siya katulad ng pinsan niyang si Jason. Duh!" Maarteng giit ni Eleanor.
"Naki-share siya ng upuan sa'min kasi hindi daw siya mahilig makihalubilo sa mga alcoholic person tulad namin." Dagdag ni Desiree.
"Ahh, ganon ba? Pano 'yan? Alcoholic ako? Edi hindi ka na makikihalubilo sa'kin? If that's so, you better leave then." Giit ko.
"No it's ok. Basta ikaw, ayos lang." sabi ni Nik.
"Weird. By the way, let's enjoy the party! Let's Drink!" Eleanor said.
"Akala ko ba ayaw niyo sa alcoholic person? Eh bakit kayo iinom?" Wika ko.
"Iba ang alcoholic sa paminsan-minsang umiinom. Hindi porket umiinom ay alcoholic na." Aniya
"What ever." tinarayan lang niya ako at sinimulan na namin ang pag-inom. Napaparami na rin ang inom ko. Wala kasing Tequila kaya Brandy ang trip ko ngayon.
Nagpaalam ako sa mga kasama ko na magsi-C.R lang ako at para makapag pa-fresh na rin. Tumango naman sila at agad kong tinungo ang C.R pero hindi pa nakakailang hakbang palang ako ng biglang may tumawag sa'kin.
"Aliyah..." wika ng taong matagal ko ng kinamumuhian. Ang taong naging dahilan kung bakit ako lubos na nasaktan at naging ganito...
"Max.." bulong ko. Parang nag-iinit ang mga mata ko at ilang sandali na lang ay parang may tutulong likido mula sa mata ko.
"How are you Aliyah? Its been a year since the last time I saw you. Lagi kang umiiwas tuwing magkakasalubong tayo. Look, I'm sorry for what happened. I apologize for what I did to you. For what I've caused to you." He said sincerely.
Pinilit kong huwag lumuha sa harap ng lalaking 'to. Wala akong ibang gustong gawin sa kanya kundi ang sampalin siya at pagtatadyakan sa mukha. Tanginang 'to nakuha pang kausapin ako ng ganito. Pero hindi ko magawa. hanggang ngayon may konting pagmamahal pa rin ako kay Max. Pathetic right? Tch.
![](https://img.wattpad.com/cover/37066866-288-k461673.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017
RomanceWanna be her 'Bedroom Buddy' ? Aliyah Chear Ross' Story Read at your own risk