Chapter 9

11.1K 146 33
                                    

Chapter 9

Revenge

"T-Tita Mylene!?" I said in a shocking tone.

"Aliyah? Is that you? You look gorgeous as before, dear. Don't tell me that you're the girl of my son?"

"Yes tita. Ako nga po and no I'm not his Girlfriend. I'm his Friend"

"W-Wait! You two know each other? How and since when?" Takang tanong ni Jason. Inalalayan ako ni Jason na umupo sa couch sa tapat ng mama at kapatid niya.

"Wala ka na roon! Tita, kumusta naman po kayo? Ang tagal na rin po simula ng huli tayong magkita. Lumipat na po kasi kami ng subdivision na ngayon po ay pagmamay-ari na po ng pamilya ko" I said.

"Madalas pa rin ako sa park noon hija. Hinahanap nga kita eh Tinatanong ko pa nga sa mga vendor ng ice cream roon kung kilala ka at kung nakikita ka nila roon pero hindi raw. Huling beses ka lang daw nila nakita nung araw na nagkakilala tayo." Tita.

"Sorry po tita. Hayaan niyo po, ngayong nagkita po ulit tayo, babawi po ako. Promise!" Sabi ko habang naka shoulder level ang kamay ko.

"Siya po ba 'yung madalas niyong kinukwenyo sa'kin noon na babaeng nagpagaan ng loob niyo sa park?" Sabi nung Clarence.

FLASHBACK [ 2 years ago ]

Anniversary namin ngayon ni Maxwell at heto ako, naglalakad sa park papunta sa lugar na pagkikitaan namin ni Max.

"Lalalala. Ano kayang mahalagang sasabihin sa'kin ni Max? Magpo-propose na kaya siya sa'kin? O baka naman gagawa na kami ng benteng babies? Ihhh. Excited na ako" sabi ko sa sarili ko habang masigla at patalon-talong naglalakad

Habang naglalakad ako, may nakita akong isang aleng nakaupo sa isang bench na umiiyak. Nilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng mamang nagtitinda ng dirty ice cream. Lumapit ako roon at bumili ng dalawang baso.

"Manong, pabili nga po ng dalawang basong ice cream. 'Yung isa po ay chocolate flavor at 'yung isa naman po ay Vanilla flavor. Magkano po lahat manong?"

"30 pesos lahat hija" sabi niya habang nagsasalop ng ice cream. Nag-abot ako ng 1000 at sinabi kong keep the change. Wala kasi akong barya. 1000 lang ang baryang dala ko.

Pagkabigay sa'kin nung ice cream, agad akong tumungo sa kinaroroonan nung aleng umiiyak. Umupo ako sa tabi niya at inabot ang ice cream na hawak ko.

"Alam niyo po, masyado pong maganda ang buhay para magpadala sa mga problema sa buhay. Kung ano man pong pinagdadaanan niyo, dapat hinaharap niyo ng buong tapang dahil habang may buhay, may pag-asa. Sabi nga po nila, kung may tiyaga, may hotdog." sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya.

"Hindi ba't Nilaga iyon? Bakit hotdog? And who are you? Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan gayong wala ka naman sa sitwasyon ko?" Sabi nung ale.

"Hehe, nagbibiro lang po ako sa hotdog. Ako nga po pala si Aliyah. Hmm, alam ko po na bata pa ako at wala pa akong karanasan gaya ng inyo dahil nakadepende po ako sa mga magulang ko. Pero lagi po nilang pinapaalala sa'kin na kahit anong pagsubok ang dumating sa'tin, huwag pong matakot na harapin ito. 'Wag po nating problemahin ang mga problema. Hayaan po natin na ang problema ang mamroblema sa'tin." I said then kinuha ko 'yung panyo sa bag ko para ibigay sa ale.

"Ganyan din ang sinasabi ko sa sarili ko pero darating talaga ang pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko." She said habang pinupunasan ang basang parte ng mukha niya.

"Salamat hija" dugtong niya

"Nako! Wala po iyon ale."

"Mylene, you can call me tita Mylene."

My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon