Chapter 4

14.5K 134 14
                                    

Chapter 4

Bahala na si Batman

Pulang pula ang mukha ko because I'm choking to death. Dahil ayoko pang mamatay, kinalabit ko si Eleanor para humingi ng tubig.

"Ano ba Aliyah? Can't you see I'm eati-OMG! Hi Jason!" Aba! 'tong malanding 'to, mamamatay na ako inuna pa ang pagbati sa lalaking nasa harapan ko?

"Hey, are you ok? Here's my water. Drink it." Sabi nung tinawag na Jason ni Eleanor. So, Jason pala ang name nito. Akala ko Bryson.

Dali-dali ko 'yong kinuha at agad na ininom. Takte! Para akong nakipaglaro kay kamatayan. Pagkaubos ko ng tubig niya, agad ko siyang hinarap.

"First, thank you sa binigay mong tubig dahil kung hindi mo binigay 'yon, baka pinaglalamayan na ako ngayon. Second, yes, you can sit here because we're done eating and we're leaving. If you'll excuse us, girls! Let's go." Sabi ko sabay hatak sa dalawa.

"But Aliyah, hindi pa'ko tapos kumain." Pag-aalburoto ni Eleanor.

"Male-late na tayo. Let'go. And Jason, thank you again."Wala namang nagawa ni Eleanor at agad kaming naglakad patungong pintuan ng cafeteria. Pero bago 'yon i took a glance to Jason. He's still standing. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya naman nag wave siya habang nakangiti. Ngumiti lang ako at agad na iniwas ang tingin sa kanya.

Pagkalabas namin, pumunta na kami sa next subject. Pagkapasok namin ng pinto ng room namin, wala pa yung prof kaya agad na kaming umupo.

Bigla akong na-intriga kung bakit nandito yung masuwerteng lalaki na nakakuha ng virginity ko at kung bakit kilala siya ni Eleanor. Habang wala pa yung prof namin, makikipagchikahan muna 'ko.

"Hoy! Babaeng chipmunk! Sino yung Jason? Bakit mo siya kilala?" Panimula ko. Tumingin naman siya sa'kin ng salubong ang kilay.

"Una, hindi ako chipmunk! Nauna akong pinanganak bago lumabas yung movie-ng Alvin and the chipmunks. Pangalawa, seriously? Hindi mo siya kilala ?"

'Well, siya lang naman ang kumuha ng virginity ko.' Sabi ko sa isip ko.

"Are you drugs? Magtatanong ba ako kung kilala ko? I don't care kung sasabihin mo o hindi! Tch!" Sabi ko sabay irap.

Bukod sa siya ang nakakuha ng Perlas ko, wala na akong ibang alam sa pagkatao niya. Baka mamaya killer pala 'yon o hindi kaya'y rapist 'yon.

'Seriously Aliyah? Rapist? Eh parang ikaw pa nga ang nang-rape sa kanya eh. Psh.'

"Eto na nga diba? Well, si Jason ay taga Engineering Department. Sikat siya kasi sobrang gwapo at yaman. Lahat naman ng nag-aaral dito ay mayaman pero si Jason kasi, sobrang hot niya." Eleanor said habang kinikilig.

"Sikat? Eh ngayon ko nga lang siya nakita dito sa Hamilton University."wika ko.

"Minsan lang kasi pumasok 'yun. Ang pagkakaalam ko kasi ay may sarili siyang kompanyang pinapatakbo. Actually, siya daw ang may pinakamalaking shares sa Hamilton."

"Ah, edi siya na mayaman" sabi ko. Napaka chismosa talaga netong chipmunk na 'to hihi.

"Yun nga lang, woman hater siya. Kaya nga hindi ko na siya pinapantasya."malungkot na sabi ni chipmunk.

'Woman hater pa siya ng lagay na 'yon? Eh parang professional na siya lalo na sa kama.'

"Shhh! Stop murmuring. Nandiyan na yung prof puro kayo chismis. Eh kung pag-aaral ang unahin niyo kaysa sa mga walang kwentang bagay" Desiree said. Kahit kailan ang epal talaga netong isa kong kaibigan.

"Yes nerdy woman" sabi ko at agad namang nagsalubong ang kilay niya. "Joke!" Dagdag ko habang naka-peace sign. Agad namang kaming umayos ng upo ni Eleanor at tinuon ang atension sa aming prof.

My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon