Chapter 10
Best Actor
PS:Nikolai Hayes' picture on the multimedia <3
**
Aliyah's POV
Prelim week ngayon at nandito ako sa lilim ng puno sa likod ng field , nagrereview dahil may dalawa pa akong subjects na kailangang i-take.
"Marketing is defined as the total of activities involve in the transfer of goods from the producer or seller to the consumer or buyer including advertising, shipp-"
"Aliyahhhhhh!!!!"
"Ay pritong hotdog! Ano ka ba Eleanor! Ang ingay mo! Nag-iinternalize ako eh."
"Sorry na. May tsismis lang ako sayo. Alam mo na ba?" Eleanor
"Tanga ka ba? Hindi mo pa nga sinasabi sa'kin tapos tatanungin mo ako kung alam ko na? Dun ka na nga! Istorbo ka eh."
"Hmp! Gusto ko lang naman sabihin na rito na ulit mag-aaral 'yung kinakapatid slash karibal mo. Diyan ka na nga. Let's go Desiree"
Panandalian akong natunganga sa sinabi ni Eleanor. Kinakapatid slash karibal? Do you mean?
"Hoy babaeng chipmunk! Halika nga kayo rito!" Sigaw ko.
Lumapit naman sila at agad na umupo sa tabi ko. Palibhasa tapos na ang exam nila. Psh
"Saan niyo naman nalaman na rito na ulit mag-aaral 'yung linta na 'yon?" Tanong ko.
"Duh! Anong silbi ng facebook? Nag-status siya na nandito na siya sa pinas. May selfie pa nga ang gaga sa NAIA eh" Desiree said.
'Yung higad na 'yun! Tsk.
" 'Edi maganda, para naman matikman na niya ang sweetest revenge ni Aliyah version 2.0" I said.
"Ay, parang bet kong makanood ng mala-The legal wife na mga eksena. 'Yung magbubugbugan kayong dalawa ng kinakapatid mong si Margaux. Nako Aliyah, dapat basagin mo 'yung mukha niya para naman makaganti ka sa ginawa niya sa'yo noon." -Eleanor
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi sa ganyang paraan ko siya babawian. Kung anong ginawa sa'kin ng bruhang 'yon, Ganun din ang gagawin ko sa kanya. Para it's a tie." I said while grinning.
Aba! Kung tutuusin kulang pa ang sapak at tadyak para lang makaganti ako noh. 'Yung malanding 'yon? Ang dapat sa kaniya tinatanggalan ng matres.
Nagtataka ba kayo kung bakit abot universe ang galit ko roon sa impaktita kong kinakapatid? Simple lang, siya lang naman ang umagaw kay Maxwell. Pwes, magsama sila! Pareho silang mukhang libag.
"Enough for that. Aliyah, tapusin mo na ang natitirang exams mo dahil after ng prelim, kailangan nating mag bar ulit. May bagong bukas na Bar sa 10th Ave. More boys daw doon." Desiree said. Lumapit naman ako kay Desiree para ilagay ang likod ng palad ko sa noo niya.
"Aba! May lagnat ka ba? Himala ata at gusto mong mag bar?" Wika ko.
"Ano ba! Wala akong lagnat. Para sa'yo rin naman 'yun noh! Tsaka isa pa, kailangan nating mag-relax. Hello!? Nakaka-haggard kaya ang exams."
Kung sa bagay, nakaka-miss din ang magpunta sa hawla ng mga nagwawalang mga hayop. May isang linggo na rin akong walang practice.
Umalis na sila Eleanor at Desiree. Buti pa sila tapos na ang exams. Eh ako, may dalawa pa. Kailangan kong magsunog ng kilay dahil kung hindi, patay na naman ako kay Anderson. Tsaka ano namang silbi ng ganda mo kung wala kang talino diba? Anong silbi mo? Pang aliw sa mga manyak?
BINABASA MO ANG
My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017
RomanceWanna be her 'Bedroom Buddy' ? Aliyah Chear Ross' Story Read at your own risk