Chapter 1

74 11 1
                                    

The Sleep Over.

Bumalik ako sa kwarto kung saan naabutan ko na silang nagbubukas ng wine.

It's already 8:48 pm.

Yumuko lang ako habang papunta sa inuupuan ko kanina, ayoko ko kasing makita nila yung mata kong namumula dahil sa kakaiyak kanina.

Alam kong pagpasok ko palang ng pinto lahat ng mata nila ay nakatingin sakin pero hindi ko nalang sila pinansin at tuloy lang sa paglakad papunta sa upuan.

Nagvivideoke si Eya ng mga pang broken na kanta tapos yung dalawa naman nakikisabay naman na sa kanta ni Eya habang yung mga mata nila nakapikit na akala mo naman ay may concert sa Moa Arina.

Bigla tuloy akong napatawa.

At yun bigla din silang tumigil at tiningnan ako.

"Ayan tumatawa kana hindi bagay sa mga mata mo yung may luhang pumapatak" malumanay na sabi ni Eya.

" True sis, ganda mo kaya bawal umiyak pwera nalang kung perlas yang luha mo" natatawang saad ni Lizette.

" Ganda ng Ali namin shit smile naman dyan! " Panunukso pa ni Cyanee.

Hindi ko na tuloy mapigilang mapangiti dahil sa kanila, mahal na mahal ko talaga tong mga to, I think I can't survive without them.

"Shot mo nalang yan Ali" singit naman ni Zoren.

"Yeah"

"Let's Party²!"

Pinalitan nila yung tugtug sa Videoke ng pambayle at yun mukhang naganahan tuloy sila at biglang nasitayuan at nagsayawan ang mga loko. Nilagyan ko naman ang red cup ng wine at binigyan ko sila Isa² habang sumasayaw.

"Woaaahhj..... Let's enjoy this night!!!" Saad ni Eya habang gumigiling at sinasabayan ang tugtug.

Ang hot nya.

Tumayo na din ako sumabay sa pagsayaw kasama nila, Hinayaan ko ang sarili kong sumayaw ng walang pakealam ngayon kolang to ginawa at ramdam ko ang pagkamangha sa mukha nila ng makita nila akong sumayaw.

"Baka best friend namin yan!" Sigaw ni

"Ang hot mo Ali!"

"Sayaw paaaaaa Ali!"

Tuloy lang ako sa pagiling na parang wala ng bukas kumuha pa ako ng beer sa loob ng refrigerator at inubos ko yung dalawang bote, Maya mayay mas nakaramdam ako ng pagkahilo.

Lasing na ba ako?

May narinig akong nagd-door pero hindi masyado marinig ng mga kasama ko dahil sa ingay sa loob at kasabat nun ang kanilang sigawan na parang masayang masaya.

Hindi ko na sana papansinin ng bigla ulit nag doorbell, kaya dahil sa sobrang inis ko pinuntahan ko kahit na hindi ako makalakad ng maayos.

Pinihit ko ang door knob at Isang gwardya o body guard ang sumalubong sakin. Ngumiti muna ito sakin bago magsalita.

"Ms. Pwedi bang pakihinaan nyo lang daw yung boses nyo at yung karaoke? Hindi po kasi makatulog yung amo ko dahil sa ingay baka pag nainis yun ako yung mawawalan ng trabaho. " pakiusap nya.

Sumandal muna ako sa pader para hindi ako madaling matumba tsaka ako nagsalita.

"U-uhmm sino ba yung amo mo kuya? Napa oa naman nya." wala sa sarili kong sabi.

"Ms. Tama naman po sya maingay po kayo masyado naririnig kayo hangang sa dulo ng hallway siguro naka full volume yung karaoke nyo" Saad ni manong body guard.

Malakas ba talaga yung ingay namin? Pinakinggan ko muna yung kanta nila kung totoo bang malakas yung ingay, bigla tuloy akong nahiya dahil sa sobrang lakas nga.

Her One Night Stand Where stories live. Discover now