Pagkapasok ko palang sa loob nga kwarto bigla akong nagtaka kung bakit naka off lahat ng ilaw. Sobrang dilim, hindi ko makita ang mga kaibigan ko sa couch.
Kinapa ko sa pader ang switch at nang bumukas ang ilaw nagulat akong nakaupo na silang tatlo sa couch habang seryong seryoso ang mukha.
Problema ng mga to?
Kanina pa kaya sila gising?"Hi guys!" bati ko sa kanila.
Pero walang sumagot tinitignan lang talaga nila ako.
"Galit ba kayo?" malambing na tanong habang papunta ako sa kanila para yakapin sila isa isa.
Ganto din kaya magtampo
yung magiging jowa ko
kapag ginabi ako ng uwi?"Hindi" sabay sabay silang sumagot sabay iwas ng tingin sakin.
Nagulat ako sa sagot nila kaya bigla ko nalang silang tinawanan ng malakas pero tinignan lang nila ako ng masama.
Cute.
"Ali, san ka pumunta?" Seryoso pa din yung mukha ni Eya.
"Sa garden" nakangiting saad ko, masaya kasi ako sa nangyari kanina kasama ang lola ni Jio. "Kasama ko din si Jio" dagdag ko pa.
"Sinong Jio?!" gulat na tanong nilang tatlo.
Gusto kong asarin ang mga to, dahil sa reaksyon nila. Hindi ko din sila masisisi sa naging reaksyon nila, kasi ngayon lang talaga ako nagkwento tungkol sa lalaki, kasi nga di ba? Hindi ako mahilig makipag kaibigan.
Asarin ko kaya ang mga to.
"Boyfriend ko" maligayang sagot ko sa kanila.
Muntikan ng malaglag si Lizette na nakaupo sa gilid ng couch, Si Cyanee at Eya naman biglang umubo ubo.
"Tangina, kakalabas mo lang ng kwarto tapos pagbalik mo may jowa ka na agad?" Saad ni Lizette na parang stress na stress.
"Saan mo naman napulot yang imaginary boyfriend mo?" natatawang sabi ni Eya na mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
" Totoo nga boyfriend ko si Jio, bahala kayo dyan kung ayaw nyong maniwala" inirapan ko nalang sila at pasalampak na umupo sa hinihigaan ko kanina.
Lumapit pa sakin si Cyanee at hinagkan ako na sadyang ikinagulat ko.
Anong meron?
Tiningnan nya ako ng malungkot at huminga sya muna ng malalim bago magsalita.
" Alam namin ang pinagdadaanan mo Ali, kaya kung may problema pwedi mo kaming masabihan dahil pakikinggan ka namin, at isa pa hindi mo kailangan ng imaginary boyfriend para lang maging masaya kasi nandito kami" seryosong seryoso talaga ang mukha nya.
Joke ba to? Hindi talaga sila naniniwala?
Napatawa ako ng sobrang lakas dahil sa mga reaksyon nila at kumunoot naman ang mga noo nila na tila nagtataka dahil sa mga ikinikilos ko. Narinig ko pang bumulong si Eya kay Cyanee.
" Mukhang nababaliw na talaga ang kaibigan natin" bulong nito kay Cyanee na hindi naman nakalagpas sa pandinig ko.
May lagnat lang ako pero hindi pa ako bingi.
"Ewan ko sa inyo, matutulog nalang ako" inirapan ko nalang sila at pumunta sa kama ko.
Tumakbo naman agad sila
papunta sakin at niyakap ako."Eh sino ba kasi yan? Sure ka bang mabait sya?" tanong ni Eya na sinundan naman ng tanong ni Cyanee.
"Jio yung name nya diba? Pareho pala sila ng pangalan ng ex ko" sagot naman nya kaya agad kaming napalingon sa kanya.