Chapter 6

15 3 0
                                    

"The second time we met"

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng makalabas ako ng hospital. Nung una nalungkot talaga ako dahil dun sa pag alis ni Jio pero ng lumipas ang mga araw nakalimutan ko na din agad dahil sa sobrang pagka busy ko.

Finally, nakahanap na ako ng trabaho sa isang maliit na company ngunit mababa lang ang sahod ko pero ayos na din kesa naman sa naaksaya lang yung oras ko sa pag aapply sa ibang kompanya.

I'm planing to buy a condo somewhere near in the Vista Mall para naman malapit ako sa mga bibilhan ng mga groceries. I want to move out in our house also kasi ayoko makita araw araw ang pagmumukha ni Mommy at ng magiging bago nyang asawa.

Nakakasira kaya ng araw kapag ganun.

"I'm on my way" I said before I ended the call with my workmate Kiara.

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko, medyo luma na din tong kotse ko simula pa kasi nung college ako ito na yung ginagamit ko kaya ang hirap palitan lalo na kapag wala ka pang sapat na pera at isa pa napa kahalaga din sakin ng sasakyan na to.

What hell! ang aga aga bakit sobrang traffic?

Pupunta ngayon ang Chairman ng kompanya at ang kwento naman sakin ni Kiara na mabait daw yun tsaka maganda kaso nga lang may pagka strikta.

Tangina bakit ngayon pa nagka traffic kung saan kailangan ko talaga makapunta sa kompanya. Hindi nagtagal tumawag ulit si Kiara sakin at agad ko naman sinagot habang naka loud speaker.

"Nasaan kana? Hindi pa kami nakastart magluto dito kasi wala ka pa, paparating na si Chairman."

"Kia, traffic talaga dito" medyo naiinis na din ako sa sitwasyon ko ngayon. Sa sobrang pagka inis ko napabusina nalang talaga ako ng malakas sa mga kotseng nasa harap ko ngayon.

"Just find another way para makapunta ka dito now na, kailangan ka talaga dito Ali." natataranta na sagot nya.

" Okay, just give me 15min." Nag U turn nalang ako at pumunta sa parking lot ng Sm.

Iniwan ko nalang muna yung sasakyan ko dun at pumasok ako sa sm para makapag shortcut sa ibang daan medyo malapit nalang man din yung building ng kompanya kaya kahit tagatak ang pawis ko habang tumatakbo hindi ako humihinto para lang makaabot ng mas mabilis sa kompanya.

Lalo na mahalaga ang araw nato dahil si chairman ang pupunta mismo kompanya dahil daw my meeting sya sa isang big client.

Pagkatapos ng labing limang minuto ng pagtatatakbo ko nakarating din agad ako sa harapan ng building namin.

Papasok na sana ako sa entrance ng bigla akong harangan ng security.

Bagohan siguro yung security guard na to.

"Kuya please get out of my way, kailangan ko ng maka akyat sa canteen."

"Ma'am, hindi po kayo pweding pumasok kasi wala kayong dalang I'd" sagot naman ni manong guard.

Dali dali kong kinapkap yung buong katawan ko.

Shit nakalimutan ko yung bag ko sa sasakyan kanina. Cellphone lang ang dala dala ko.

"Kuya naman, kailangan ko nga makapasok ngayon kasi paparating na si Chairman at kailangan na naming makapagluto"

Naiinis na ako dahil sa kanya baka kasi mawalan pa ako ng trabaho dahil sa kanya.

" Kuya, papasukin mo na sya." Utos ng napaka eleganteng babae na nasa tabi ko na pala.

Siguro kanina nya pa kami pinapanood.

Her One Night Stand Where stories live. Discover now