Chapter 7

10 3 0
                                    

Bakit ang tahimik naman yata ng Cafeteria ngayon at nakatayo silang lahat?

Anong meron dito?

Napansin nilang pumasok ako kaya sa akin agad nabaling ang atensyon ng lahat. Lalong lalo na si Clea na matalim ang tingin sa akin.

Problema ng mga to?

Dahan dahan akong pumasok sa loob at nagulat ako ng makita ang babaeng tumulong sakin kanina, kahit talaga saang anggulo ng mukha nya ang ganda talaga nya lalo na napaka elegante nyang tingnan.

Nakayuko lang ang ibang mga kasamahan ko sa kanya. Kaya dito na ako nagtaka.

"Hi Ms.?" tanong sakin nga babaeng tumulong sakin.

"Dela Vega po" I answered.

Ngumiti naman sya agad dahil sa sagot ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito at kung bakit lahat ginagalang sya lalo na ng mga ka trabaho ko.

Hindi kaya sya yung Chairman?

"Nice surname, by the way I've been waiting here for you kanina pa, I just want to ask some questions about the dish na inihanda mo para sa amin." biglang nag iba ang expression sa mukha nya kaya tila bigla akong nakaramdam ng kaba na baka hindi nila nagustuhan yung pina handa ko.

Tama nga ako sya nga yata ang Chairman.

"May problema po ba ma'am?" kinakabahang tanong ko.

Nararamdaman ko din ang mabibigat na tingin ng mga kasama ko sakin. Alam ko na kapag hindi maganda ang sasabihin ng babaeng to tungkol sa pinaluto ko kanina siguradong magagalit sila sakin lalo na si Clea pagkakamali ko lang kasi palagi ang binabantayan nun.

"Hindi nyo po ba nagustuhan? Pasensya na po, Akala ko kas- " hindi na natapos ang pagpapaliwanag ko dahil bigla syang nagsalita.

"I like it." ngumiti sya sakin "p-po?" medyo hindi pa pumoproseso sa utak ko ang sinabi nya.

"Sabi ko gusto ko ang niluto nyo, ang galing ng idea mo ngayon lang ako nun nakatikim at sobrang nagustuhan ko talaga especially it's spicy. I came here just to thank you for preparing dishes like that for me. I really appreciate it." Maligayang saad ng Chairman.

Kita ko naman ang gulat at sa mukha ng mga kasama ko lalo na si Clea pati rin naman ako nagulat akala ko kasi mawawalan ako ng trabaho dahil sa naging desisyon ko.

"Totoo po?" Hindi pa din talaga ako makapaniwala.

"Yes ang sarap, thank you so much guys! You did very well today! " Saad nya sa mga kasama ko sinuklian naman sya nga mga ito ng matamis na ngiti.

Hindi din nagtagal ang Chairman at nagpaalam din agad samin, may pupuntahan pa daw syang ibang importanteng meeting.

Pumunta ako sa gilid ng mesa kung saan nakalagay ang phone ko, eh kasi wala naman dala akong gamit except sa phone ko. Sa sobrang pagmamadali ko kanina naiwan sa kotse pati na din yung I'd ko. Aalis na sana ako ng marinig ko silang nag uusap tungkol sakin.

"Ngayon lang talaga tayo pinuri ng chairman"

"Hindi talaga ako nag expect na magugustuhan nya yung idea ni Ali"

"Same"

" Hoy pero in fairness ngayon lang talaga na appreciate yung luto natin lalo na yung Chairman pa yung pumunta dito para magpasalamat" Saad ni Kiara na halatang masayang masaya.

Inawat ko muna ang pinag uusapan nila dahil magpapaalam na akong umuwi. Gusto ko na kasing umuwi para makapag pahinga lalo na magaan talaga ang takbo ngayon ng araw ko.

"Guys! I have to go home na, kayo na bahala magligpit dito ha? Salamat." Pagpaalam ko sa kanila.

"Uuwi kana?" Tanong ni Michael. "Yes magpapahinga ako sa condo." Sagot ko.

Her One Night Stand Where stories live. Discover now