Chapter 5

25 4 1
                                    


A/N: I'm so sorry for slow updates, I hope you understand, I'm a graduating student this year and malapit na ang graduation ko kaya madami pa akong tinatapos na school works, after i finished all my important stuff I will make sure to update again. Thankyou for still reading and supporting my story!💜

---

Goodbye for now.


"Sabi ni tita you need to go home now Ali, she needs you to choose her wedding gown." Kakatapos lang nya sagutin yung tawag ni mommy.

Tumawag kasi sakin si mommy ngayon pero ayoko lang muna syang kausapin kaya si Eya na yung pinasagot ko para malaman kung ano naman yung kailangan nya sa akin.

"Bakit? Wala ba syang sariling utak para pumili ng wedding gown nya?" Naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko pero nakatingin lang sila sakin ng my pag aalala sa mukha.

They know, kung gaano ako nagdusa sa puder ni mommy, alam nila kung bakit ganito ako ngayon maka asta, my mommy turns me into a bad person that I don't want to be in the first place.

"Malapit na yung wedding nya diba?" tanong sakin ni Lizette.

"Kahit bukas pa yan wala akong pakealam." Inis na sagot ko sa kanya kaya tumahimik nalang sya at lumabas ng kwarto.

I know, I'm rude the way i respond  to Lizette but I think she could understand why I'm acting like this.

Mamaya na ako hihingi ng tawad for now mag iisip muna ako kung pupuntahan ko pa ba yung mommy ko.

I'm so mad at her.

Imagine? Na hospital na ako't lahat lahat tapos hindi nya man lang ako dinalaw? Tapos ngayon papauwiin nya lang ako dahil sa lintek na wedding gown nya?

"Ali calm down, we all know here na ayaw mo sya makita or makasama but I think you should go there, after all kahit na baligtarin moman ang Mundo she's still you're mom. " pilit na ngiti ni Cyanee para pagaanin ang loob ko.

" I agree, just give her a chance Ali, okay? " Saad naman ni Eya." Everything will be fine soon, and if the weather is bad we're still here and we can give you a shoulder to cry if it's heavy to lift, halika nga dito. " Hinila nya ako para yakapin at doon ko naramdaman na basang basa na pala ang pisngi ko ng luha dahil nakita kong may pumatak sa damit ni Eya.

Nasa harapan kolang si Cyanee habang nakatingin samin na nagyayakapan bakas din sa mukha nya ang saya at pag alala sakin.

Pagkatapos naming mag usap bumalik naman kaagad sa kwarto si Lizette at nahahalata kong umiiwas sya sa akin.

I know she's mad.

Habang nililigpit ko ang mga damit ko at ibang mga gamit ko, nagulat ako ng biglang tumabi sakin si Cyanee at bumulong.

"I think you need to apologize to her, she's also worried about you but you drove her away earlier because you're so mad." pabulong nyang sabi.

" I know po. " sagot ko naman.

Umalis din sya kaagad at pumunta sa sofa bago kunin ang kanyang maliit na maleta papunta sa labas ng kwarto. Sumunod naman kaagad si Eya at sinensyasan ako ng " ok" bago lumabas ng kwarto kasama si Cyanee.

I know what they're doing.

Ngayon dalawa nalang kami sa loob ng kwarto, tahimik pa din si Lizette at hindi umiimik habang nilalagay ang mga gamit nya sa kanyang backpack.

Naglakas loob na akong lumapit sa kanya para humingi ng tawad.

Nang makalapit ako sa kanya patuloy pa rin sya sa pagliligpit ng gamit at hindi pinapansin ang presensya ko sa tabi nya.

Her One Night Stand Where stories live. Discover now