Chapter 8

6 3 0
                                    


Night out.

Pagkalabas ko ng sasakyan kasama si Kiara dumiretso na agad kami sa loob ng Small Ville bumungad naman sakin ang malakas na tugtug ng music at mga taong masayang nagsasayawan at nag iinuman.

So this is what it feels like.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa club ka.

Madami agad napatingin sakin lalo na yung mga lalaking nag iinuman sa gilid. Hindi ko tuloy mapigilan mailang ulit sa suot ko ang iksi pa kasi ng skirt ko.

"Ayon sila" turo ni Kiara sa direksyon nina Clea at ibang kasamahan namin na nakaupo sa Isang table habang nag iinuman at nagtatawanan. Pumunta kami agad sa direksyon nila at ng nasa likod na kami ni Clea uupo na sana ako pero biglang nagsalita ang bruha.

"Sa tingin nyo ba pupunta pa dito si Ali? " Tanong nya sa mga kasamahan ko na ngayo'y nag aalinlangan na ding sumagot dahil nakikita ako nila na nasa likod ni Clea, si Clea nalang talaga ang walang kamalay malay na nandito ako ngayon sa likuran nya

Walang sumagot sa tanong nya kaya nagpatuloy sya sa pang babackstab sakin.

"And also sa tingin ko kung pupunta man sya dito ang susuotin nun yung mga damit na pang nanay kita nyo naman sa fashion taste nya eh parang mas sobra pa sya sa single mom kung manamit" dagdag nya pa.

"a-ahh Clea kasi...." Saad ni Michael.

"What? Totoo naman ah mukha syang nanay" sagot nya.

"H-hindi sa ganon eh kasi.... " Hindi na napatapos ni Michael ang sasabihin nya ng magsalita ako sa likod ni Clea.

"Ah talaga ba? Sige tayo ka nga tingnan natin yung suot mo kung sino ang mas nanay ngayon sating dalawa." Hindi na ako nakapagtimpi sa babaeng to eh sya nga tong mukhang lola dahil mukhang daster ng matanda ang suot nya sya pa ang may ganang mang kutya ng ibang tao.

Saan kaya nya binili ang confidence nya?
Sasabihin ko nalang magsara sila kasi ang bumili napasobrahan ang pagiging ambisyosa.

Bigla syang lumingon sakin at kita ko ang gulat sa mga mukha nya pinasadahan nya din ng tingin ang suot ko kaya kitang kita ko ang kaba sa mukha nya.

" Oh ano? Bakit para kang nakakita ng multo? Hindi dahil hindi ako nagsusuot ng sexy na damit ibig sabihin hindi kona kayang magpaganda, tingnan mo ngayon dahil nagpaganda ako mas mukha ka ng nanay kesa sakin."

Palagi ako nagtitimpi sa babaeng to but this time there will be no more exception kapag galit ako.

"I don't know kung anong reason kung bakit palagi kang galit sakin, insecure ka ba? "

Tinignan ko sya ng seryoso at hinintay ang sagot nya pero walang sagot na lumabas sa mga labi nya.

Ay ayon natigilan sya, hindi kasi marunong tumahimik eh, Yan tuloy nasaktan.

"Tama na, were here to enjoy hindi para mag away kayong dalawa."

Umupo ako sa tabi ni Michael dahil tumabi si Kiara kay Clea, pinakalma ko muna yung sarili ko para makapag isip ako ng maayos at isa pa ayokong masira ang first night out ko dahil lang sa bruhang yun. Naglagay ako ng alak sa red cup para uminom. Matapos kong inumin yun halos iluwa ko pabalik dahil sa pangit ng lasa.Nakita ko naman agad na natawa sila dahil sa naging reaksyon ko.

Her One Night Stand Where stories live. Discover now