Chapter 1
It's so hot in here, kanina pa akong nag aantay sa kapatid kong si Calista. Tirik na tirik ang araw pero nandito kami ngayon sa football field, gusto n'ya daw kasing makita ang buong school dahil pareho kaming mag tatransfer sa University na 'to. Gusto ko din naman makita ang kabuuan ng School na 'to pero hindi sa ganitong oras. My ghad sayang ang skin care ko.
Nasaktuhan kasing may nag p-practice ng football dito sa field, kahit saan ka lumingon puro babaeng nagsisigawan ang makikita mo. Dahil na din puro lalaki ang nag-lalaro. 'Yong iba nag papa-cute pa kaya naman lalong lumalakas ang sigawan dito sa field.
" Calista, let's go can't you see? Sobrang init na dito sa pwesto natin." Aya ko sa kapatid kong nakiki sigaw nadin sa ibang kababaihan.
"Guys, look si Grey!!" Tili ng isa sa mga estudyante. Maya maya lang, nag simula na ulit umingay ang field dahil sa Grey?
" OMG, Grey you're so hot!!"
" Kyahh!!!" Tanging nakakabinging ingay lang ng mga kababaihan ang maririnig mo sa field na ito.
Hindi na ako nakatiis at hinila na paalis sa field si Calista, hindi na kaya ng eardrums ko ang ingay ng mga estudyante roon.
" Omygosh, Ate Cindy, did you just pull me away from that field?"
"Oh yes, I did have a problem with that? "
"Omygosh Ate, you just ruined my moment huhuhuhu"
"Gaga, anong moment ang ine-enjoy mo? Yung mga lalaking kulang na lang maging tuta para mag pa cute? " Kaloka ang batang 'to gusto lang naman pala ng tuta hindi na lang sinabi edi sana hindi na ako nababad sa init kanina.
" it's not that naman Ate, I mean hindi mo ba nakita yung hot guy na naglalakad kanina? " Naka cross-arm na sabi ni Calista with matching irap pa.
"What guy?" Paano ko makikita, mas pinoproblema ko yung init ng araw tsaka yung eardrum ko kulang nalang mabasag kaka tili n'yo.
"Dzuh, Ate you're not interested in handsome guy talaga."
"Ok, whatever. Umuwi na lang tayo mas napagod pa ako kakasunod sayo." Wika ko bago maunang mag lakad.
"it's not my fault naman e, you're so bagal mag lakad kaya."
"Calista Fenner, tigil tigilan mo nga ako sa kaka conyo mo lalong sumasakit ang ulo ko e!" Singhal ko dito. Simula pagkagising puro taglish na lang ang naririnig ko dito sa batang 'to nakakadagdag stress e.
"k fine. I'll make tigil na nga."
Grey’s POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa football field para puntahan ang kapatid ni Travis na si Trixie, may usapan kasi kaming dalawa. After lunch pupuntahan ko siya sa field para kunin ang phone ko. Hiniram n’ya ang phone ko kaninang umaga dahil may ita transfer daw siyang files, kaya binigay ko nalang ibabalik n’ya din daw naman e.
Hindi ko ba alam kung ano ang pumasok sa utak ni Trixie at sa may football field pa talaga gustong tumambay, ang init init e.
Patuloy akong naglalakad papunta sa field and as usual wala na naman ibang ginawa ang mga babaeng estudyante kundi ang mag titili. I admit, gwapo ako pero nakakasawa na sa tuwing dadaan ako puro sigawan nalang ang naririnig ko nakakabingi na.
Lahat ng babaeng nakatambay sa may field nag simula ng mag sigawan, maliban sa isang babaeng naka white dress. Hindi ko nakita ng ayos ang kanyang mukha dahil bigla nalang nitong hinila ang isa sa mga babaeng nag sisigawan. Kapatid n’ya ata ‘yon i think?
NVM. Hindi n’ya lang siguro ako kilala kaya hindi s’ya katulad ng ibang estudyante na halos magkandarapa na mapansin ko lang. Tss
Hindi ko na lang pinansin ang mga estudyante, at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Natagalan pa ako bago ko makita kung saan nakapwesto si Trixie. Hindi na din ako nag tagal pa sa lugar na ‘yon, pagkatapos ibigay ni Trix ang phone ko agad na rin akong umalis.
I haven't introduced myself, I’m Gray Martinez 18 years old currently studying at Formentez University. That's it, I don't need to tell you guys everything about myself.
Cindy's POV
Buti na lang talaga na higit ko si Calista paalis dun sa field na yun. Bukod sa sobrang init nakakabingi pa. Maybe you guys think of me as a mareklamo and maldita. I'm not being mareklamo and maarte, pero kasi pag-kadating namin galing US nag padiretsyo agad si Calista sa Formentez University. May jetlag pa nga ako dahil sa haba ng byahe galing US papunta dito sa Pilipinas tapos pag dating naman dito halos libutin ko na ang buong University kakasunod kay Calista. Feel ko tuloy sobrang haggard ko na.
I'm Cindy Fenner, 18 years old. Sa US talaga ako nag aaral, nag transfer lang ako dahil gusto ko makapagtapos ng pag aaral dito sa Pilipinas. Siguro iniisip n'yo na nababaliw na ako dahil maganda makapag tapos sa ibang bansa pero mas pinili kong sa Pilipinas magtapos. Besides para kasing may mahalaga akong taong kailangang mahanap o makita. Sobrang gulo may mga bagay na naalala ko pero parang hindi pa nangyayari, siguro dahil ito sa nangyaring aksidente 8 years ago.
*****
" Pangako 'yan ah! " Masiglang sabi ng batang babae bago iniabot ang isang bagay sa batang lalaki.
Teka… anong nangyayari? Bakit nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako? nasaan ako?
" Sige pangako! " Napalingon naman ako sa batang lalaki na hindi ko maaninag kung anong itsura masyadong maliwanag ang mukha ng batang lalaki dahilan upang tanging labi lang nito ang aking makita.
Isang ngiti ang humulma sa labi ng batang lalaki bago ito mawala……
Napabalikwas ako mula sa aking pag kakahiga, isa ba 'yong panaginip? Hindi lang ito ang unang beses na napanaginipan ko ang batang 'yon.
Sino ang batang 'yon at bakit kailan man ay hindi ko nakita kung sino ito?
YOU ARE READING
Finding Cinderella
Teen FictionGrey Martinez, has been searching for a girl who made a promise with him. But the only thing to find her was to see if she had a necklace that they gave to each other 11 years ago. It symbolizes their promise. But it was also hard for him to find he...