Chapter 5
I'm so pissed!! Nakaka inis, sa dinami dami ng pwedeng magbayad ng hospital bills ko kahapon bakit si Grey pa??
Nakalabas na ako ng hospital kahapon, kaya naman pumasok na ako ngayon sa school nakakahiya din naman kasi dahil nung first day ko nag halfday ako tapos kahapon hindi din ako pumasok. Pero okay na naman ako ngayon ininom ko nadin yung gamot ko para hindi na sumakit ang ulo ko.
And gosh!! Kaninang lunch may sumundo saakin na estudyante ang sabi nya sumunod daw ako sa kanya kaya sinunod ko naman. Dinala nya ako sa garden kung saan wala masyadong estudyante. I don't care kung saan kami pupunta basta sumunod nalang ako hindi din naman nakakatakot yung garden na pinuntahan namin. Pero noong tatanungin ko na s'ya kung ano ang pakay n'ya, bigla nalang n'ya akong iniwan sa garden tapos biglang lumabas kung saan si Grey wala siyang ibang kasama as in sya lang.
Sinabi niya na s'ya daw bag bayad ng hospital bills ko kahapon sya din daw nag dala sakin sa hospital.
Flashback
"Ako ang nagdala sayo sa Hospital sayo kahapon, and I'm the one who paid your hospital bills." Seryoso nitong sabi saakin.
"So how much? I will pay you back." Kampante lang akong nag salita, habang s'ya naman mukha pa din seryoso.
"30k."
What?!!! 30k?!! As in 30 thousand?!!
I stared at him in shock. Paano nangyari na 30k ang hospital bills ko?! Wala pa akong isang araw doon sa hospital na iyon 30 thousand na agad?! Hindi ko nga manlang naenjoy ang pag s-stay ko don e.
"Stop staring at me, it's so irritating."
Arte mo naman gwapo ka gwapo ka? Mukha ka ngang dinosaur e!
Anakngpitomputputingtupa!! Saan ako kukuha ng 30k?! Mayaman nga ang mga magulang ko pero nakakahiya naman kung hihingi pa ako sa kanila ng 30 thousand sa kanila! Bat diko na lang ibayad ang allowance ko? 15k din yun!
"Ano babayaran mo ba o hindi?" Taas kilay na tanong ng impaktong nasa harapan ko.
"Teka lang naman kasi! 30k?! Anong klaseng panggagamot ba ang ginawa sa akin
ng doktor?"
"Listen carefully crazy woman, while you were sleeping the doctors did so many tests on you they checked your brain to see if it was still functioning." Wika ni Grey ng seryoso.
Agad naman akong napatingin dito ng may pagka pikon. Nang aasar ba 'to? Malamang gumagana ang utak ko!!
"And they also did a test on your head to see if it's empty or not." Sabay kibitbalikat ni Grey.
"Hindi ako nakikipag lokohan Martinez!"
"Hindi rin ako."
Gosh!! Paano ko ba makakausap ng matino ang taong ito?
"Sige hindi ko na babayaran yung 30k na sinasabi mo wala din naman palang kwenta ang ginawa sakin ng mga doktor!" Akmang aalis na ako nang bigla na naman itong nagsalita.
"I don't need money."
"Then what do you want?!" Iritableng tanong ko
"You."
YOU ARE READING
Finding Cinderella
Teen FictionGrey Martinez, has been searching for a girl who made a promise with him. But the only thing to find her was to see if she had a necklace that they gave to each other 11 years ago. It symbolizes their promise. But it was also hard for him to find he...