CHAPTER 6

38 5 0
                                    

 Chapter 6


Nasa garden ako ngayon ng school wala masyadong mga tao kaya ang peaceful ng paligid. Kinuha ko ang librong kanina ko pa binabasa at nag patuloy kung saan ako huminto. Naramdaman kong nag init ang aking pisngi dahil sa aking binabasang nobela. 


Waaa nakakakilig! Kailan kaya ako makakaranas n'yang butterfly on my stomach na yan? 


Nasa kalagitnaan ako ng pag babasa nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy nalang muli sa pag babasa. 

"Ano 'yang binabasa mo?" Napalingon ako dun sa taong tumabi saakin. 


Si Martinez, lang pala. 


"Wala." Masungit kong sagot. Pero ayaw mag patinag nito at tumabi pa ng husto saakin kaya napa isod nalang ako sa dulo ng bench. Kinuha ko ang aking earphones at pinasak sa aking tenga para diko na muling marinig pa si Grey. 



Muli nanamn itong lumapit saakin saka sinilip ang librong binabasa ko. Ilang minuto lang din s'yang naka tingin doon habang ako naman ay naiilang dahil sa maliit na distansya sa aming dalawa. Matapos ang ilang minuto medyo inilayo na nya ang kanyang sarili mula sa aking tabi. Naka hinga din ako ng maluwag ang awkward din kasi  sa pakiramdam kung ganon ang aming posisyon. Nag babasa ako habang s'ya naman halos makipag palitan na sa aking mukha na  nakikitingin sa aking libro. 



Hindi na ako nakatiis at lumipat na sa kabilang bench. Wala narin kasi akong maintindihan sa binabasa ko e. 


Napairap nalang ako nang maramdamang tumabi nanaman sa tabi ko. 

"Lumayo ka nga!" Suway ko kay Grey. 



"Pa hard to get, tsk."


Haaa?!!! Hard to get!?? Ay bakit dapat ba akong kiligin kasi may umeepal sa me time ko? Naka ano ata 'to e, naka sha--



Pagkasabi nya noon agad din 'tong umalis habang may binubulong bulong na hindi ko naman naiintindihan.



Letche, panira ng araw. 


Nawalan na ako ng gana mag basa kaya naman isinarado ko na ang aking librong binabasa. 

1 week na ako dito, yes you read it right 1 week na ako dito at sa loob ng 1 week na 'yon wala akong ginawa kundi mag-aral at makipag chismisan kay Hannah at Kia.   

"Hey!" 


Napalingon ako sa aking likuran dahil doon nag mula ang boses na tumawag sa'kin. 


"Naistorbo ba kita?" Tanong ni Travis sa'kin. 


Umiling ako bilang sagot total kanina pang naistorbo ang me time ko.


"He's so sweet, right?" Naka ngiting tanong nito saka umupo sa aking tabi.



Napa kunot ang aking noo dahil sa kan'yang tanong. "What do you mean by he?" 



"Never mind." Sagot nito saka muling uminom ng dala nyang softdrinks.



Bakit ba ganito ang mga tao ngayon? Masyado silang nakaka confuse kanina si Grey all of the sudden bigla nalang s'yang nakipag usap at lumapit sa 'kin. Eh, buong week mag katama lang ang aming paningin sa isa't isa akala mo nasira ko na buong araw n'ya. Is this because  of that 30k?? 30k na parang napaka imposibleng maging hospital fee ko. And now si Travis naman what did he mean about 'he'? Arghhhh!!! 



Hindi ko namamalayan na naka alis na pala si Travis. At mag isa nalang ako dito. I swear this day was so stressful, because a lot of unexpected things happened. Bakit nga ba kailangan ko pang intindihin ang mga ganoong bagay? Kung noon naman grades ko lang ang pinoproblema ko? 



Finding Cinderella Where stories live. Discover now