CHAPTER 2

52 7 0
                                    

Chapter 2 



Good morning!!!  Ito na ang unang araw namin ni Calista sa bago naming School. I'm so excited na medyo hindi, ang gulo ko ba? hahahaha

Dahil medyo kinakabahan ako ngayon uminom muna ako ng kape, patatlong tasa ko na yata ito ng kape ngayong umaga. Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ng kape ng bigla akong batukan ni Calista kaya naman naibuga ko ang aking kapeng ninanamnam. 


" O my gosh Ate! Why did you spill coffee on my precious shoes?!" Nag hehesterical na sabi ni Calista 

"Oh girl, it's not my fault, payapa akong umiinom ng kape tapos bigla mo nalang akong binatukan." I just rolled my eyes and then drank my coffee AGAIN! 

" Yes, it's your fault! " Aba mapride itong batang 'to pingutin ko ilong mong pango e. 


" Whatever." Bahala siya sa buhay nya wala din naman mangyayari kung makikipag away pa ako sa kanya. Nauna na ako sa kotse at iniwan sa living room ang nagdadabog na si Calista. 


****** 

7:00 AM

*******

7:20 AM

***** 

7: 30 AM!! The fudge kanina pa ako ang aantay kay Calista pero hanggang ngayon wala padin. Ano bang klase ng paglilinis ng sapatos ang ginagawa ng babaeng yun? 

Nag intay pa ako muli ng 5 minuto bago ko ito pinuntahan sa loob ng bahay.  Hinanap ko si Calista sa loob ng bahay ngunit hindi ko ito makita kahit saan. 

Saktong lumabas galing kusina si Mommy. " Cindy, bakit ka bumalik? Akala ko ba naka alis na kayong dalawa ni Calista?" 

huh?

" Nasaan na po si Calista?"


"Kanina pang naka alis hiniram panga nya ang kotse ko dahil flat daw yung ginagamit nyong kotse." 


Ibig sabihin…. 


anak ng- naisahan na naman ako ng bubwit na 'yon  pinag antay nanamn ako sa wala! 

Dali dali akong umalis tsaka nag babye kay Mommy dahil late na late na ako nakakahiya first day pa naman namin ngayon. 7:45 na 15 minutes na lang matatapos na ang first subject namin. I got my schedules kahapon kaya naman alam ko na kung anong time ang simula ng klase at isa lang ang masasabi ko Late na ako!! 


**  

After 10 minutes finally nakarating din sa University. Grabe halos liparin nanamin ang papunta dito sa school sa sobrang bilis ng patakbo ng driver namin. Ako naman ang may kasalanan nun since ako naman ang nagsabi sa kanya na mag madali. 

Lalong uminit ang ulo ko nang makita ko si Calistang naka pamewang na nakatingin sa'kin. Lagot ka ngayon saking bubwit ka! 


Agad akong lumapit sa kanya at pinisil ang kanyang ilong. Wala na akong paki alam kung anong isipin ng ibang estudyante basta gaganti ako sa bubwit na 'to.


"Ate, stop it!" Ano ka ngayon ha? 

Mas lalo ko pang diniinan ang pag pisil rito. "Uulitin mo pa ang pangiiwan sakin?" 

"Fine. Di ko na uulitin. Just let go of my nose " Binitawan ko naman ang ilong nito. 

"Say sorry." 

"No!" Aba nagmamatigas 'tong batang 'to ah! 

"Sige, akin na ulit 'yang ilong mong pango!" Saad ko habang inaabot ang ilong nitong mamula mula dahil sa pag kakapisil ko. 

Finding Cinderella Where stories live. Discover now