CHAPTER 3

33 7 0
                                    


Chapter 3

Holy Pie!!!


Charot lang hohoho

Wala lang trip ko lang mag pa suspense bakit ba?


So who is dis Grey Martinez? Parang narinig ko na yung pangalan na'yon hindi ko lang tanda kung saan. Wait, iisipin ko.

Isip...

Isip...

Isi

Is

I

AHA!!! alam ko na kung saan! Dun sa football field kahapon! Oo nga tama! Apaka galing ko talaga! I'm so proud of myself! (╯з╰)


S'ya nga ata yung pinag sisigawan ng mga babae kahapon. Like narinig lang nila yung Grey na pangalan dinaig pa nila yung mga tindera sa palengke.


"Sorry Ms. Atlanta, mayroon kasing babaeng hindi tumitingin sa dinadaanan n'ya kaya nabanga ako at nahirapan maglakad!" Sarkastikong sabi nito habang nakatingin ng diretso sa akin?

Saakin??

Huh? Problema ng damuhong ito?

S'ya nabangga ko kanina?

Teka isipin ko lang ulit, ano ba nangyari kanina?


Diba hinahanap ko yung classroom ko? Tapos halos mauli ko na ang buong school. Tapos naligaw ako. Tapos nakabangga ako? Tama?

S'ya ba yun??

Sa pag kakaalala ko, nakasuot ito ng puting uniporme, may kulay itim na buhok. Tapos may mata tsaka paa tapos may kamay-

Ay obob sadya nga palang may mata,paa at kamay ang tao hohohohoho.


Pero if ever na s'ya nga yung nakabangga ko ang OA naman n'ya nahirapan ba talaga s'yang mag lakad? Wow ha! Ako nga nahulog sa hagdan pero parang walang nangyari normal pa rin ang paglalakad ko. HMP!

Siguro marami lang talaga s'yang kaartehan sa katawan hanggang apdo!!

"Whatever. Mr. Martinez, wala ng bago don araw araw ka din namang late kaya sige umupo kana." Nagsimula na ulit mag turo si Ms. Atlanta kaso itong katabi ko kinukulit ako may ikukwento daw s'ya.

"Maybe later mo nalang ikwento? Baka mapagalitan tayo ni Ms. Atlanta." Naks napaka bait ko namang bata. ( ̄∇ ̄)



"Uhm, no! Di pwede! "


"S-sige, ano ba yun?"


So ayun, wala din naman mangyayari dahil for sure kukulitin din ako nito kapag hindi ako nakinig.


Nagsimula na ngang mag kwento si Hannah, nabanggit n'ya saakin na si Janice Gonzalez, daw yung humarang sakin kanina. Fan na fan daw ito nina Grey at Travis, ganoon daw sadya ang mga fangirl nina Grey umaasta sila na parang pag mamayari nila ang mga taong kanilang iniidolo kaya naman kapag nalaman nila na may gusto ka sa idol nila pihadong mauubos ang buhok mo!

Next is Travis Mendez, iyon daw ang kasabay ko kaninang pumasok sa room. Best Friend daw ito ni Grey, isa silang basketball players kaya naman sikat na sikat sila sa buong university pati na rin sa ibang school.

Kaya naman pala ganun na lang ang tingin sa akin ng mga babaeng estudyante nang makarating ako sa room kasabay si Kuyang baliw- este Travis. Well hindi ko na kasalanan yon.


Finding Cinderella Where stories live. Discover now