Chapter 4
After ko mag cr kanina umuwi na din ako, sinabi ko nalang sa adviser ko na masama ang pakiramdam ko. Pinayagan naman ako nitong umuwi, hindi ko na pinuntahan sa classroom n'ya si Calista, hindi na ako nag paalam for sure naman wala din yung pakialam kung umuwi na ako at mag-isa siyang uuwi.
********
11 Pm na ng gabi, pero gising pa din ako hindi kasi ako mapakali kung dapat ba akong pumasok bukas or paninindigan kong masama ang pakiramdam ko. Hindi ako natatakot sa plano ni Janice at ni Mika, ayoko lang talagang napapasama ako sa gulo kaya mas mabuti pang umiwas na lang ako.
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba muna ako at pumunta sa kitchen sakto dahil may brownies pa akong tira sa Ref nag salin na din ako ng gatas sa baso bago bumalik sa kwarto.
Pumwesto ako sa may study table ko total hindi padin naman ako makatulog kasi nga nakain pa ako. Ini on ko ang wifi ng cellphone ko kaya naman sunod sunod ang notification na dumadating sa phone ko, merong mga friend request at kung ano ano pa. Una kong tiningnan ang mga friend request at isa na dun si Hannah at Kia. Hindi naman nabanggit sa akin ni Hannah na Kianna Alvarez pala ang buong pangalan ni Kia, ini confirm ko na din agad ang friend request nila.
Nawili ako sa pag s-scroll sa facebook, napatingin ako sa gatas at brownies na kinuha ko kanina sa kitchen. Ubos na pala, halos 12:30 AM na din naman kaya matutulog na din ako bumaba na ulit ako at pumunta sa kitchen dala dala ang baso at pinggan na pinag lagyan ko ng brownies. Pag-katapos non bumalik na ulit ako sa kwarto at natulog na.
*****
*Kriiingggg *Kriiiinggg
Walang gana kong inimulat ang aking mata at pinatay ang alarm clock na tumutunog sa katabing table ko. Badtrip!
Napaaga ang set ko ng alarm kahapon 5:00 Am pala ang nilagay ko 8:30 panga pala ang pasok ko ngayon. Wala narin naman akong magagawa kesa matulog pa ulit ako mag j-jogging nalang ako para naman ma-exercise ang katawan ko kahit papaano.
Nag-hilamos muna ako at nag toothbrush, nag palit nadin ako ng jogging pants tsaka nag rubber shoes na din.
"Ang aga mo naman nagising Cindy?" Nakangiting sabi ni Mommy nang makita niya ako.
Lumapit ako sa fridge tapos nag salin ng gatas." Napaaga po kasi yung set ko nng Alarm kagabi, kaya mag jojogging nalang po muna ako."
"Hmm, sya sige ingat ka." Wika ni Mommy bago mag patuloy muli sa pagluluto ng bacon.
Tumango nalang ako. Inilapag ko nalang sa sink yung baso na ginamit ko tapos lumabas na ng bahay.
Madilim-dilim pa ang paligid dahil hindi pa sumisikat ang araw medyo malamig din pero ayos lang. Hindi ko alam kung nandito pa yung park na lagi naming pinupuntahan nina Mommy dati. Ang tagal ko din kasing hindi naka uwi ng Pilipinas kaya hindi ko alam kung nandito pa yun. Sa pagkakatanda ko kasi meron itong isang puno na sa ilalim nito ay may isang bench.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ay este paglalakad pala nang mapahinto ako sa isang lugar. Mukhang ito na nga ang hinahanap ko. Kagaya ng sinabi ko kanina may Puno tapos may bench sa ilalim nito. Hindi ko nabanggit na meron ding slide at duyan dito.
Umupo muna ako sa bench at pinagmasdan ang paligid.
Marami nang nagbago sa lugar na ito, puro halaman at bulaklak narin ang paligid. Magandang pumwesto sa lugar na ito lalo na kapag hapon kitang kita kasi ang paglubog ng araw kaya naman dati palagi kaming nandito nina Mommy tuwing hapon.
Napatingin ako sa duyan, bakit may kung ano akong na aalala sa duyan na 'yon? Ganito rin ang pakiramdam ko sa tuwing napanaginipan ko ang aking sarili kasama ang batang lalaki.
Ang dami kong naaalala na hindi ko alam kung nangyari ba noon o nag iilusyon lang ang utak ko. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Sinubukan kong tumayo ngunit nanghihina ang katawan ko. Kailangan kong makauwi, nakalimutan ko palang inumin ang gamot ko kanina bago ako umalis kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Nanlalabo narin ang paningin ko at nag simula nang hindi makahinga ng maayos.
then everything went black…..
*********************
Nagising na lang ako sa isang kwarto na kulay puti….
Patay naba ako? Lord?
Napa hawak akong muli ng sumakit na naman ang ulo ko.
"Gising kana pala." Saad ng doktor na pumasok sa kwarto.
Thank God! Buhay pa ako.
"Ano po ang nangyari sa akin?"
"Dinala ka dito ng boyfriend mo kanina." Nakangiting sabi ng doktor habang binabasa ang mga papeles na dala n'ya.
Boyfriend? lah? dinaman kapanipaniwala ang doktor na to. May boyfriend daw ako? Buti pa sila alam nila na meron ako nga hindi ko alam na boyfie pala ako.
"Sino pong boyfriend?" Wala ako non e. :)
"Ay, nakalimutan ko wala ka nga palang malay kanina kaya hindi mo alam kung sino ang nag hatid sayo."
nag tatakang napatingin ako sa doktor, patuloy lang ito sa pag tingin ng mga records o kung ano man iyon.
"Ano ho ba ang pangalan?"
"Wala siyang sinabi kung ano ang pangalan niya basta ang sinabi niya lang boyfriend ka daw nya." Kibit balikat na saad ng doktor.
nvm.
"Ano po ba talaga ang nangyari sa akin Doc? bakit po bigla na lang akong nahilo tapos nanlabo ang paningin at nahirapan huminga?" Hindi ko talaga alam kung bakit nangyari yon sa akin.
"Hindi naman ito sobrang delikado sa isang katulad mo. Mangyayari lang ito sa tuwing hindi ka umiinom ng gamot na inireseta sa'yo." Pagpapaliwanag nito.
"Pero Doc, bakit palagi akong may na aalala na mga bagay bagay na hindi pa naman nangyayari sa buhay ko?"
"Para sa katanungan mong 'yan marahil may isang aksidente na nangyari sayo at nakalimutan ang mga ibang pangyayari. Hindi ito kasing lala ng amnesia, kaya may possibility na maalala mo pa ang mga ito marahil ito din ang dahilan kung bakit laging sumasakit ang iyong ulo, pinipilit mong alalahanin ang mga bagay na nangyari sayong nakaraan."
Pagkatapos sagutin ng doktor ang aking mga katanungan nag paalam na rin ito at umalis. Pwede na rin daw akong umuwi maya maya kapag ayos na ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung sino ang nagbayad ng hospital bills ko. Ang tanging sinabi lang ng doktor ay bayad na ito at boyfriend ko daw ang nag bayad.
Nanatili akong nakatingin sa bintana habang isinasaisip ang sinabi kanina ng Doktor.
katulad ng kanyang sinabi kanina maaaring na aksidente daw ako at nakalimutan ang ibang bahagi ng aking nakaraan. Ngunit ang tanging naaalala ko lang ay 11 years ago nabundol ako ng kotse dahilan para macoma ako ng 2 buwan. Ang sabi pa sa amin ng mga doktor imposible daw sa isang 7 taong gulang ang magising sa pag kakacoma sa loob lamang ng 2 buwan. Hindi naman daw masyadong nag karoon ng damage ang ulo ko kaya may posibilidad lamang na makalimutan ko ang ibang pangyayari s aking nakaraan.
Minsan nga sinisisi ko pa yung aksidenteng nangyari sakin noon, kung bakit lagi akong lutang okaya naman sabog :))
Speaking of Nakaraan ko?
Pati ba ang batang kasama ko sa mga panaginip ko ay parte din ng nakaraan ko?
_______________________________________________________________________________________________________
(^ з^) thanks for reading!
(⌒∇⌒) Vote!
YOU ARE READING
Finding Cinderella
Teen FictionGrey Martinez, has been searching for a girl who made a promise with him. But the only thing to find her was to see if she had a necklace that they gave to each other 11 years ago. It symbolizes their promise. But it was also hard for him to find he...