"Iba talaga kapag laki sa yaman, porselana ang balat."
"Paano, hindi lumaki sa bukid e,"
"Baka nga di pa 'yan nakakakita ng kalabaw."
Sa lenggwahe man namin iyon sinabi ay alam kong pinag-uusapan parin nila ang bagong estudyante na Manileña. Kaklase ko siya ngayong grade 10, huli na nga siya para ngayong taon dahil 2nd quarter na siya nagsimulang pumasok. Kahit ilang linggo na ang nakalipas simula nung dumating siya, mainit parin ang usap-usapan sa kanya. Wala namang bago sa kanya, hindi ko nga malaman kung bakit pinag-uusapan siya ng buong eskwelahan.
Nakita kong lingunin niya ang mga babaeng nag-uusap at bigyan ito ng.. isang tingin bago ibinalik ang mga mata sa pisara. Ngumiwi ako, kakaiba siguro 'to mag-isip. Ibinalik ko narin ang tingin ko sa pisara at bagot na nagbigay ng atensyon sa titser namin.
"Uy, Al!" Nilingon ko ang kaibigan ko nang tawagin nito ang ngalan ko.
"Bakit Dex?" Dexter talaga ang pangalan niya, ang tawag ko lang sa kanya ay Dex dahil di hamak naman na mas maganda yun pakinggan.
"Sama kana! Laro tayo sa perya, nakakuha ako ng pera kay nanay kanina e."
Kinonyatan ko siya, "Tukmol, umuwi kana." Maikling saad ko at iniwan na siya duon. Tinapos ko na agad ang usapan dahil isang libong salita na naman ang sasayangin niya kakapilit saakin.
"Hoy, Al! Bumalik ka dito!" Dinig ko pang pagtatawag niya saakin.
Umiling nalang ako, senyales na hindi parin ang sagot ko. Huling beses na sumama ako sa kanya ay napahamak lang ako kay Aling Mercy, Ang nanay ni Dexter. Paano, niyaya-yaya akong pumunta sa plaza pero di naman pala nagpaalam. Ako pa tuloy ang nasisi na pasimuno, pati kay Nanay ay nalagot ako.
Tahimik akong naglalakad pauwi habang palubog ang araw. Hindi naman ganon kalayo itong school namin sa bahay, kayang kaya lang lakarin. Sa may di kalayuan saaming bahay ay nakita ko ang isang babaeng pamilyar saakin. Mahabang itim na buhok, balinkinitan, maputi, at hindi maikakailang may itsura. Pero bukod dun, ano ba ang kailangan ko pong malaman sa babaeng 'to?
"Oh Sol! Nandyan ba ang Mama mo?" Bati sa kanya ng aking nanay. Hmm, magkakilala sila dahil magkakilala din ang mga nanay namin. At higit sa lahat, magkatapat lang ang bahay namin. "Pakibigay naman 'to sa kanya, paborito niya kasi yan."
"Ah sige po Tita Betty, salamat po." Sabi ni Sol at naglakad na papunta sa kanilang bahay.
Nilagay ko ang aking mga kamay saaking bulsa at taimtim siyang tinignan. Solenn Adelaide.. pati ang pangalan, parang ang hirap abutin. Ano bang binatbat ng Alfredo kong pangalan sa kanya? Nailing nalang ako sa pagkadismaya, mabuti pang umuwi nalang.
BINABASA MO ANG
Manileña
Random(NOT EDITED, MIGHT BE FLAWED*) one of my drafts so yea post this here mwa