02: Epekto mo

4 1 0
                                    

"Al! Magdala ka nga ng dalawang galon na tubig kila Sol." Utos saakin ni Nanay. "Umorder saakin si Vina kanina e, nakalimutan ko sabihin."

"Sige Ma, dalhin ko nalang mamaya." Sagot ko kay Mama at bumalik sa paglalaro ko ng mobile games.

"Anong mamaya pa?! Ngayon na, ito talagang batang 'to!" Biglang sigaw ni Mama.

Napabusangot ako at ibinaba ang cellphone ko. Kung hindi pa ako susunod, mas lalo lang akong malalagot. Baka patpatin ako ng hanger o di naman kaya, kontyabahin si Tatay. Susunod nalang ako, isang tawid lang naman at tapos na.

Naiiling-iling akong sumunod sa inutos ni Nanay. Bukod kasi sa negosyo ni nanay na pagloload, nagnenegosyo din kami ng tubig na mineral dito saamin. Binuhat ko na ang dalawang galon at naglakad papunta sa bahay nila Sol. Kumatok muna ako sa gate nila dahil hindi pa nakabukas.

"Tao po!" Tawag ko sa kanila sa loob. Ibinaba ko ang dala kong galon dahil mabigat iyon. Muli pa akong kumatok pero di rin nagtagal ay lumabas na siya.

"Ay saglit lang." Sabi niya at mabilis na naglakad papunta sa gate nila. Binuksan niya ito at nagsalita, "Pasok."

Tango nalang ang naisagot ko at muli nang binuhat yung mga galon. Pumasok ako sa loob ng bahay nila. Mukhang parehong wala ang magulang niya dito at siya lang mag-isa. Tahimik kasi ang bahay nila. Itinuro niya kung saan ilalagay yung galon kaya duon ko nalang inilapag.

"Ay hala, may barya ka ba sa one thousand?" Inabot saakin ni Sol yung isang libo.

Napatikhim ako, grabe sisenta lang naman yung dalawang galon ng tubig pero isang libo yung bayad. Hindi naman kumikinang yung tubig namin. "Ah ano.. mamaya mo nalang siguro bayaran kapag may barya na."

Tumango siya, "Ah sige, ihahatid ko nalang." Inabot niya rin saakin yung isang mangkok. "Nga pala, ayan yung bowl niyo. Thank you nga daw pala sa buro na ginawa ni Tita Betty. Nagustuhan ni Mommy."

"Hmm sige, sabihin ko nalang." Nagbigay ako ng maliit na ngiti, sinuklian niya naman ako ng malaking ngiti...

Nag-iwas ako ng tingin at kinuha na yung mangkok sa kamay niya. Nagsenyas nalang ako na aalis na ako bago pa siya tuluyang iniwan dun. Ano bang nangyayari, pucha naman oh. Totoo nga ata yung sinabi ni Dex, mas maganda talaga siya sa muse namin na hindi manalo-nalo sa intrams. At maamo nga ang mukha niya, mukha ding mabait. Sinapo ko ang noo ko, mali mali... Di tama yung iniisip ko tsk tsk.

Naunang lumabas ng classroom saakin si Dex dahil nagugutom na raw siya. Sinabi ko na susunod nalang ako sa kanya, hinayaan ko narin siyang mauna para matahimik naman ang buhay ko kahit saglit. Nang makababa ako ng classroom ay anak ng teteng.. ang akala ko ay pumipila na siya para bumili ng pagkain pero nakikipag-usap pala kay Sol. Umiling iling ako, kahit kailan talaga ay wala akong maaasahan sa lalaking 'to.

Dumaan ako sa likod nila, duon sa hindi nila akong makikita. Hinatak ko ang kwelyo niya sa batok dahilan para masakal siya sa harap. Napaubo ubo siya dahil sa ginawa ko. Pinalo niya ang kamay ko kaya binitawan ko narin siya.

"Kung may balak kang patayin ako, wag naman patalikod." Angal ni Dex.

"Kelan mo ba gusto?" Biro ko sa kanya pabalik at ngumisi. Tinignan ko si Sol na nakatingin din saakin. Agad na nabawasan ang ngisi ko at nag-iwas ng tingin. Mamaya ay may masabi na naman akong wala sa kontrol. "Nga pala, akala ko mauuna kana dito, bat chumichismis ka?"

"Siraulo, nakikipag-kaibigan lang ako kay Solenn. Mukha kasi siyang mabait e pero mabait namna talaga siya. Diba, Sol?" Ani Dex.

Binalingan ko ng tingin si Sol, "Ahmm hindi ah, mabait lang ako sa mga taong mabait." At mahina pa siyang tumawa.

"Sus ang bait mo kaya! Tignan mo pre, nilibre mo nga ako e." Ang ungas, proud pang sinabi iyon saakin.

Pinitik ko ang tenga niya, "Minsan mahiya ka, hindi yung babae nanlilibre sayo." Nagpeke ako ng ngiti kay Dex pero alam kong alam niyang hindi ako natutuwa.

"Iluluwa ko ba lahat ng nakain ko?" Mahina at inosenteng tanong niya saakin

Napapikit ako at nilapit ang bibig ko sa tenga niya para bumulong. "Hindi, isinga mo para mas talented ka tignan." Pamimilosopo ko sa kanya.

"Okay lang guys, it's just a small amount lang naman." At ngumiti si Sol saamin. "Kayo? May gusto paba kayong iba?"

"Ako, mukhang gusto na kita." Dinig kong mahinang bulong ng katabi ko.

Agad naman na nagpintig ang tenga ko dun kaya bumulong din ako. "Tigilan mo 'yan, Dex. Hibang kana,"

"May pinag-uusapan ba kayo?" Tanong niya.

Umiling ako, "Wala naman."

"Hmm," Tumatangong saad niya nalang at ngumiti.

Muli akong nag-iwas, hindi ko alam pero hindi naman ganito kalaki ang epekto niya noon saakin. Sa ngiti niyang yan, naging iba lahat. Hindi ko alam pero.. nakakabaliw ka Sol, sobra.

ManileñaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon