"No Solenn, you're doing it incorrect. Pwede kang masagutan niyan," Puna ng titser namin.
Kanina pa siya pinupuna ng titser namin sa Cookery dahil mali-mali ang ginagawa niya. Nagluluto kami ngayon dahil ito ang activity namin ngayong quarter. Grinigrade kasi kami kung paano namin gawin yung iba't ibang cuts at hindi iyon makuha ni Sol. Tuloy ay kanina pa matunog ang pangalan niya dahil sa mga bibig ng kaklase namin. Habang ako naman ang hindi napapakali para sa kanya.
"Sorry po Madam, I'll do it again nalang po." Nakayukong sabi ni Sol.
"Ultimo paghawak ng kutsilyo hindi magawa, my god.." Bulong pa ni Madam. "Magpractice uli kayo, magsisimula tayo in 10 minutes."
Lumapit agad ako kay Sol na ngayon ay nakabusangot na. Napatingin naman siya saakin, "Oh? Hindi ka nagpapractice?"
"Ikaw ang magpractice para hindi ka nabubungangaan nun." Patukoy ko kay Madam, napangiwi naman siya.
"Even the basics, hindi ko magawa ng maayos. Ugh, why didn't they taught me these noon para alam ko na ngayon diba." Nanghihinayang na sabi niya.
"Wag ka na magreklamo, tuturuan nalang kita." Sabi ko, kesa naman bumagsak pa siya. Kawawa naman kung sakali.
Parang bumbilya na lumiwanag ang mukha niya, "Talaga?" Nakangiti at umaasang paninigurado niya saakin.
Hindi ko napigilan mangiti at matawa kalaunan. "Oo nga,"
Nagsimula akong ituro sa kanya yung tamang paghawak at tamang paghihiwa. Pati yung mga tawag sa mga yun ay tinuturo ko narin sa kanya. Hindi naman ako ganon ka talino, hindi rin naman ganon kabobo, masasabi kong tama lang. Habang idine-demo ko sa kanya ang tamang paghihiwa, siya niya naman itong inuulit. Hanggang sa unti-unti ay nakukuha niya na.. kahit papano.
"Bumalik na kayo in your assigned table, class. Magsisimula na tayo," Anunsyo ni Ma'am.
"Babalik na ako sa pwesto ko." Paalam ko sa kanya.
Pero bago pa man din ako umalis ay hinawakan niya na ang braso ko para pigilan ako. "Thank you nga pala, Al. Natuto ako.. sayo," at eto na naman ang ngiti niyang kayang yanigin ang sistema ko na parang lindol.
Tumikhim ako, marahil ay napansin niya iyon kaya tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko. "Wala yun," May maliit na ngiti ko ring banggit bago umalis.
Natapos ang klase namin ngayong araw, hindi ko rin nakita si Dex ngayong uwian. Siguro ay maaga 'yong umuwi. Naglalakad na ako pauwi nang maya maya pa ay may kumalabit saakin sa likod.
Nilingon ko kung sino iyon at si Sol iyon. Nakangiti na naman siya saakin kaya nagtaka na ako. "Hmm, bakit?"
"Ah wala lang.." Nag-aalangan na sabi niya saakin. "Ay oo nga pala, gusto mong kumain dun?" Nginuso niya yung pwesto ni Kuyang nagtitinda ng tusok-tusok. "Tara!" At mabilisan niya akong hinatak.
Nang nandun na kami sa may tusok-tusok ay duon lang ako nagkaroon ng tyansang tignan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ang lambot din ng kamay niya sa totoo lang. Halatang.. hindi nga siya sanay sa gawaing bahay..
"Here's your stick," at nag-abot siya saakin ng stick. "Kahit anong kunin mo, I'll pay for it. Libre ko na," at nagtaas baba pa siya ng kilay.
"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Para sa kanina, a thanksgiving kumbaga," Sagot niya at nagsimula na magtusok ng mga paninda ni kuya. Wow, hindi siya maarte ah. "Oo alam ko iniisip mo. Nakakain na ako ng ganito noon sa Manila, of course. It's the tusok-tusok, right? Psh. Sa gawaing bahay lang naman ako hirap okay."
At sa pagsasalita ng walang kaartehan.
"Tch, wala naman akong sinasabi."
"Well, sinasabi ko lang in advance." Paglilinaw niya. "Hindi kasi ako lumaki na inuutusan sa nga ganong bagay. Nasanay ako na may gumagawa nun para saakin which I found.. regretful." At sumubo siya.
"Pede mo pa naman pag-aralan yun." Ani ko..
"Hmm," Maikling sagot niya lang saakin.
Napansin ko na may sauce sa gilid ng labi niya kaya inabutan ko siya ng panyo. "May dumi," At tinuro ko yung gilid ng labi niya.
"Oh, thank you." Nakangiti niyang sagot saakin.. Kinuha niya yung panyo mula saakin at ipinunas iyon sa may dumi.
Napatingin ako sa baba, nakita ko ang anino naming dalawa. Mapait akong napangiti habang ang mga pantasya ko ay muli naglalaro sa isip ko. Malabo man pero, ansarap niyang isipin. Ito yung pakiramdam na.. hindi ko inaasahang sa kanya ko makikita.
BINABASA MO ANG
Manileña
Acak(NOT EDITED, MIGHT BE FLAWED*) one of my drafts so yea post this here mwa