"Alam mo pre, angganda nung bagong lipat 'no?" Saad niya habang nakatingin kay Sol na siyang nakatalikod saamin. "Saka mukhang mabait ba. Ang amo ng mukha e. Sa totoo lang, mas maganda pa siya sa muse natin." At mahina pa siyang tumawa.
Eto na naman ang walang tigil na pagputak ni Dexter. Hindi ko alam kung bakit ko pinagtyatyagaan ang kadaldalan niya. "Oh ano naman?"
"Ligawan mo kaya?" Tarantadong tanong niya.
"Pinanganak ka bang may kulang na tornilyo sa utak? Ikaw nakaisip, ikaw gumawa." Kung ano ano nalang kasing pumapasok sa isip niya. Halatang walang masasabing matino e.
"Bakit?! Gwapo ka naman ah!" Pampalubag loob pa niya.
Tinakpan ko ang bibig niya. "Alam kong gwapo ako pero wag mo na ipagsigawan sa buong campus, nak ng.." Napalakas ata ang pagkakasabi niya dahil may ibang napatingin sa kinauupuan namin.
Pinakawalan ko ang bibig niya, "Kapal mo." At nagpunas siya ng bibig.
Kumagat ako sa tinapay ko, nginuya ko pa ito ng ilang saglit bago nagsalita. "Alam mo, malabong matipuhan ang isa saatin nun." Patukoy ko kay Sol. "Ang mayayaman, para lang sa mayayaman. Ang tulad natin, para lang din sa katulad natin. Tandaan mo yan, pre." At binigyan siya ng ngiwi.
Sa pelikula lang naman nangyayari ang mga pantasya na yan. Hinding hindi magugustuhan ng isang babaeng mayaman ang mga tulad naming pobre. Langgam lang kami sa paningin nila, mas masama nga kung baka alikabok lang.
Papunta ako sa katabing tindahan namin, pinapabili ako ng suka ni Mama dahil kulang daw yun nasa bahay para sa ipa-Paksiw niya. At hindi naman na kagulat-gulat kung makikita ko siya dito. Magkatapat lang kami ng bahay oh, alangan naman diba.
"Oh Al, ang tangkad tangkad mo na ah." Tudyo saakin ni Mang Nestor, yung tindero saamin. "Ano sayo, 'neng?" Bumaling siya kay Sol na bibili rin.
Lumapit si Sol duon, sumagot naman ako. "Ah.. oo nga po e,"
"Nagbaba-Basketball ka ba? Sayang naman ang tangkad mo, 'doy." Tanong muli ni Mang Nestor.
"Opo, marunong naman po ako.." Sagot ko nalang. Kasi naman, bakit ba ngayon pa siya nagtatanong ng mga ganito? Mang Nestor naman e.
"Ah buti naman, akala ko ay sa babae mo lang ginagamit yung tangkad mo e. Mukhang habulin ka pa naman." Bumiro pa ito saakin. Ng aso po.. opo habulin ako.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sol. Agad naman akong nagtaka, kakaiba nga mag-isip. Sino ba ang matutuwa sa mga tatay jokes? "May nakakatawa ba?" Hindi ko napigilan ang mapatanong sa kanya.
Nilingon niya ako at agad na umiling-iling. "Ah nope, sorry natawa lang." At binigyan niya ako ng ngiti bago naglakad na paalis.
Sinundan ko siya ng tingin, nginitian ako? Aba, bago ata yun ah. Sa school naman ay hindi kami nagkikibuan, para nga kaming hindi magkakilala. Sabagay, magulang naman talaga namin ang magkadikit. Pero kahit na. Grabe, iba yun ah.
BINABASA MO ANG
Manileña
Acak(NOT EDITED, MIGHT BE FLAWED*) one of my drafts so yea post this here mwa