"Let's go na, Al! Dun tayo oh," At sabay turo ni Sol sa isang palaruan kung saan kailangan mong barilin yung mga lata para makakuha ng premyo.
Naiiling akong nagpatianod nalang sa kanya. Pyesta na ngayon sa barrio namin kaya ang lahat ng tao ay nagkakasiyahan. Ang iba ay pumupunta sa iba't ibang bahay para makikain at makipagkamustahan. Maingay, magulo, pero masaya. Ganito ang nakagawian naming pyesta na sadyang hindi nakakasawa.
Ngayon ang unang pyesta ni Sol dito, sa totoo lang ay hindi nga niya alam kung paano nangyayari ang pyesta. Kaya eto ngayon, tuwang-tuwa na parang bata. Isa pa 'tong tukmol na Dex at inaya pa sa perya si Sol. Kung hindi lang din naman ako pinilit ni Sol na sumama ay hindi rin ako papayag.
"Kay Sol ka lang pala bibigay, hmm." Mapang-asar na sabi ni Dex at tinulak pa ng bahagya ang braso ko.
Nagpeke ako ng ngiti, "Eh kung ikaw kaya yung itumba ko kesa yung mga lata?" Sinabi ko iyon saaming lenggwahe na agad naman niyang naintindihan. Baka kasi maintindihan ni Sol at magmukha pa akong masama.
"Argh! Nakakainis naman, hindi ko ma-hit yung mga cans na yun. Maybe nakadikit yun don," Nag-aamok na bumalik si Sol matapos niyang matalo.
Napangisi ako nang palihim, parang bata tch. "Okay lang yan Sol, sabi nga nila try and try until you french fries."
Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng ngiwi dahil sa sinabi ni Dex. "Alam mo, matindi na 'yang sakit mo. Di na tama yan, magpakonsulta kana."
Napatawa naman si Sol sakanya, "Ang funny mo talaga.."
Napapakamot-ulong sumagot si Dex. "Ah hahaha.. thanks, maliit na bagay." Di ko malaman kung sarkastiko ba o inosenteng sinagot iyon ng kaibigan ko. "Hayaan mo Sol, kukunin ko yung palakang teddy bear na yun para sayo!"
Lumaki naman ang ngiti ni Solenn, "Talaga?"
"Oo naman, saglit lang ah."
Tinapik pa ni Dexter ang balikat ko bago siya naglakad dun sa may palaruan. Sinundan lang namin siya ng tingin bago ko nilapitan si Sol. Nagsimula ng maglaro si Dex na animo'y bata na talagang determinado na makuha yung premyo. Nang maya maya rin ay nagsalita si Sol.
"You know what," Panimula niya, nakuha naman nito ang atensyon ko. "I really like your friend, si Dexter. Meron siyang humor, looks, at higit sa lahat mabait din. Nakakatuwa siyang kausap, to be honest. I also like how interested he is on me. I mean, ang sarap sa pakiramdam na.. gusto niyang malaman yung mga bagay na ikinasasaya at ikinalulungkot ko."
Tinignan ko siya ng mabuti at hindi nalang sumagot. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko kung anong nararamdaman niya para sa kaibigan ko. At ganon din naman si Dex sa kanya, alam kong gusto niya siya. Ayos lang naman saakin yun, sino ba ako para hadlangan sila. Ang nakakapanghinayang lang.. buti pa siya ay napapansin ang mga ganong bagay kay Dex pero saakin ay hindi.
Interesado din naman ako sa kanya ah, bukod pa sa inaakala niya.
BINABASA MO ANG
Manileña
Random(NOT EDITED, MIGHT BE FLAWED*) one of my drafts so yea post this here mwa