"Oy nandito lang pala kayo!" Bigla na namang sumulpot si Dexter mula sa kung saan. Nginitian naman siya ni Sol.
"Hmm, ikaw? Saan ka galing?" Tanong naman ni Sol sa kanya, nanatili akong tahimik.
"Ah dyan-dyan lang, hehe." Sagot niya muli dito. "Nga pala, nakasalubong ko si Madam Dantes. Pinapabigay niya 'tong index cards, sulatan niyo daw ng buong pangalan. Para daw sa recitation natin mamaya." At nilapag niya na ang dalawang dilaw na index card sa lamesa.
"Oh I see." Tumatango-tangong turan ni Sol.
Nagsimula na kaming magsulat ni Sol sa kanya kanya naming index cards. Habang si Dex naman ay nakiki-isyoso lang sa mga sinusulat namin. Nang bigla ay magsalita ito, "Frias?"
Tinignan siya ni Solenn, "Hmm, why?"
Nilingon naman ako ni Dex na parang hindi makapaniwala. "Pre, diba Frias karin? Ibig kong sabihin, yung middle name mo diba Frias din?"
Nag-iwas ako ng tingin, at nalaman na nga ng mokong. "Hala, hindi mo pa ba alam? We're cousins! Like magpinsan, ganon. He's mother and my Father are second cousins, so ibig sabihin magpinsan din kami pero second cousins lang din. Kaya nga, magkatapat bahay namin e, ano ka ba." Natatawa pang sagot ni Sol.
Napamaang si Dex, sa isip ko ay napapailing nalang ako. Nilapit ni Dexter ang bibig saakin at saka bumulong. "Kaya pala ayaw mong ligawan, pre. Magpinsan pala kayo," at humagikhik pa siya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko nang walang tinutugon sa kanya. "Alis na muna ako, lalanghap lang ng hangin." Maikling paalam ko at nagsimula nang umalis sa pwesto namin.
Itinago ko kay Dex yung totoo dahil nakakapanghinayang na marinig para saakin na.. magpinsan kami. Hindi naman tungkol sa 'Ang mayayaman, para lang sa mayayaman' ang dahilan kung bakit pinipigilan ko siyang gustuhin. Dahil yun sa.. bawal at hindi pwedeng ipilit. Kung hindi lang naman kami magkamag-anak, matagal ko na siyang sinugalan. Kahit pa mahirap siyang abutin dahil sa kadahilang mayaman siya, susubukin ko siyang sungkutin. Pero hindi e, ipinanganak kaming parehong may Frias.
Ang masakit pa, hindi naman ako ang tinatanaw niya, kundi ang kaibigan ko. Sa lahat ng pwede niyang makita, siya lang ang nakaagaw ng pansin niya. Magiging masama naman pakinggan kung sisingit pa ako sa kanilang dalawa. At ayokong masira kami ni Dex.. Kakayanin ko pa atang mahulog ang taong gusto ko sa kaibigan ko ng patago kesa maging masaya sa taong iba ang gusto..
Ang saklap mo mahalin, Manileña. Kakaiba ka nga, walang katulad...
-------
(Taon ang lumipas...)
"Kamusta naman ang buhay sa Baguio?" Tanong ko sakanila.
Nakadantay ang ulo ni Solenn kay Dexter nang sumagot ito. "Ayun, ayos lang naman. So hassle lang, and so lamig." Natatawang sagot ni Solenn.
Matapos ang tatlong taon, nagkamabutihan ang dalawa. Masaya naman ako para sa kanila, iyon ang totoo. Sa totoo lang ay naikwento ko na nga ang dati kong nararamdaman para kay Sol sa kanilang dalawa. At sa tuwing mapag-uusapan namin iyon ay pare-pareho nalang kaming natatawa. Ganon nalang kami ka-komportable sa isa't isa, walang siraan.
"Eh ikaw naman, Al? Kamusta ang pag-aaral mo dito sa Pangasinan? Sabi naman kasi sayo, sumama kana saamin." Usal ni Dex. Nagdodorm na kasi silang dalawa ni Sol sa Baguio at minsanan nalang umuwi. Natuto na nga sa gawaing bahay si Sol e, mabuti naman tch.
"Hassle lang din." Sagot ko. Hindi ako pumayag sa pagsama aa kanila sa Baguio dahil gusto kong tumulong din dito kila Nanay.
Ang pasimula palang naming usapan ay naputol kaagad nang isang malakas na sigaw. "Solenn! Where's my maxi dress?! Have you worn it?! Kakabili ko lang non, my god!"
Napatingin kami sa babaeng dumating. Ash gray ang buhok, maputi, balinkinitan.. ngunit mataray ang mukha na siyang pinagkaiba nila ni Solenn. Mayroon din itong mga kolorete sa mukha. Hindi ko alam pero napatitig ako sa kanya para obserbahan siya.
"Eliz, I told you, nilagay ko yun sa closet mo." Mahinahon na sagot ni Solenn.
"Then where is it?!" Pasigaw naman na sagot nung.. Eliz? Pero nagulat ako nung magtama ang tingin namin. Pinanlakihan niya lang ako ng mata kaya ako nalang ang nag-iwas. Napainom ako ng tubig, takte, kasalanan ko pa atang nawala yung damit niya.
Narinig nalang namin ang yabag niya na paalis na kaya tumayo si Solenn. "Be right back guys, sundan ko lang yun." At naglakad na siya para sundan yung Eliz.
Nilingon ko ang kaibigan ko at.. binigyan niya ako ng isang malokong ngisi. "Ano na naman?" Wala pa man din ay hindi ko na gusto ang sasabihin niya.
"Yun si Eliz, pinsan ni Solenn sa mother's side. Galing ng Maynila, mukhang magsstay narin dito for good." Panimula niya. Dito din nagsimula lahat.. noon. "Maybe.. it's time for you to catch your own Manileña, Al. Your stubborn Manileña..."
Tinitigan ko siyang mabuti, Eliz hmm.. Naiiling kong pinawi ang nasa isip ko. "In fairness sayo ah, di kana baluktot mag-english." Pag-iiba ko ng usapan.
Pinakita niya ang palad niya, "May kodigo ako dito oh."
Natawa nalang ako sa kanya, loko loko parin. Nilingon ko ang pinanggalingan nung Eliz at wala sa sariling napangisi. Manileña.. just my type.
BINABASA MO ANG
Manileña
Random(NOT EDITED, MIGHT BE FLAWED*) one of my drafts so yea post this here mwa