Zenny's Note for the Day:
November 16. 10pm.
This is my NFTD. Note For The Day. Yes. I saw this feature of MeetMrRight.Com and clicked it. It has been a week since I tried using this site. Ang dami ring palang pwedeng gawin dito. Bukod sa chatting na main purpose nila, mayroon ding ibat-ibang feature katulad ng mala-diary na NFTD (What I'm using right now). Pwede mo ring i-customize ang Profile mo. Like any other social media sites. Kaibahan nga lang, nakaprivate. As in, ikaw lang ang makakakita. Unless, may mag-hacked ng account mo. Hahaha! Sounds funny right? Anong sense nun diba? Hindi dapat ito kasama sa tinatawag nilang Social Media. Anti-social Media dapat. Buti nalang talaga kasama yung chatting kaya pasok na sa banga. Social media pa din. Hahaha!
Pero ang weird lang kase naappreciate ko yung site na 'to. I mean, aside syempre sa paghahanap ko kay Mr. Right, nagustuhan ko talaga ang set-up ng MeetMrRight.Com. It was made for private use. Yung may privacy ka pero nagagawa mo pa rin ang gusto mo. It's like your private page. Karamihan kasi sa ibang apps or sites, puro self-centered ang labas. Puro nakikita't nababasa ko eh pagpapasikat. Kesyo may new shoes si ganito, nag-outing si ganyan, may mamahaling gamit blah blah. And I was like, what the F? Puro bragging lang ang alam. Minsan pa, yung iba nakakalimot sa mga ipinopost. Yeah. We have freedom of expression. It's our right. BUT. It's also a responsibility. Ganern.
I'm sure. Kung mabasa 'to ng mga friends ko. Fake friends. I-babash nila ko. Haha! Magtre-trend ang #PadeepsiZen at #BigyanNgJowaYan.
Ps. Triny ko lang talaga ang NFTD. Hindi ako nagpapaka-deep or whatsoever. I'm Zen. You'll know me more on my next NFTD. Haha! And yes, day-off ko today. At naglaba lang ako the whole day. Di ko na naman tuloy nahanap si Mr. Right. Psh. Kbye.
Do you want to post your note for the day?
Yes [/] No [ ]
Thank you Zenny! Your note is already posted on your profile!