Convo. November 17. Tuesday. 9:30pm.
Sheila: Hi Zenny girl!
Sheila: Zenny babes!
Sheila: Zenny?
Sheila: Single!!!
Zen is typing...
Zen: Shatap!
Sheila: HAHAHA! Yun lang pala ang makakapagpa-reply sayo. Online ka naman pero di mo ko chinachat. Ano seenzoned lang? Nakakatampo ka. :3
Zen: I'm busy.
Sheila: Busy saan?
Zen: Work.
Sheila: Here we go again, workaholic Zen.
Zen: I need money.
Sheila: I don't think so. You need Jowa. Hahaha!
Zen: Kainis ka bes! Haha! Sungit sungitan na nga ko dito eh.
Sheila: Hay. Yan ang problema sayo eh. Isinusubsob mo ang sarili mo sa trabaho.
Zen: Eh saan ko naman idi-divert yung effort ko? Sa family ko? Eh, okay naman sila. Yung 3 kapatid ko, may sariling pamilya na. Sila Mama at Papa naman, nasa ibang bansa. Stable ang pamumuhay. So, no choice ako. I need to earn money for my own living.
Sheila: Tama ka naman pero you need also a break. Lahat ng sobra masama noh. At saka sayo na nanggaling. Ikaw na lang mag-isa. Sign na yun na it's time for you to have someone in your life. Sabi nga sa kanta ni Justin Bieber, you just need somebody to love.
Zen: Okay. I get it. So anong dapat kong gawin? Mag-soul searching sa Sagada? Pumunta sa Baguio? O kaya naman mag-Paris?
Sheila: Hahaha! Ano, Mace lang ampeg? Walang 'That thing called Tadhana' sa totoong buhay noh. Mag-isip ka naman ng bago. Yung Zenny's way! Hahaha. Para naman may originality ka. :D
Zen: Haha! Baliw ka talaga. Wala akong maisip.
Sheila: Hmm. Blind dates kaya?
Zen: No way! Ayoko nun.
Sheila: Try mo balikan yung mga college friends mo. Malay mo, makahanap ka ng sparks.
Zen: What? Di na noh! Isipin pa nila desperada ako. I'm only 25. Bata pa yun! Si Mommy Dionisia nga may jowa eh. Kaya maghihintay nalang ako.
Sheila: Kung sa bagay. Anong malay natin. Baka ipinapanganak palang ang nakatadhana para sayo. HAHAHA!
Zen: Ha. Ha. Ha. Wag mo na nga kong kausapin. Marami pa kong gagawin. Mag-eedit pa ko ng mga photos.
Sheila: Haha! Eto naman, hindi na mabiro. Mag-resign ka nalang kaya dyan sa trabaho mo.
Zen: Hindi pa 'ko nahihibang noh. Hindi ko igi-give up ang pagiging photographer ko.
Sheila: K. Fine. O sige. Matutulog na 'ko Ms. DedicatedsaWork. Hahaha!
Zen: Kbye.
Sheila: Di halatang busy ka talaga. Sige. Goodnight! Sweet dreams! :*
Zen: Hahaha! Bye.