Zenny's Note For The Day:
November 18. 2:30 am.
Hi Notnot! Haha! Yan na tawag ko sayo ha. Alam ko, parang Dear Diary lang ampeg pero wala 'kong maisip na iba eh kaya, pagtyagaan mo na. Tinanggal ko lang naman yung letter 'E' sa Note tapos tinimes two ko kaya naging, tentenenen! Notnot! HAHAHA. (Ang brainy ko talaga. LOL)
By the way, highway, sabi dito sa site, ang note pad na 'to ay inilaan para sa mga adventures ko sa paghahanap ko kay Mr. Right. At dahil wala pa sya, ibig sabihin, wala pa 'kong maisusulat dito. Ang sad noh? Pero syempre, we can break some rules here. Haha! Nagawa ko na 'yun sa unang NFTD ko. Remember that pa-deep moment sa note ko? Hah! Wala 'yun kinalaman kay Mr. Right. Memai-post lang. So today, napagpasyahan kong tungkol muna sa buhay ko ang isusulat ko. (Sounds BORING right? Yeah. I KNOW.)
Siguro nagtataka ka kung bakit gising pa 'ko at nagta-type sa phone ko ng madaling araw. Yes. Phone na ang gamit ko. Sakit sa mata ng laptop eh. Katatapos ko lang mag-edit ng mga photos para sa event tomorrow. I'm a photographer. At the same time, photo editor na rin sa isang kumpanya. Kami yung nag-oorganize ng lahat-lahat sa isang event. Like weddings, parties at kung anu-ano pa. In-short, event organizer. Oops. Hindi pa yata ako nagpapakilala. I'm Zen Garcia nga pala. 25 years old. SINGLE. Okay. Scratch that. Kalimutan nyo na yung single. Hahaha. Kusang na-type. Sorry.
Ewan ko pero parang kadikit na nung salitang 'yun ang pangalan ko. Zen = SINGLE. Status ko na yata 'yan forever. Simula kasi noong bata ako, ako nalang lagi mag-isa. Alam ko namang feeling ko lang yun kasi andyan naman yung mga kuya ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin 'yun. Hello? ikaw kaya maging bunso sa tatlo mong kapatid na lalaki, ewan ko nalang kung hindi ka ma-outcast sa mga trip nila. Sila Mama at Papa naman busy sa work sa ibang bansa bilang mga OFW's. Hay. No choice talaga ko kundi i-embrace ang brotherhood. Haha. Sa ngayon, ako nalang single sa 'ming apat. Sila Kuya Von, Michael at Melvin may pamilya na. Yes. Naiwan na naman po sa ere ang bida. Ang daya talaga! Unfair. Kaya siguro ganito ako ka-workaholic. Doon ko nalang binubuhos ang panahon at oras ko kasi wala akong jowabels. Huhuhu.
Tama nga siguro si Shiela. Dapat na 'kong makipag-socialize. Oh sige, maglandi nalang. Ganun din naman yun. Pinaganda lang. Oras na siguro para ipagpatuloy ko ang paghahanap kay Mr. Right... Kaso natatakot ako. Pa'no kung mali yung mahanap ko. Pa'no kung si Mr. Wrong pala yun? Haixxxxt! Ang hirap naman. Ayoko namang tumandang dalaga noh. . Eh di wala ng 'Grow old with you', Grow old with Me, Myself and I' nalang ang meron. OmyG! Nakakabaliw naman 'tong sitwasyon ko. Parang gusto mong magmahal pero ayaw mong masaktan. Parang hindi pagtaya sa lotto tapos maniniwala kang mananalo ka. Parang kape na walang asukal, pero matamis parin ang lasa para sayo.
Hay naku!!! Makatulog na nga. Anong oras na. Maaga pa 'ko bukas. Saka na muna yang love-love na yan. Bye Notnot! ♥
Ps. Sa mga may jowa dyan, magbre-break din kayo! At kapag nangyari 'yun sabay-sabay tayong magkape nang walang asukal. Para bitter... Bwahahaha!
