Prologue

1 0 0
                                    

~~~

Prologue


Matagal nang kumakalat ang alamat ng Aetheria, isang mahiwagang isla na nakatago sa gitna ng malawak na karagatan. Sinasabing puno ito ng ginto at kayamanan, ngunit kahit sino ay hindi basta-basta makakatapak sa islang ito. Walang sinuman ang makakakita ng Aetheria, maliban kung sila ay ginagabayan ng dalawang sinaunang singsing na tinatawag na mga Compass Ring.

Ang isa sa mga singsing, ang Singsing ng Celestial Path, ay nasa kamay ng nag-iisang tagapagmana ng trono ng Aetheria, si Prinsesa Celeste. Matapos ang isang trahedyang naganap sa kanyang pamilya, si Celeste ay nagtatago sa isang malayong isla na tinatawag na Isla Perdición. Isang mapaminsalang bagyo, na sinasabing dala ng isang sumpa, ang bumalot sa Aetheria at nagdulot ng malagim na aksidente na kumitil sa buhay ng kanyang buong pamilya. Ngayon, si Celeste na lamang ang natitirang tagapangalaga ng Singsing ng Celestial Path.

Ang Singsing ng Celestial Path ay nagtataglay ng kapangyarihang gabayan ang may suot nito sa tamang landas patungo sa Aetheria. Ngunit, upang makumpleto ang paglalakbay, kailangan ding matagpuan ang pangalawang singsing—ang Singsing ng Nakatagong Mundo—na may kapangyarihang magbukas ng mga lihim na daanan patungo sa isla.

Ang mga kuwento tungkol sa Aetheria at ang mga singsing ay nag-udyok sa isang kilalang grupo ng mga pirata na hanapin ang prinsesa. Sila’y naglakbay mula sa isang isla patungo sa iba't ibang isla, sinusundan ang mga bakas ng alamat, hanggang sa natagpuan nila si Prinsesa Celeste sa Isla Perdición. Ngayon, kailangan nilang kumbinsihin ang prinsesa na sumama sa kanila at gamitin ang kapangyarihan ng mga singsing upang matunton ang daan patungo sa Aetheria—isang landas na tanging ang mga Compass Ring lamang ang makakapagturo.

Ngunit ang kanilang pakikipagsapalaran ay puno ng mga panganib. Maraming mga naglalakihang pirata at mangkukulam ang naghahangad na maagaw ang mga singsing at ang kayamanan ng Aetheria. At habang naglalakbay sila, unti-unting nabubunyag ang mas malalim na lihim tungkol sa aksidenteng nagpabagsak sa buong pamilya ng prinsesa—isang lihim na maaaring magbago ng kanilang kapalaran at ng buong kaharian ng Aetheria.

Sa huli, ang tanong ay hindi lamang kung paano nila matatagpuan ang Aetheria, kundi kung handa ba silang harapin ang mga hiwagang nasa loob ng isla, at ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng pamilya ni Prinsesa Celeste..

— 𓊝 ༄ .𖥔 ݁ ˖

NAGISING ako sa malamig na likido na dumadaloy sa buong katawan ko. Walang emosyon kong tinignan kung sino ang nagtaboy sa akin ng tubig.

"Tumayo ka na d'yan, ngayun na ang araw."

Sumunod ako sakanya at walang pasabing hinatak niya ako sa braso palabas ng preso, madiin ang paghahawak nito sa akin kaya bumabaon na yung mga kuko niya sa braso ko.

"Alam mo, kung gusto mo tumakas matutulungan naman kita basta ipatikim mo sa akin ang katawan mo. Pangako, hindi lang ako ang masasarapan sa gagawin natin," Nakangising sabi ng kawal at humarap sa akin na puno ng pagnanasa.

Dinuraan ko siya sa mukha dahil sa kababoyan niya, bigla napahinto kami sa paglalakad at madilim niya akong tinignan at walang pasabi na sinampal ako ng malakas.

"Ako na nga itong nagmamagandang loob, ikaw pa ang tatanggi," galit niyang wika at marahas akong hinatak at halos kaladkarin na niya ako.

Nagmamagandang loob daw, akala nya siguro mapapaniwala niya ako sa mga salita niya.

"Sayang ka, pero mamatay ka," sabi niya at tumawa na parang demonyo.

Hindi ko na ito pinansin dahil nasisiraan  na siya ng bait.

Nakarating kami sa kung saan ako pupugutan ng ulo, nakita kong madaming tao dito.

'sawakas ako ay lilisan na rin, masusundan ko na kayo ina, ama, ate at kuya.'

Dalawang araw na kaya nila ako pinapahirapan para paaminin ako, nagalit sila kasi 'di ko sinasabi kung saan ko tinago yung isang Compass ring.

Pinaluhod nila ako sa harap ng maraming tao, habang may ispada sa harap ko na handa nang ipugot sa aking ulo.

Walang emosyon ang aking mukha habang Pinagmamasdan ko ang mga tao sa baba ng intablado na puro masasakit na salita ang pinagbabato nila sa akin.

"Patayin na yan! patayin na yan!"

"patayan sya! Isa siyang salot sa lipunan!"

"Dapat lang yan sa mga tulad mong walang kwenta!"

At halos mga dugong bughaw ang mga bumabato sa akin ng mga masasakit na salita, habang ang ibang mga kapwa ko mahihirap ay naawa lang sa akin kalagayan, wala silang magagawang tulong dahil mababa lang ranggo namin at hindi patas ang mga patakaran dito

Pupugutan ako sa hindi ko naman ginawang kasalanan? anong biro ito. Akin ang singsing na tinutukoy nila, na pinipilit nilang ina-angkin. Ang singsing na yun na nga lang ang nagpapaalala sa aking mga namayapang magulang, kukuhanin pa nila dahil sa pagiging sakim nila.

hindi ako makapaniwala sa mga taong to.

itutuloy...

The Lost IslandWhere stories live. Discover now