Execution
﹉
Celeste's Point Of View
NAGISING ako sa malamig na tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Walang emosyon kong tinignnan kung sino ang nagbuhos sa akin ng tubig.
"Tumayo ka na d'yan, ngayun na ang araw."
Tumayo ako at walang pagiingat naman niya akong hinatak sa braso, madiin ang paghahawak nito sa akin kaya bumabaon ang mga kuko nito sa braso ko.
"Alam mo, kung gusto mo tumakas tutulungan kita, basta ipatikim mo sa akin ang katawan mo. Pangako, masasarapan ka din naman sa gagawin natin," Nakangising sabi nito at humarap sa akin na puno ng pagnanasa.
Dinuraan ko siya sa mukha niya, kaya napahinto kami sa pag lalakad at madilim niya akong tinignan at biglang sinampal ng malakas.
"Ako na nga itong nagmamagandang loob, ikaw pa ang tatanggi," galit na pagkakasabi niya at marahas akong hinatak at halos kaladkarin na niya ako.
Nagmamagandang loob daw, akala nya siguro mapapaniwala nya ako sa mga salita nya.
"Sayang ka, pero mamatay ka na," sabi niya at tumawa parang demonyo.
Hindi ko na ito pinansin dahil nasisiraan siya.
Nakarating kami sa kung saan ako pupugutan ng ulo, nakita kong madaming tao dito.
'sawakas ako ay lilinisan na rin matatapos narin ang paghihirap ko.'
Dalawang araw na kaya nila ako pinapahirapan para paaminin ako, nagalit sila kasi 'di ko sinasabi kung san ko tinago yung kalahati ng Compass ring kaya binigyan nila ako ng kaparusahan na pag pugot ng aking ulo. Ang espesyal ko nga sa kanila e, tatlong araw pa lang kami magkakasama ha.
Pinaluhod nila sa harap ng maraming tao, habang may ispada sa harap ko na handa nang ipugot sa aking ulo.
Walang emosyon ang aking mukha habang Pinagmamasdan ko ang mga tao sa baba ng intablado na puro masasakit na salita ang pinagbabato nila sa akin.
"Patayin na yan! patayin na yan."
"paatayin sya! Isa siyang salot sa lipunan!"
"Dapat lang yan sa mga tulad mong walang kwenta!"
At halos mga dugong bughaw ang mga bumabato sa akin ng mga salitang masasakit, habang ang ibang mga kapwa ko mahihirap ay tanging naawa na lang sa aking kalagayan, wala silang magagawang tulong dahil mababa lang ranggo namin.
"Tahimik! Ngayun araw, masasaksihan natin kung pano pugutan ang lapastangan babae ito sa kasalanan pagnanakaw ng mahalagang bagay ng ating mahal na hari na hanggang ngayun ay pinaghahanap pa rin kung saan tinago ng babaeng ito ang mahalagang singsing ng ating mahal na hari. Dahil ang singsing ay ang susi magtururo sa maalamat na isla na kung saan puno ng kayamanan."
Nagbulungan naman yung mga maharlika na nanonood.
Pupugutan ako sa hindi ko naman ginawang kasalanan? Anong biro 'to? Akin ang singsing na tinutukoy nila na pinipilit nilang ina-angkin. Ang singsing na yun na nga lang ang nagpapaalala sa aking mga namayapang magulang, kukunanin pa nila dahil sa pagiging sakim nila.
YOU ARE READING
The Lost Island
AdventureAng kuwento ay umiikot sa alamat ng Aetheria, isang mahiwagang isla na pinaniniwalaang puno ng ginto at kayamanan, ngunit nakatago sa gitna ng malawak na karagatan. Tanging ang gabay ng dalawang sinaunang Compass Rings ang makapagpapakita ng landas...