Chapter 8

76 1 0
                                        

Nagising ako sa alarm clock ko. Ala siyete na at dapat nag-hahanda na ako ngayon para sa eskwelahan pero hindi ako bumangon. Hinarap ko lang ang kisame. Mabigat ang katawan ko kaya ayokong pumasok, wala akong gana. Binalot ko ang sarili ko sa kumot at siniksik muli ang mukha sa unan.


Umiiyak na naman ako.


Pumikit ako nang mariin at hinayaang tumulo ang mga luha.


Dalawang oras lang ata ang naitulog ko dahil sa pag iyak. 


Hindi ito ang unang beses na nagalit sa'kin si mama tungkol sa gusto kong gawin para sa sarili ko. Kapag may pagkakataon siyang sermunan ako, ginagawa n'ya.


Minsan kapag nag-aaway sila ni papa, sa'kin binabaling ni mama ang inis niya at teatro ko ang pinupuna.


The problem with me is, I'm emotional, I am fragile. Kahit ilang beses kong sabihan yung sarili ko na 'wag magpa-apekto sa mga salita ni mama, wala, iiyak pa rin ako. I will never get used to her harsh words. Never.




Nagulantang ako nang tumunog ang cellphone ko. "H-hello?" Medyo paos kong sabi.


"Finally! Where are you?! Tangina Aisl pumasok ka, kailangan ka sa teatro ngayon! Kanina ka pa hinahanap ni sir Carlo." Tarantang saad ni Rio sa kabilang linya.


Tinignan ko ang oras, 11:20 am. Nakatulog pala ako. Ibababa ko na sana ang tawag dahil ayokong kausapin sila.


"Kapag hindi ka pumasok, kaming officers ang pagagalitan sige ka" may banta sa tono ni Rio.


Guilt tripping.


Hindi ako nag-salita, binabaan ko s'ya ng tawag.


I shut my eyes. I exhaled deeply before opening it one more. I frowned. I closed my eyes again, trying to get back to sleep.


I groaned, irritably. Agad akong umupo mula sa pagkakahiga. Sasapakin ko si Rio mamaya!




"Miss paki-tanggal 'yang sunglasses mo, bawal kayong nakasuot n'yan lalo't naka-uniform ka." Hinarang ako ng guard sa gate ng school.


"May sore eyes ako sir" pag-sisinungaling ko. 


Namamaga ang mata ko dahil sa iyak kaya't kinailangan kong takpan 'to.


Agad akong dumiretso sa gym dahil naroon daw sila Rio.


Hindi napansin ng mga narito ang presensiya ko dahil seryoso silang nagpa-practice ng 'bayan muna' performance namin. Napako ang atensiyon ko sa dalawang lalaki at isang babae na narito. 'Di ko sila kilala.


Nakatayo ang isang lalaki habang naka-halukipkip na pinapanood ang members, ang isa nama'y kinakausap si Gabriel tila tinuturuan ito. Naka-upo naman ang babae habang nagce-cellphone.

You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon