Nagising ako sa matinding kaba, napanaginipan ko na naman yung malaking bola na humahabol sa 'kin tapos kahit anong pilit kong takbo, hindi ko magawang umalis sa pwesto ko. Umupo ako para pakalmahin ang sarili ko, tsaka nagpunas na rin ako ng pawis.
Mula pagka-bata ko palagi akong binabangungot ng bola na 'yon kapag mataas ang lagnat ko.
Wait, what time is it? 6am? Aga ko today ah hashtag sign of adulting, emi!
I checked my temperature and good thing, bumaba na ang init sa katawan ko. Naghilamos at toothbrush lang ako then lumabas na ng kwarto at sakto nag-luluto si Mama ng agahan.
"Wow ang bango dito, wait tocino? Gusto ko sunog yung akin ma"
"oh ano nilalagnat ka pa ba? ikaw sa susunod gamitin mo 'yang payong mo, ano sinong gagamit diyan sa bag mo, libro at ballpen? Sinasabi ko sayo mahirap magkasakit wala tayong pera pang-ospital"
Kay agang sermon brought to you by, Mama kong 'di pa nagka-kape.
Lumabas na ako at baka ako pa pag-initan. Binuksan ko nalang yung hose saka nag-dilig ng mga anak ni mama, yung mga halaman. Lunurin ko kaya isa joke.
I like plants, they're not just for decoration but good for our mental health too, and of course they produce oxygen that our earth needs, tapos medicine pa sila. Oh di ako natutulog noong science class namin, char! sinearch ko lang talaga 'yan.
Pagkatapos kong mag-dilig pumasok na agad ako sa bahay para tulungan si mama mag-hain, inayos ko na ang mga plato, baso at kubyertos nang tawagin ako ni mama mula sa kusina.
"Aisl paki-gising nga ng ate mo at may lakad daw 'yan"
"saan daw pupunta? Ang aga pa ah" kuryoso kong tanong.
"eh, may practice daw ng sayaw, project ata."
Pumasok na ako sa kwarto ni Elora para gisingin sya. "Hoy" tapik ko, " may nag-hahanap sa'yo sa labas" biro ko.
"huh?" Agad siyang napaupo pero nagtataka. Ilang segundo pa siyang tulala tsaka pinulupot sa katawan n'ya ang kumot at lumabas sa kwarto. Naiwan akong humahagikhik.
Amba na sana akong lalabas nang salubungin ako ni Elora nang hampas ng kumot.
"Aray be ha mukha ko yung tinamaan" pabiro kong reklamo.
"Fuck you!" Inirapan ako ng mabait kong ate at bago pa ako lagpasan humabol pa ito ng sabunot
"Elora Hadleigh Ramos Agati!" Kapag tinawag na kita sa buong pangalan mo, be kabahan kana. Hinampas ko s'ya nang malakas sa likod tsaka ako nagmadaling tumakbo papunta kay mama.
Well at least she's awake now. Lol