Chapter 12

76 4 1
                                    

Nagising ako dahil sa uhaw na nararamdaman. Umupo muna ako mula sa pagkakahiga. Humugot ako ng malalim na hinga dahil pakiramdam ko iyak lang ang ginawa ko kanina at nakalimutan ko na ang pag hinga nang tama. Nakatulog na pala ako. Dito ako kina Jessica magpapalipas ng gabi. Hindi niya ako inuwi at hindi rin siya nag tanong kung bakit. 




"Nagluluto ka nang ganitong oras?" Paos kong tanong nang maabutan si Jessica sa kusina. Alas dos na ng madaling araw.


She's about to say something but she refused her self. Nag-tagal ang titig niya sa'kin tila tinatantiya kung ayos lang ako. "Hindi ako makatulog, ikaw kasi e!" biro niya. Lumapit siya sa kanilang ref at kumuha ng tubig. "'tsaka need ko mag-practice sa paggawa ng dough, alam mo naman, projects." umirap pa s'ya tila may trauma sa kanyang projects.


Nag-salin siya ng tubig sa isang baso at inabot 'to sa 'kin. I muttered "Thank you." Tinuon ko ang dalawang braso ko sa countertop at pinanood ang ginagawa n'ya. "Gusto mo talaga maging chef?" 


She looked at me and raised her brow, "Oo naman! Gordon Ramsay 'to ng Pinas!" Nag chef's kiss pa nga sa harapan ko. 


Suminghap si Jessica, "care to tell me what happened?" She looks bothered. "I mean, I'm not forcing you to share, Aisl, pero..... hindi mo kailangan sarilihin lahat lalo't kasama mo ako. I'll cry with you." Jessica smiled, assuring me that it's okay, I'll be fine, I have her.


Yumuko ako dahil nangilid muli ang luha ko, bakit ang calming ng boses ni Jessica? pakiramdam ko kapag nag-salita pa ulit siya maiiyak ako nang tuluyan. 


Next thing I knew, my tears are streaming down. I'm crying.... again. Akala ko mapapagod ako, akala ko lumabas na lahat ng iyak ko kanina pero isang hagod lang ni Jessica sa likod ko, wala, mahina ulit ako.


Pinaupo ako ni Jessica at inabutan ng tissue, umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan nang mahigpit ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin at 'di ko rin mahanap ang tamang salitang gagamitin kaya't nanatili akong tahimik. Tuwing maaalala ko ang mga nakita ko ngayong araw, nasasaktan ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya at hinayaan ang sariling umiyak.


Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganitong pwesto. Tahimik ang buong kusina dahil walang nagsasalita sa amin, salitan na buntong hininga lang namin ang maingay. Hindi binitawan ni Jessica ang kamay ko, hawak naman niya sa kabilang kamay ang tissue.


"May ibang lalaki si mama." Wala sa sarili kong saad. "Niloloko niya si papa." Hindi ko nakikita ang itsura ni Jessica dahil naka-sandal pa rin ako sa balikat n'ya pero naramdaman kong nanigas s'ya sa kinauupuan. 


"Hanggang ngayon nahihirapan akong paniwalaan, pero totoo siya, Jay. Totoong nangyayari." tinignan ko ang tissue kong hawak at pinag-laruan ito. "...Sana hindi ko nalang nalaman. Naririnig ko lang dati 'yung pangangaliwa na ganyan sa TV o kaya radyo.... pero hindi ko naman naiintindihan dati 'yun." 


"Yung thought na nararanasan ko siya ngayon, ang hirap i-process. Masisira yung family ko Jay... natatakot ako." tumigil ako sa pagsasalita dahil sa pag-iyak. Niyakap ako ni Jessica, mahigpit ang yakap na ibinibigay n'ya.


Nilingon ko siya at nakitang basa na ng luha ang mukha niya. I reached for another tissue and wiped her tears, she did the same with me. 


"Should I confront my mother, Jay?" 


Suminghap si Jessica, "Aisl, walang manloloko ang umaamin kapag tinanong mo sila. The best thing you can do is tell tito Albert, he deserves to know the truth." 


"and what will happen after I tell papa? masasaktan s'ya.... I can't witness his pain" I said while sobbing.


"There's a reason kung bakit ikaw ang nakaalam ng issue about tita. You can be the bridge to reveal the truth. Take it slowly, iipunin natin ang lakas mo para magkaroon ka ng courage magsabi kay tito. Hindi pa huli ang lahat, You can save your Family but.... for now, you don't have to make decisions right away. Everything takes time." Inayos ni Jessica ang buhok kong nasa mukha na.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Will Remain, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon