Series Special: Episode 4 - Surprises

65 2 0
                                    

What's Wrong With Secretary Tine?
IT'S YOU THE SERIES

                               Surprises
           (SERIES SPECIAL: EPISODE 4)

• TYNE POV •

Nakarating na kami sa apartment ko, nakapagpick up na din kami ng dinner dahil gusto ni Tharn na kumain kaming dalawa at sakto din naman kasi gutom na rin ako, iba din talaga siya maalaga ganun din kaya si Vice-chairman kay Tine? nakakatuwa lang  🤭

Hinanda ni Tharn ang pagkain namin habang nagpalit ako ng damit pang bahay, makalipas ng ilang saglit ay lumabas ako at pinuntahan ko si Tharn na saktong kakatapos lang ihanda lahat.

Tharn: Saktong sakto kain na tayo. ☺️😁

Pinuntahan niya ako at ginabay sa mesa umupo ako at nagpasalamat ako sa kanya.

Tyne: Uhm salamat love... 😅☺️ sige na kain na tayo alam ko gutom ka na rin.

Ngumiti lang si Tharn saakin at mauna na ako kumain sa kanya masarap ang nabili niyang ricemeal sa isang mukang mamahalin na restaurant, lagi nalang ako nililibre na spspoil na ata ako sa kanya pero kahit komontra ako itutuloy niya pa din. Pero hindi na ako nag rereklamo dahil ganito lang siya mag alaga at nakakatuwa dahil sobrang effort niya ngayon lang din ako nakaranas ng ganito.

Patuloy ako kumain at sobrang sarap talaga buti nalang medyo madami nabili si Tharn na pagkain dahil mukang ginaganahan ako ngayon.

Napatingin ako sa kanya habang ngumunguya ako at nagtaka at nakatingin lang siya saakin hindi man lang niya ginagalaw ang kanyang pagkain.

Tyne: Ai Tharn! kumain ka na nga lalamig yang pagkain mo. 😒🙄

Natuwa naman si Tharn at tumawa nalang ito.

Tharn: Pasensya ka na nakakatuwa ka lang kasi tingnan... nakakainlove eh saka parang mabubusog na ako kakatingin lang sayo. 😏

Pinigilan ko ang pag ngiti ko at tumingin lang ako sa kanya ang totoo niyan kinikilig ako. Bwisit naman ito so Tharn ang daming alam at sinasabi.

Tyne: Ano ba yan Tharn... daming alam sobrang cheesy mo bleh. 🤮🙄

Natawa naman si Tharn saakin at patuloy niya ako tinitigan at ganun din ginawa ko sa kanya at unti unti ko na realize ang pogi niya at hindi nakakatulong dahil nag papacute siya ko na din mapigilan ang sarili ko at napangiti ako.

Tharn: I love you Tyne. 🥰

Napangiti ako sa kanya nako naman ito si Tharn sana hindi magbago ito at ganito nalang lagi kaso...

Tyne: I love you too Tharn... (*Napangiti ako sa kanya kaso medyo napaisip ako at kita ito sa muka ko.*)

Ngumiti si Tharn pero nagtaka ito bakit ganun ang muka ko.

Tharn: Okay ka lang ba love? May mali ba akong nasabi? 🥺

Hinawakan ni Tharn ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.

Tharn: Tyne.... pwede mo sabihin saakin kung may bumabagabag sayo.

Tyne: Tharn... wala okay lang ako... (*Pinilit ko ngumiti.*)

Alam ko na hindi makakalusot dahil alam niya na meron ako hindi sinasabi sa kanya.

Tharn: Tyne. (*Huminga ito ng malalim at napatingin saakin.*) Hindi kita pipilitin pero kung ano man yan nandito lang ako para sayo at handa ako gawin kahit ano para matulungan ka. 🥺

Napangiti ako at hinawakan ko ang kamay ni Tharn alam ko na maliit na bagay lang ito pero matagal na din ako nababahala, hindi ko lang masabi sa kanya kasi nahihiya at baka sabihing mababaw pero dahil sa sinabi niya ngayon parang kaya ko na sabihin.

What's Wrong With Secretary Tine?Where stories live. Discover now