Episode 4 - Cheering Up

31 2 0
                                    

What's Wrong With Secretary Tine?
IT'S YOU THE SERIES

                          CHAPTER 19:
                           (EPISODE 4)
                           Cheering Up

• SARAWAT POV •

Sarawat: Ano? Isang mop fight? 🤨🤔

Man: Oo narinig ko siya kay Secretary Wave. Tungkol daw sayo at kay Secretary Tine, and two bitches--

Napatingin lang ako kay Man sa mga sinasabi niya kung ano ba ang ginawa nila mahal ko. Napatingin siya saakin at medyo na guilty sa sinabi niya.

Man: I mean two employees na pinaguusapan kayo. Tapos dalawang tao mula sa office ninyo ay dinefend si Tine, at ayun nagkaroon ng big fight sa kanila.

Grabe naman ang nagyari... bakit kasi si Tine pa... hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganun kalala ang magyayari...

Man: Si Secretary Tine naman nandoon para pigilan at pinaghiwalay lang sila.

Sarawat: Nasaktan ba Tine? 🥺

Man: Panigurado nasaktan yung damdamin noon. Sabi kasi nila na sineduce ka daw ni Tine or something. Tapos gumamit pa ng ibang harsh words.

Nangigigil ako hindi deserve ni Tine ang lahat ng kaharasan nito at paninira sa kanya.

Sarawat: Dineserve ba namin itong mga harsh words na ito?

Man: Well alam mo naman ang mga tao mahilig magsalita pag nakatalikod ka na.

Sarawat: Pero ang kapal naman ng muka nila para gawin yun sa boyfriend ko. 😠

Man: Ayan that's exactly the reason.

Napatingin naman ako sa kanya at nagtaka.

Man: Siya kasi ang boyfriend ng owner. Kaya sobrang nag seselos sila sa kanya.

Sarawat: Pathetic. 😒 Hindi ko sila sinusweldohan para ganun lang ang mga ginagawa nila. 😡

Naiirita ako sa mga nagyari kay Tine at nagaalala din ako sa kanya kaya kailangan ko siya puntahan. Agad napatayo ako para hanapin siya pero pinigilan ako ni Man.

Man: (*Pinigilan niya ako.*) Teka, saan ka pupunta? 🤨

Sarawat: Gusto ko siya makita, kung okay lang siya.

Man: Alam mo, Narinig ko na nagmakaawa siya na wag daw sabihin sayo. Dahil alam niya na ito amg mararamdaman mo.

Napaisip naman ako kung ayaw saakin paalam ni Tine pero nalaman ko na ano na gagawin ko? Paano ko mahuhulaan ito? 🤔

Sarawat: Edi paano ko naman malalaman?

Man: Ganiyan talaga ang mga rumors, Nagspspread from person to person. Hangang makapunta ito sayo at pagkatapos it will drive you crazy.

Hay bakit kasi nakapacomplicado ng sitwasyon na ito...

Man: Since sinabi niya na wag daw sabihin sayo, magkungyari ka nalang na hindi mo alam.

Ang hirap naman kasi bakit inaako niya lahat... nandito naman ako para sa kanya kaso ang pakiramdam nito kahit anong angulo ang ending si Tine pa rin ang pinakanasaksaktan dito.

Man: Siya siguro yung pinaka nahihirapan sa sitwasyon ninyo ngayon.

Sarawat: Alam ko. Kaya sobrang naiinis ako.

Natapos ang usapan namin ni Man at sinunod ko nalang ang payo niya naglalakad ako pabalik sa office at nagiisip ng paraan para ma cheer up ko kahit papano si Tine.

What's Wrong With Secretary Tine?Where stories live. Discover now