Series Special: Episode 3 - Reschedule

69 2 0
                                    

What's Wrong With Secretary Tine?
IT'S YOU THE SERIES

Reschedule
(SERIES SPECIAL: EPISODE 3)

• TINE POV •

Ilang araw na nakalipas halos mag 1 week na pala kami nasa honeymoon, sobrang saya naming dalawa ng asawa ko. Lahat ng magagawa namin sa bahay at sa Japan ay nagawa nanamin at syempre dahil sobrang pagmamahalan namin sa isa't isa hindi namin napigilan isingit ang pag loving loving naming dalawa.

Mamimiss ko ito dahil uuwi na kami bukas, kahit gusto hindi na matapos itong honemoon vacation namin ay kailangan nanamin bumalik sa Thailand at somepoint.

Mamimiss ko ang exciting adventures at happy moments namin dito at nakita ko din na sobrang saya ni Sarawat at mas lalong pa akong nainlove sa kanya habang namamasyal kami sa Japan at kung ano anong dates ang ginagawa namin, yung walang plano plano walang destination basta kung ano mapuntahan namin basta magkasama kami sobrang masaya at syempre ang daming memorable memories na nagawa dito.

Hapon na ngayon at malapit na mag gabi kakabalik lang namin mula sa isang restaurant at nagpark din kami ni Sarawat hindi lang yun nag train din kaming dalawa grabe pala dito maganda na at sobrang advance nila dito, napaisip ako habang nakaupo sa kama namin kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis na ako hinihintay ko si Sarawat matapos maligo.

Parang mahirap umuwi pag sobrang ganda ng lugar hay matuwa lang talaga sobrang saya ko lagi ngayon, dahil din sa asawa ko na lahat ng bago gusto niya try hindi na din siya namimili at hindi na din masiyado maarte katulad ng dati.

Pero syempre ganun lang yun pag kasama ako iba pa rin ang Vice-chairman Sarawat na kilala nila akin lang ang special version ng Sarawat na ito. ☺️ Parang noong date namin noong nag day off ako lahat ng gusto ko gawin ay ginawa niya at doon ko nakita first time itong version na ito ni Sarawat.

Bigla ko nalala ang coffee shop na pinuntahan naming dalawa kung saan kami umiinom kami ng mango graham frappucino at yung may pa surprise siyang strawberry shortcake, nasobrang sarap hay nakakamiss sana doon ko nalang siya dinala noon hindi doon sa coffee shop ng blind date ko.

Hay nako Tine sayang yung opportunity edi sana hindi na kayo nagkaroon ng LQ noon pero atleast okay na din dahil naging okay naman kami kaso hindi niya makakalimutan ang pangyayari na yun kahit kailan lalo na pag pumunta kami sa coffee shop.

Alam ko hindi siya comportable halata ko nang pumupunta kami sa coffee shops dito... gusto ko mawala yun at mapalitan ng mas magandang memory.

Bigla ko nalala ang napagusapan namin ni Fhong.

• FLASHBACK ~*

Ang Pinagusapan ni Tine at Fhong.

Tine: Hay sige na... ganito kasi... gusto ko mag open ng coffee shop kong sarili.

Fhong: Hmm? bakit naman? hindi ka na ba masaya sa trabaho mo?

Tine: Hindi naman sa ganun, masaya naman ako sa pagiging Secretary ng asawa ko well parang hindi na nga ako Secretary to be honest. 😅 Pero dahil nakasanayan ko na din ayun pa din ginawa ko para sa kanya.

Fhong: I see. Well kung ganun wala naman masama, kaso ano ba ang reason mo kung bakit gusto mo mag tayo basta basta ng coffee shop? nako siguro may masamang nagyari noh? 🤔

Tine: Well hindi naman masama ang magyari parang misunderstanding lang, nagkabati nanaman kami sa issue na yun pero parang nagiba na tingin niya sa coffee shop dahil sa pangyayari na yun.

Fhong: Ano ba exactly ang magyari? 🤔

Tine: Well kasi...

Inexplain ko kay Fhong ang story tungkol sa noong nadala ko accidentally si Sarawat coffee shop kung saan ako dinala ng blind date ko at kung ano pa nagyari.

What's Wrong With Secretary Tine?Where stories live. Discover now