Chapter 05: Flashback
Erine's Point of View
I'm home, as usual, alone. Since we left Baguio and start to live here, my parents became so busy. Whenever I asked them lagi lang nila sinasabi na para daw naman sa akin yun kaya intindihin ko nalang daw muna sila kaya naman pinapabayaan ko na lang sila at hindi pinapakialaman.
Late na ako nakauwi ngayon kase nag-usap pa kami ni Ken about dun sa mga nakalagay sa memo na kailangan naming dalhin pero to be honest mas mahaba pa yung oras na nagdadaldalan kami kesa nag-usap kami about sa upcoming camp namin.
He's not really that bad honestly. He's easy going and masaya siyang kausap, maybe kaya iba ang tingin ng ibang tao sa kanya kasi hindi pa nila ito nakikilala ng mabuti. Only few people approach him to befriend him. Mas marami pa nga yata yung nag a-approach sa kanya dahil gusto siya at hindi dahil gusto siyang maging kaibigan. It's funny to think na yung taong nakaaway at napagsalitaan ko ng masasamang bagay nung unang araw ko pa lang dun sa University is magiging kaibigan ko pala. In just a day, everything changed in a better way and I'm happy na kahit naging bad ang first impression namin sa isa't isa ay hindi kami naging awkward. Nakakatuwa siyang kasama, lately ang dami ko na agad nalaman sa kanya.
*flashback*
After what happened between Ken and ateng maharot ay hinila na lang ako nito papunta sa may garden. Natatawa na lang ako kase hindi ko makalimutan yung mukha nung babae kanina, it's priceless! Pero medyo naging rude ata si Ken sa kanya kase malay mo naman may sasabihin lang yung babae diba? But based sa itsura, kinikilos at pananalita niya kanina ay mukhang gusto lang naman niyang makipaglandian kaya buti nga sa kanya.
"Hoy." Tawag ko kay Ken kaya naman nagtataka siyang tumingin sa akin. "Yung kamay ko bitawan mo na baka mamaya iuwi mo pa yan." Medyo mataray na sabi ko habang nakatingin dun sa kamay kong hawak niya.
"Sorry hindi ko namalayan." Ngiti ngiti niyang sabi tapos binitawan na yung kamay ko sabay upo dun sa may malapit sa puno. "Oy Erine!" Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. "Uso umupo no? Come here, sit beside me." Sabi niya at tinuro pa yung space sa gilid niya kaya naman sumunod na lang ako at umupo sa tabi niya.
"So.. ano na? Patingin nga nung memo na ibinigay." Binigay naman niya sa akin yung isang memo na kinuha niya kanina.
Please bring the following:
Sleeping Bag, Sheets or Blanket, Pillows, and most importantly First Aid Kit
Kindly bring Extra clothes, shoes or boots, Sweatshirt or Jacket, Socks, Hat or Bandana, Sleep Clothes, Rain Gear, Swim Suit (optional), and Laundry Bag.
Shower shoes or flip flops, Towels/washcloth, Soap in plastic case, shampoo, tooth brush, tooth paste, Deodorant, Comb or brush and other personal items.
Note: For the tools used in cooking and other miscellaneous we'll be the one to provide them.
"Aren't this too many? Ganito ba talaga karami ang dinadala whenever may camping?" I asked in confusion, kase naman malay ko ba diba?
"So you've never experienced camping?" He asked while smirking. I nod as my answer. Well kasalanan ko ba kung bakit ayaw kong natutulog kung saan saan?
"Hindi ako sanay matulog kung saan saan that's why." Paliwanag ko.
"Then how about your new house? I mean diba kakalipat niya lang dito?" He asked.
"Well same environment lang naman and besides the same ang itsura ng kwarto ko kaya feeling ko hindi ako nasa ibang bahay." Sagot ko sa kanya, siya naman tumango tango lang.
"So that means mahihirapan kang mag adjust kapag nag-camping tayo and to think na three days pa yun." Sabi niya kaya tumango na lang ako kase naman totoo yung sinabi niya. "Don't worry I'll be always by your side para kapag di ka makatulog I'll be there for you to cuddle up." Sabi niya sa akin sabay wink at tawa ng nakakaloko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. "Hey I'm just kidding! Pero half meant yun. I'll always be by your side promise!" Sabi niya at nag wink na naman.
"Since friends na tayo, can i ask you something?" Tumango lang naman siya habang nakatingin sa akin kaya naman pinagpatuloy ko na lang yung sasabihin ko. "Bakit iba yung impression sayo ng ibang tao? You know, yung mga naririnig ko sa iba ay ibang iba sa mga nakikita at nalalaman ko ngayon." Sabi ko sa kanya at bigla naman siyang napaiwas ng tingin at tumingin sa langit. "You don't need to answer if you don't want to."
A few minutes later bigla na lang siyang nagsalita. "Honestly I really don't know. Maybe ganon nalang talaga siguro kapag kilala ka? Most of them love and adored me pero meron din sa kanilang hinahanapan ako ng mali para mabago yung tingin ng iba sa akin." Sagot niya.
"Pero bakit parang hindi ka na naaapektuhan at parang pinapabayaan mo na lang sila na siraan ka sa iba?" Tanong ko sa kanya kase kung ako sa kanya syempre hindi ko hahayaan yung ibang tao na siraan ako at ibahin yung tingin ng ibang tao sa akin.
"Sanay na kasi ako, since nung naging ganito ako they start to judge me and hindi ko naman sila sinisisi kase alam kong may mali din ako." What does he mean 'since nung naging ganito ako'? Does that mean na dati ay ibang iba siya?
"Pero kahit na may mali ka hindi mo dapat sila pinapabayaan na gawin yun. Dapat kinikilala ka muna nila kase I can see na you're not that bad. Na kahit isa kang stupid jerk ay mabait ka pa rin naman at may puso. Seriously tao ka pa din kaya no. People get hurt so as you!" Medyo naiinis na sabi ko sa kanya kaya naman napatawa na lang siya. "I know that's deep pero that's the truth Ken. Hindi mo dapat pinapabayaan ang ibang tao na i-judge ka at the same time na baguhin ka." Dagdag ko pa at tumawa na naman siya.
"I know pero ano pa ba ang magagawa ko diba? Nangyari na at hindi ko na rin naman mababago yung sarili ko para maging katulad nung dati, yung Ken na gusto nila dahil dati. Nasanay na kasi ako sa mga ginagawa ko." Sabi niya lang sa akin at ngumiti ng pilit, ano ba talaga meron dati? Isa ba siyang flower boy dati na sobrang charming at mabait? Yung tipong hindi bad boy?
"Hey I didn't say na magbago ka okay? Ang sinasabi ko lang you need to defend yourself! Di mo kailangan magbago, kailangan lang kasi nilang matanggap na ganito ka." Sabi ko at turo turo pa sa kanya.
"You mean na isang playboy na laging nagpapaiyak ng mga babae?" Natatawang tanong niya sa akin kaya naman binatukan ko siya. "Aray ano ba?"
"Sira ka kasi! Kahit naman ganyan ka hindi mo kasalanan na may mga umiiyak na babae dahil sayo. Kasalanan mo bang di mo sila gusto?" Paliwanag ko sa kanya tapos siya naman tumango lang. "Kahit na maging katulad ka pa ni Christian Grey dapat hindi ka nila pinapakialaman, bakit kaano ano mo ba sila?"
"Grabe ka naman, Christian Grey talaga? Alam ko namang charming at appealing ako pero hindi naman niya ako katulad na ganon makipags*x no! Besides ano pa kaya ako.. ano.. uhmm" Sabi niya. Hindi ko naman sinabing ganun siya eh sabi ko lang kahit na maging ganon pa siya.
"what? ano ka pa?" Nagtatakang tanong ko sa kanya tapos bigla na lang siyang namula? "Wait don't tell me virgin ka pa?" Tanong ko at bigla namang nanlaki yung mata niya tapos bigla siyang namutla ng sobra. "So totoo nga?" Natatawang sabi ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi naman kasi ako katulad nung ibang lalaki dyan na kuha ng kuha ng virginity no. Ayoko ngang magka-HIV." Defensive na sagot niya sa akin habang ako naman tawa ng tawa kase sobrang pula na talaga ng mukha niya.
I patted his head na parang bata. "Good boy." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Akala ko hindi ka na virgin, ang landi mo kase." Dagdag ko pa kaya naman sinamaan na naman niya ako ng tingin "Chill! Hindi lang kase talaga ako makapaniwala. Oh diba sabi ko sayo dapat hindi mo pinapabayaan yung iba na i-judge ka eh." sabi ko at tumawa ulit.
*end of flashback*
Natatawa na lang talaga ako kapag naaalala ko yung nangyare kanina. Akalain mo yun? Ang isang Kenneth Kim na isang cassanova na marami nang nalande at napaiyak na babae ay virgin pa pala? Maybe ayaw niya lang talagang magka-HIV or good boy lang talaga siya.

YOU ARE READING
Playboy (REVISING)
RomanceWhat would happen if a playboy met a girl who's indeed very different from the girls he used to flirt with? Would he considered her a challenge or a threat?